Babala: Ang mga idelohiyang nakasulat dito ay posibleng hindi magustuhan ng mga matatandang may pagka-konserbatibo, mga bata, at makikitid ang utak. Kung isa ka sa mga nabanggit ko, itigil mo na ang pagbabasa.
Nakakatawa talagang isipin na may mga ugali ang mga tao na sadyang maihahalintulad sa mga parte ng katawan o maski sa kaliliit na organismo. Para mas maintindihan ang mga bagay-bagay ng mas mabilis tungkol sa uri ng “Cells”, nangulit na naman ang pagka-echosera ko.
Kanina kasi tinuro sa amin na ang mga “Cells” ay nahahati sa tatlong uri; Labile, Quiescent at Non-dividing. Kagaya ng sinabi ko kanina, kailangan maka-isip ka ng paraan para mas lalong matandaan, kaya ito ang sa akin.
Ang mga cells na ito ay parang mga tao na hinati-hati sa lebel ng kanilang kalandian o kalibugan. (Napangisi ka siguro ano? Praktikal lang tayo dito kapatid.)
Ang mga taong sobrang libog ay parang mga Labile cells. Ito yung mga taong masyadong mahilig gumawa ng milagro kaya palaging nagre-reproduce. Kakatapos lang ng isa, may kasunod na kaagad. Walang tigil. Walang sawa. Hanggang sa dulo ng walang hanggan, gora lang ng gora.
Ang mga tao naman na “Hindi ko gagawin, pero wag mo akong pipilitin” ang drama ay parang mga Quiescent cells. Mga pakipot sa umpisa pero bibigay din pala. Mga taong kapag pinilit ng pinilit ay “Capable” din pala. Sa tingin ko dapat ang mga tao parang quiscent cells. Saktong libog lang kumbaga. Nasa lugar. Hindi yun lang ang palaging naiisip, nakakausap pa rin ng matino at maayos.
Ang pinakahuli ay ang mga Non-dividing cells. Kung sa tao, ito naman yung mga menopause na o kaya naman ay wala ng asim. Mga hindi na pu-pwede at uubra sa maligalig na mga gawain. Mehehe.
Ngayon alin ka sa mga cells na nabanggit ko? Labile, Quiescent, o Non-dividing?