Wednesday, December 7, 2011

Sadya ba o dahil sa sitwasyon?


Sadya ba o dahil sa sitwasyon? Yun yung mga tanong na tumatakbo sa utak ko ngayon.

Kapag importante sayo yung isang tao, mahalaga sayo palagi kung ano yung relasyon niyo sa isa't isa. Kung paano kayo magtratuhan, kung paano kayo makitungo sa isa't-isa. At kung malapit kayo sa isa't-isa isa lang naman ang hihilingin mo eh. Yun ay yung manatili na maging malapit kayo sa isa't isa.

Pero sabi nga ng karamihan, kung hindi naayon, hindi manyayari. Nakadepende pa rin siguro sa tao yun kung ano yung manyayari. Kung paano pangangalagaan kung ano yung nabuong matibay na pundasyon ng samahan.

Pero siguro may mga pagkakataon sa buhay na manghihina yung pundasyon na nabuo niyo. Akala mo matibay na, yun pala kulang pa. Bigla na lang may magbabago. Yung inaakala mo na magtatagal na panghabang buhay, posible pala mawala na parang bula.

1 comment:

Vintot said...

sa tingin ko sitwasyon lang di naman lahat siguro gusto mag hiwalay tadhana na talaga magbibigay daan kung sino ang para sa atin.