Showing posts with label tadhana. Show all posts
Showing posts with label tadhana. Show all posts
Thursday, September 22, 2011
Minsan nagtataka ako kung nakatakda na ba ang lahat. Sabi nga ng ibang tao, hindi daw totoo yun. Ikaw ang gagawa ng lahat. Ikaw ang magde-desisyon sa kung anong patutunguhan mo sa hinaharap. Ikaw ang mag-iisip kung paano maayon ang ikot ng mundo sa kung ano ang gusto mo. Pero kapag inisip mo talaga, minsan parang totoo rin ang tadhana.
Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bigla kang may makikilalang isang estranghero. Hindi mo kilala. Hindi ka kilala. At sa isang pagkakataon na nagkita kayo, hindi inaasahang magkakakilala kayo. Pero sa isang lugar na walang kaseryosohan, paano mo masasabi na ang nakikilala mo ay magtatagal sa buhay mo?
Saturday, July 23, 2011
Magulo ang Mundo
Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.
Sabi nila, walang tadhana. Tayo ang pipili kung saan tayo pupunta. Nasa atin kung anong gusto nating gawin. Nasa atin ang pagdedesisyon. Nasa kamay natin kung paano matutupad yung mga pangarap natin. Walang tadhana. Wala.
Nagtataka lang ako. Bakit kaya ganun.. May mga bagay na kahit anong gawin mo, di mo pa rin makuha-kuha yung gusto mo. May mga bagay na malapit mo ng maabot at inakalang maabot mo na, tas bigla kang babagsak sa lupa na kahit anong gawin mo para makatayo, mahuhulog at mahuhulog ka pa rin.
May mga bagay na kahit ipaglaban mo pa sa buong mundo, sa huli.. ikaw pa rin ang talo.
Siguro nga. May mga bagay lang talaga na hindi pwedeng ipagpilitan. Mga bagay na pag pinagpilitan mo, ikaw na mismo ang masasaktan.
Subscribe to:
Posts (Atom)