Monday, February 20, 2012

Paano Magbura ng Alaala?


Press delete. Lukutin at punitin at itapon sa basurahan. Labhan ang utak ng tatlong beses with Pride, Champion at Tide. Ibabad sa Zonrox ng dalawang oras. I-flush sa inidoro pagkatapos ng isang malakas na ere. Isuka sa kanal na parang gusto mo lang magsuka dahil gusto mo pang uminom. Ilatag sa sahig saka hayaan hanginin. Magpagupit ng buhok. Magpagupit ng kuko. Magpatuli. Kumain ng madami, damihan ang matatamis at magpabunot ng ipin. Takpan ang tenga at kumanta-kanta mag-isa. Manuod ng The Ring ng Alas Tres ng madaling araw, bawal buksan ang ilaw. Kumain ng hilaw na isda. Magpalaboy-laboy sa lansangan saka magpanggap na baliw. Maligo at kiskisin ang balat gamit ang watusi.
Oo. Lahat gagawin mo para lang mabura sa isipan mo.
Pero may mga bagay na kahit anong gawin mo, nakabaon na yun dyan.
Amygdala + Limbic System.. Fuck you.



Tatlong buwan na mula nung nagpabutas ako ng tenga. Pero hanggang ngayon, kapag nililinis o ginagalaw ko ito, ganito pa rin ang nanyayari.
Isang patunay na may mga sugat na mahirap at matagal talaga mag-hilom.

Saturday, February 4, 2012

Salamat, Pero Wag na Lang


Kamusta? Kahit nung isang araw lang ako nag-online, pakiramdam ko sobrang tagal na. Siguro kasi nakasanayan kong mag-online palagi kaya siguro kapag hindi ako nakakapag-internet, hinahanap-hanap ko ang computer. 
Yan talaga ang hirap kapag nakakasanayan eh. Hinahanap-hanap.
Nag-promise ako sa sarili ko na simula ngayong taon, may mga bagay akong kailangan sundin sa listahan ng set of rules ko. Isa na doon yung…
“Bawal ma-attach sa kahit ano”
Mapa-bagay, mapa-pagkain, mapa-hayop, o maski mapa-tao.
Mahirap na. Mahirap na. Mahirap na. Kaya salamat, pero wag na lang. 
May mga bagay talaga na kapag ginagawa, masaya. May mga tao rin na kapag kinakausap, nakakagaan ng loob. May mga pagkain na kapag kinain, “ang sarap ng feeling ko” ang masasabi mo. Pero hindi naman siguro tama na i-expose ko palagi ang sarili ko sa mga ganun. Mahirap na masanay. Mahirap na. Mahirap na lalo kapag nawala. Kaya salamat, pero wag na lang.
KJ ba yung ganon? Tapos ang sasabihin ng iba.. “At least, ganito ganyan.” Eh siguro yun na nga yun eh, andun ka na, nawala pa. Ginto na nga, naging bato pa. Mas mahirap kasi yung ganun. Mabuti pa na sa umpisa pa lang, alam mo na kaagad. Kaya salamat, pero wag na lang.