Kamusta? Kahit nung isang araw lang ako nag-online, pakiramdam ko sobrang tagal na. Siguro kasi nakasanayan kong mag-online palagi kaya siguro kapag hindi ako nakakapag-internet, hinahanap-hanap ko ang computer.
Yan talaga ang hirap kapag nakakasanayan eh. Hinahanap-hanap.
Nag-promise ako sa sarili ko na simula ngayong taon, may mga bagay akong kailangan sundin sa listahan ng set of rules ko. Isa na doon yung…
“Bawal ma-attach sa kahit ano”
Mapa-bagay, mapa-pagkain, mapa-hayop, o maski mapa-tao.
Mahirap na. Mahirap na. Mahirap na. Kaya salamat, pero wag na lang.
May mga bagay talaga na kapag ginagawa, masaya. May mga tao rin na kapag kinakausap, nakakagaan ng loob. May mga pagkain na kapag kinain, “ang sarap ng feeling ko” ang masasabi mo. Pero hindi naman siguro tama na i-expose ko palagi ang sarili ko sa mga ganun. Mahirap na masanay. Mahirap na. Mahirap na lalo kapag nawala. Kaya salamat, pero wag na lang.
KJ ba yung ganon? Tapos ang sasabihin ng iba.. “At least, ganito ganyan.” Eh siguro yun na nga yun eh, andun ka na, nawala pa. Ginto na nga, naging bato pa. Mas mahirap kasi yung ganun. Mabuti pa na sa umpisa pa lang, alam mo na kaagad. Kaya salamat, pero wag na lang.
No comments:
Post a Comment