Showing posts with label teenager. Show all posts
Showing posts with label teenager. Show all posts

Saturday, August 6, 2011

For Girls Only: Sex Issues

Bukod sa “Wag kang iiyak dahil sa lalaki” lesson, meron pa akong isang natutunan nung camping na iyon. Kung ano talaga ang “Nature” ng iilang mga Adan dito sa lupa. Inuulit ko, IILAN. Ibig sabihin, hindi lahat. Wag naman masyadong mag-react. Mga babae, gusto ko lang ibahagi kung ano ang natutunan ko.

Iba ang pisikal sa emosyunal. Lalong lalo na, na magkaiba ang libog sa pag-ibig.
Nagtanong ako sa mga kasamahan ko, “Bakit ang ibang lalaki, puro sex lang ang habol sa mga babae?” Ang daming sumasagot na.. “Malay mo, nagbibigay ng motibo ang mga babae.” Pero hindi nga? Kung ganoon, bakit kailangan pang sabihin ng mga lalaki ang mga katagang.. “Kung mahal mo ako, gagawin mo ito.”

Sabi nga ng ate ko, “Walang boypren ang mga babaeng hindi nakikipag-sex.” Hindi lahat pero karamihan. Kaya nga minsan ang babaeng hindi kayang magtaas ng puting bandila, tina-traydor. Tino-2 time. Kasi hindi niya napupunan ang sex na gusto ng kapareha.

Sa tanong na iyon, lahat sila walang naisagot. Iyon na nga talaga, parte na ng pagkatao nila iyon. Normal lang ito. Malamang mataas ang lebel ng kanilang testosterone. Yun na yung NATURE nila. 
Kaya ito na lang ang masasabi ko sa mga babae.

Nasa sa inyo pa rin iyan, kung ibibigay niyo o hindi. Posible man na naibigay niyo na ang puting bandila, pero wala ka pa ring kasiguraduhan kung pagmamahal o kalibugan lang ang pinapairal ng lalaki mo. Siguro, kailangan mo na lang ilagay sa isipan mo na, may nanyari nga sa inyo, pero hindi ibig sabihin nun mahal ka na niya.

Iba ang testicles sa puso.

Posibleng ang lahat ng pinaggagawa niyang iyon sa iyo ay walang kahulugan. Masakit man sa bangs, kasing sakit ng suntok sa lungs, pero ganun talaga. Parang mga babaeng nagbibigay lang ng aliw, pagkatapos ng gabi.. Putol na ang koneksyon. Wala ng kasunod, wala ng sustento. Kumbaga hanggang dun lang at wala ng iba pa.

Wag kang umasa sa kanya, kasi kung totoo man na mahal ka niya, rerespetuhin niya kung ano man ang magiging desisyon mo.

Buntis ako.

Tandang-tanda ko pa..

Breaktime nun, walang magawa. Nag-uusap kami ng kaibigan ko tungkol sa mga bagay na komplikadong intindihin. Mga bagay na mahirap paniwalaan. Mga bagay na hindi pwedeng sabihin kahit kanino.
Biglang dumating yung dalawa kong kaklaseng lalaki. Ang mga chismosong lalaki talaga, tanong ng tanong kung ano yun. Kung anong pinag-uusapan namin. Sinabi ko na lang agad..

 “Buntis ako.”

Hindi sila makapaniwala sa narinig nila. Puro “WEH” ang narinig ko. Ayaw nilang maniwala, mukhang nagulantang ko sila sa mga salitang binitawan ko. Nagsimulang mamula ang aking mukha. Ewan ko ba..

“Oo nga buntis ako. Mukhang to? Manloloko?” Nagsimula na rin akong yumuko. Tumingin sa ibang direksyon. 

Kitang-kita ko ang mukha nila, mukhang nag-aalala na nga. Ginatungan pa ng kaibigan ko.
“Totoo ba sinasabi nito?”

“Oo nga. Totoo yan, kanina pa umiiyak yan.”

Nagsimula akong magkwento..

Oo nga. Ang tanga ko.. Hindi ko pa alam kung kanino to. Lasing na kasi ako nun. Sa isang bar, madami akong nainom. Tanga ko lang, sama kasi ako ng sama.”

Tinawag nila yung isa ko pang kaibigan. Sila na mismo nagsabi dun sa kaibigan kong babae. Nagulat na lang ako ng makita kong maluha-luha na yung barkada ko.

“WEH? Totoo ba yan? Iiyak na ako.”

“Oo nga totoo.” 

Bago pa siya umiyak ng tuluyan, sumigaw ako ng “HINDI, JOKE LANG!”
Lalo siyang umiyak nung nalaman nya na JOKE lang pala. Nagalit rin siya sa akin. Sorry naman, lakas ng trip ko nun. Ewan ko rin bakit yun yung naisip ko na “pinag-uusapan namin” kunwari. Ayan kasi, mga chismoso.

Mukhang to? Mehn naman. Ako pa, lalaki ata to. Lakas trip lang talaga. Na-share ko lang. Naisip ko kasi, ganito pala kapag nabuntis ka ng maagang edad. Ang daming reaksyon. Kaya mga dalaga dyan, mag-ingat. Wag mong ibibigay yan ng basta-basta. Nako, mahirap na.

Tamang Crush Lang

Bukod sa pag-inom ng tubig dahil sa init ng panahon.. Meron pang isang paraan para mapanatiling malusog at malakas ang ating katawan.

Ano iyon?
Aba! E napakadali lang naman. Lalo na ngayong summer at wala masyadong ginagawa. Iyon ay ang pagkakaroon ng crush.

Hindi ka nagkakamali sa nababasa mo. Isa talaga yan sa mga susi sa kalusugan.
Sabi nga nila, “An apple a day keeps the doctor away.” Ganyan rin kapag may crush ka, isang sulyap lang. Isang ngiti lang galing sa crush mo, sarap. Buhay na buhay ka na. Talong-talo ang mga multivitamins na nagkalat sa mga drugstores.

Bukod pa sa energy na ibinibigay ng crush mo, sa isang iglap lang, hindi mo mapapansin na naka-ngiti ka na pala mag-isa dyan. SMILE! Ayie. Sabi nga rin ng mga eksperto, 42 muscles ang ginagamit natin kapag ngumingiti tayo. Ang mga muscles na iyon ay magko-constrict, syempre ano pa nga ba ang manyayari.. Mababawasan ang blood flow sa part ng utak. At kapag nanyari iyon, pansamantalang bababa ang temperatura sa may bandang utak. “The cooler the brain, the happier we feel.” Kaya siguro kapag hot na hot ka, sinasabihan ka ng “cool ka lang” ano?

Ilan lang yan. Madami pang iba. Pero babala. Alam naman nating lahat na kapag sobra, masama. Ngayon, kapag hindi na lang crush yan.. Yung tipong mas malalim na, medyo nakakatakot na. Para sa iba, siguro masaya. Pero para sa karamihan, masakit daw.

Tulad rin ng pag-inom ng isang antibiotics kapag may sakit ka, dapat sa tamang oras, tamang amount lang. Tamang gamot, sa tamang sakit. Kasi kapag hindi mo daw ito sinunod, posibleng maging mas malala yung sakit mo. 

Kaya dapat pag mas malalim na sa crush.. Mas mainam kung sa tamang tao. Tamang oras. Tamang panahon at tamang pagkakataon.