Saturday, August 6, 2011

For Girls Only: Sex Issues

Bukod sa “Wag kang iiyak dahil sa lalaki” lesson, meron pa akong isang natutunan nung camping na iyon. Kung ano talaga ang “Nature” ng iilang mga Adan dito sa lupa. Inuulit ko, IILAN. Ibig sabihin, hindi lahat. Wag naman masyadong mag-react. Mga babae, gusto ko lang ibahagi kung ano ang natutunan ko.

Iba ang pisikal sa emosyunal. Lalong lalo na, na magkaiba ang libog sa pag-ibig.
Nagtanong ako sa mga kasamahan ko, “Bakit ang ibang lalaki, puro sex lang ang habol sa mga babae?” Ang daming sumasagot na.. “Malay mo, nagbibigay ng motibo ang mga babae.” Pero hindi nga? Kung ganoon, bakit kailangan pang sabihin ng mga lalaki ang mga katagang.. “Kung mahal mo ako, gagawin mo ito.”

Sabi nga ng ate ko, “Walang boypren ang mga babaeng hindi nakikipag-sex.” Hindi lahat pero karamihan. Kaya nga minsan ang babaeng hindi kayang magtaas ng puting bandila, tina-traydor. Tino-2 time. Kasi hindi niya napupunan ang sex na gusto ng kapareha.

Sa tanong na iyon, lahat sila walang naisagot. Iyon na nga talaga, parte na ng pagkatao nila iyon. Normal lang ito. Malamang mataas ang lebel ng kanilang testosterone. Yun na yung NATURE nila. 
Kaya ito na lang ang masasabi ko sa mga babae.

Nasa sa inyo pa rin iyan, kung ibibigay niyo o hindi. Posible man na naibigay niyo na ang puting bandila, pero wala ka pa ring kasiguraduhan kung pagmamahal o kalibugan lang ang pinapairal ng lalaki mo. Siguro, kailangan mo na lang ilagay sa isipan mo na, may nanyari nga sa inyo, pero hindi ibig sabihin nun mahal ka na niya.

Iba ang testicles sa puso.

Posibleng ang lahat ng pinaggagawa niyang iyon sa iyo ay walang kahulugan. Masakit man sa bangs, kasing sakit ng suntok sa lungs, pero ganun talaga. Parang mga babaeng nagbibigay lang ng aliw, pagkatapos ng gabi.. Putol na ang koneksyon. Wala ng kasunod, wala ng sustento. Kumbaga hanggang dun lang at wala ng iba pa.

Wag kang umasa sa kanya, kasi kung totoo man na mahal ka niya, rerespetuhin niya kung ano man ang magiging desisyon mo.

No comments: