Saturday, August 6, 2011

Tulad ng pagpapatila mo ng ulan kapag wala kang dalang payong, mas maganda kung palalamigin mo muna ang init ng ulo para magkausap ng mas maayos.

Ang sarap kapag bati-bati na lahat. Happy vibes lang.
Kapag sinabi mo, sinabi mo. Siguraduhin mo na kaya mong panindigan ang desisyon mo, kagaya nga ng sabi ng karamihan.. Mahirap magsisi. Kung sa tingin mo, wala ka ng pakiramdam para sa kanya at sasabihin mong “Wala na talaga”, dapat handa ka rin na makita siya na may kasama nang iba.

Landian: Isang larong masaya na kung saan ang player na unang magsabi ng “I Love You”.. Talo.

Ayoko ng laro. Ayoko ng landian. Gusto ko seryoso.
Tatlo kami sa iisang tent. Madilim na para magliwaliw pero maliwanag pa para matulog. Bilog na bilog ang buwan. Malalim na ang gabi pero mukhang hindi pa kami inaantok. Napili na lang namin na mag-usap tungkol sa kung ano-ano lang. Tungkol sa buhay. Tungkol sa kung anong ma-tripan na mapag-usapan.
Bago ako mahiga, ito ang sabi sa akin ng isa sa mga kasama ko..

“Kung papipiliin ka, masaktan o magsisi, magsisi ka na lang. Mas mahirap masaktan.”
Ah oo, mas madali nga sigurong magsisi kesa masaktan. Sige, yun na lang ang pipiliin ko.
Yun ang napag-isipan kong sagot sa sinabi niya. Hindi iyon tanong, pero yun ang sagot ko. Sige, magsisisi na lang siguro ako.

Pero habang tumatagal, nag-iiba ang pananaw ko.

Hindi ka naman pwedeng pumili sa kahit isa sa mga ito. Magka-ugnay ito kahit anong gawin mo.
Bakit ka ba nasasaktan? Kasi kasalanan mo? Kaya nga pinagsisisihan ang mga kasalanan eh.
Bakit ka nga ba nagsisi? Kasi nasasaktan ka. Nasasaktan ka kasi hindi mo naisip yung mga bagay na SANA inisip mo. Hindi mo kasi napakita kung ano yung mga bagay na SANA ipinakita mo. Hindi mo kasi napatunayan yung mga bagay na SANA pinatunayan mo. At higit sa lahat, nasasaktan ka kasi hindi mo nagawa yung mga bagay na SANA ginawa mo.

Malungkot Pero Nakangiti


Magkaibigan na nga kami. Sinong tinutukoy ko? Yung laruan na bola na umiiyak sa isang kwarto sa kanan. Sinamahan ko siya. Sinamahan niya ako. Tuloy pa rin ang byahe namin sa hindi ko alam kung saan. Malamang, andito pa rin ako at nakasakay sa magarang sasakyan.

Mahilig kaming mag-usap tungkol sa kung anu-ano ng aking bagong kaibigan. Pero para sa ngayon, kailangan na muna namin kumain. Ewan ko kung pwede niyang kainin ang normal na pagkain, hindi naman kasi siya tao kagaya ko. Pagpunta ko sa kusina, merong mga biskwit sa lamesa. Pwede na yun. Hindi mapili ang taong gutom. Kuha sa plato, sabay subo.

“ARAY!”


Napa-aray ako. Sobrang init pa pala ang biskwit sa mesa. Malamang, hinawakan iyon ng mga kakaibang nilalang na nakasakay sa sasakyan na iyon. Siguro, yung Amoeba yung humawak nun. Dahan-dahan ko na lang na iniluwa ang biskwit. Nanghinayang din ako, huling piraso na kasi iyon. Mukhang hindi na magkakaroon ng ganung biskwit kahit kailan. Bibihira na lang kasi ang mga gumagawa nun. Pero anong magagawa ko? Mahirap nang masunugan ng dila.
Wala ng pagkain para sa akin. Siguro hahanapan ko na lang yung kaibigan ko.
Kailangan niya ng kumain ng hangin eh.


Umakyat ako sa pangalawang palapag ng magarang sasakyan. Balita ko kasi andun yung ibang gamit nila, tulad na lang ng pambomba. Sa gilid ng kwartong pinasukan ko, napatitig ako sa isang painting. Ewan ko ba, pero parang tinatawag ako ng larawang iyon.

“Halika, lumapit ka. Pakinggan mo ako. Kailangan kita.”


Isa iyong Smiley na ipininta ng kung sino man. Parang ganito.. :D


Nilapitan ko nga at tumitig ulit ako ng matagal. Bakit ganun? Parang may mali sa larawang ito. Hindi ko lang alam kung ano iyon, basta may bagay na kakaiba doon. Tinitigan ko na lang ulit ng ilang saglit.
Aha! Alam ko na, ang mga mata niya. Ang mga mata niyang malungkot. Ang mga mata niyang nagsasabi ng katotohanan. Mahinang-mahina ang bulong na naririnig ko. Pakiramdam ko na nga, sarili ko na lang ang kausap ko.

“Malungkot ako. Malungkot ako. Malungkot ako. Malungkot ako.”Parang batang nagpapabili ng laruan sa palengke, paulit-ulit ang mga salitang naririnig ko. Galing nga iyon sa painting.
Nagsimula akong magsalita.. “Kung malungkot ka, bakit ka naka-ngiti?”
Sumagot siya..

“Minsan kasi kailangan mong itago ang tunay na nararamdaman mo. Hindi sa lahat ng oras eh pwede mong ipakita ito. Kailangan mo itago sa mga ngiti.  Minsan pa nga, kahit may mga bagay ka na gustong gawin ay hindi mo kailan man magagawa.”


Naguluhan ako sa mga sinabi niya.. “Ano?!”

Nagpatuloy lang siya.
“Tulad ko, gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw. Gusto kong sumimangot, gusto kong magalit. Gusto kong ibahin ang ekspresyon sa mukhang ito, pero hindi ko iyon magagawa.”


“Bakit mo naman nasabi iyan?” Wala na akong masabi. Tama siya.. Pero gusto ko pa rin malaman kung ano ang dahilan sa mga pinagsasabi niya.

“Dahil sa ibang nilalang. Dahil sa ibang tao. Hindi ko ginusto na ipinta ako ng ganito. Ipinta ng naka-ngiti. Pero kailangan kong sumunod kasi ganito niya ako ipininta. Yun ang idinidikta nila. Iyon ang iniisip nila. Iyon ang nakikita nila. Gustuhin ko man, hindi ko lang talaga magawa.”

BOOB MEN.

Tamang inom lang. Usap-usap. Bawat isa nagkwekwento. Masaya kahit kulang.

Isa sa mga kaibigan ko, o sige, sabihin na rin nating kasamahan ko sa simbahan. Nag-lecture tungkol sa mga lalaki. Gusto ko lang ibahagi sa inyo.
Meron daw tatlong major types (ayon sa kanya) ang mga lalaki.

1. Mga Nerd
Ito yung mga tipong pag nagmahal daw, sobra-sobra. Tipong puro aral, puro games lang, puro libro. Tipong ganun. Pero ito rin yung mga mahihilig sa internet porn pero walang experience. Kumbaga sariling sikap ang pag-explore ng mga bagay-bagay.

2. Mga Pa-Cool
Ito daw yung mga mahilig pumartey. Mahilig uminom, mag-drugs, yosi at kung ano-ano pa. Mga feeling pogi daw at uhaw na uhaw sa dilig. Parang aso, anywhere, anytime go lang basta makaraos. Kahit sino papatulan basta matugunan ang pangangailangan.

3. Faithful
Dito daw sila nabibilang(mga kasama ko kanina). Mga tipong tumitingin sa iba pero iisa lang ang mahal. Mga tipong iniisip ang pakiramdam ng babae kung masasaktan o hindi. May kontrol daw sa sarili at kayang maghintay.

Pero isa lang daw ang sigurado..

Lahat ng lalaki, willing lumangoy sa bumabahang boobs. :D

Bear Foot: Semana Santa

Kagaya ng mga posts ng iilan, tungkol rin ito sa Semana Santa.

Nung Biyernes, galing nga ako sa Jesus and Me youth camp. Simula nun, pinangako ko sa sarili ko na magiging aktibo ako sa mga activities ng youth sa aming simbahan. Sa totoo lang, taon ng mga kabataan ang year 2011. Kaya kami ang inatasan na mag-handle ng kung ano-anong gagawin sa simbahan. Nagsimula ito nung Huwebes.

Washing of the feet. Kailangan lang naman namin magsimba para suportahan ang ilang miyembro ng PYM (Parish Youth Ministry) sa pagganap bilang mga apostoles ni Jesus Christ. Biglaan lang ata, o baka hindi ko lang talaga alam, iikot daw yung imahe ni Kristo sa loob ng simbahan. Inutusan kaming harangan ang mga tao para bigyan daan yung lalakaran nung imahe. Hawak-hawak na kami ng kamay. Nasabihan na namin ang mga tao na bawal na pumasok sa looban ng simbahan dahil iikot na yung imahe. Okay na. Biglang may matandang babaeng nagre-react. “Ano ba naman yan! Para naman kaming preso nito!”

Biyernes. Pagkatapos ng misa ng Seven Last words, may prusisyon ulit. Marshall ulit ako. Ang sabi papilahin ng 2 lines. Mga pinoy nga naman talaga, sa umpisa lang magaling. Nung nagsimula kaming maglakad, ang ayos-ayos ng pila. Habang tumatagal, gumugulo ng gumugulo ang linya nila.
Parang yung isang matandang babae, 3 beses ko ng sinabihan na“dalawang linya lang po”. Isa sa kanan ko. Isa sa kaliwa ko. Aba, gustong gumitna. Pag sinabihan ko, babalik sa pila.. Pag talikod ko, nasa gitna nanaman. Ano ba ate? 

Parang yung mag-jowa na ayaw maghiwalay. 2 linya nga, gusto magka-holding hands pa rin. Tapos yung isa pang mag-jowa nilapitan ko, “Ate, dalawang linya lang po.” Sabay sabi ng.. “Hindi ko na kasi kayang maglakad, kailangan ko ng alalay.” Okay na eh. Pagbibigyan ko na.. Nalingon lang ako saglit sa iba, ayun. Si ateng nahihilo, nakikipagharutan na sa jowa niya. Ate, akala ko ba hilo ka? Anyare?

At dito talaga ako nainis! Yung mga mamang pacute! Pinapapila ko ng maayos, tatawa tawa. Pag naglakad ako, naninitsit pa. Titignan ko, magpapacute. Maglalakad ako, babasahin yung placard ko ng SILENCE tas tatawa ng malakas. KOYA, ang tanda niyo na po, magbagong buhay na po kayo.

Naikwento pa nga sa akin ng kaibigan ko na nag-marshall din na doon sa linya niya, may matandang uugod-ugod na nagsabi sa kanya.. 

“Ano ba yan ne! Kahit anong gawin mo, wala ka ng magagawa para mapaayos tong mga pila niyo, sa sobrang dami ng tao.” 

Ito na lang daw ang sinabi niya..

“Lola, maaayos po ang pila niyo kapag sumunod tayo. Matatanda na po tayo, marunong na po tayo dapat sumunod.”

Mga tao nga naman oh. Semana santa na nga pinapairal pa rin ang katigasan ng ulo.

Bawal Mainlab sa Nagbabanda

Alam mo, meron palang iba‘t-ibang stages  kapag NA-INLOVE ka sa nag-babanda. Ito ay hango sa totoong buhay. Hindi ito fiction o kathang isip lamang. Totoo to BEYBI.

Stage 1. Kapag Tumibok ang Puso
 May mapapanuod ka sa TV na isang music video.  Makikita mo ang isang miyembro ng banda na talaga namang kakaiba sa paningin mo. Pagkatapos ng music video, isa ka na sa mga naakit at nabihag  nila. Kung gagawan ka ng cartoon version or anime version ng sarili mo, magkakaroon ng malalaking heart-heart ang mga mata mo. Unti-unting babagsak ang mga panga mo at mapapanganga ka na lang.. at syempre pa. Magkakaroon ng unting tulo laway. Kung gusto mo, lumulubong sipon.

Stage 2. Superstalker
 Bigla kang magiging isang stalker over the internet. Para kang tanga na pupunta sa iba’t-ibang Social networking sites at umaasang makikita mo ang “real” account niya. Dismayado ka kasi madaming posers at hindi mo alam kung sino ang ipa-follow o ia-add as a friend mo. Google-google. Naks! Daming nakitang links oh. Lahat tungkol sa kanya. Yung yahoo groups nila? Member ka na. Friendster group? Member na rin. Facebook group? Member! Facebook page? Fan na! Daming kausap na teentalker sa candymag.com na kapareho mo, adik na rin. Pagbukas mo ng mail.. BOOM.. Sangkatutak na fan mails! Lahat naman kayo, feeling niyo mababasa nila yun. **hahahaha..*

Tuwang-tuwa ka naman kasi nahanap mo yung account niya, tapos excited na yung mga kamay mo na pindutin ang “Add as a friend” button.  Kapag sobra-sobra ang tama sayo, mas malakas pa sa tama ng red horse o happy horse, mangingisay ang iyong buong katawan na para bang dinaanan ng kuryente. O kaya naman,  hindi ka makakahinga ng maayos na parang nagbubuhat ka ng isang sako ng semento. Talaga naman.. magme-message ka pa at mag-comment sa page niya kapag hindi ito naka-private profile.
Mag-aantay ng ilang araw… Aasa… Aasa…

Stage 3. Richie Rich
Panahon na para sa lagasan ng mga inipon mong baong pera. Pupunta ka sa lahat ng bilihan ng magazines. Anong gagawin mo dun? DUHLER. Malamang alam mo na siguro. Bibili ng mga songhits. Lahat ng merong  article tungkol sa kanila. Maski ka-miyembro niya yung talagang feature sa mag, bibilhin mo pa rin. Poster sa likod ng magazine? CHECK. Isang kanta galing sa kanila? CHECK. Picture nila kahit 1x1? CHECK.  Quotation galing sa kanila? CHECK.

Sa likod ng magazine, makikita mo dun yung mga “real stalkers” nila, kasi dun nakalagay yung mga pictures nila “with fans”. Maiinis ka, kasi hindi mo pa sila nakikita ng personal.

Tapos ka na sa National Bookstore, sa Odyssey naman ngayon. Hahanapin ang mga album nila. Titignan ang cover. Hihinga na malalim. Pipikit. Mangingisay ng unti.. pero minimal ang galaw kasi baka mahalata nung kahera at isipin na baka isa kang epileptic.
Aasa.. Aasa..

Stage 4. IYOTyub Mo
 Mag-iinternet ka ulit. Ngayon naman, pupunta ka na sa www.youtube .com para panuorin yung mga music  video na hindi mo pa napapanuod. Bukod dun, manunuod ka rin ng mga videos na galing sa ibang listers. Maiinis ka pa kapag malabo yung kuha, kasi hindi mo makita yung miyembro na inaabangan mo.  O kaya naman, maiinis ka rin kapag sa isang miyembro lang naka-focus yung camera at di doon sa miyembro na gusto mo. Ang kapal rin ng mukha mo no? Ikaw na nga lang yung nakikinuod, ikaw pa yung nagrereklamo. Ooooopps. Bago mag-out, pupunta ulit sa social networking sites, titignan kung “friends” na kayo. Kasoo, hindi pa rin. Aasa.. Aasa..

Stage 5. Nag-Rugby ka ba?
 Naku. SABOG ka na talaga. Buong araw gumagana ang player niyo. Lahat ng kasama mo sa bahay naiinis na sayo kasi paulit-ulit yung mga kantang pinapatugtog mo. Maawa ka naman sa player niyo, kung buhay yan, kanina pa niya siguro ISINUKA yung cd na paulit-ulit mong tinutugtog. Yung mga kapitbahay mo, inis na rin. Yung iba pinaghihinalaan ka ng baliw kasi hindi ka nagsasawa sa pinakikinggan mo. Pag matutulog na, makikinig sa ipod gamit ang earphones. Mag-iimagine na kasama mo sila sa bitch. Este beach. :)))

Stage 6. Meet Your Friends for Life
 Naks! Lumelevel na talaga! Infairness! Napag-isipan mo nang sumali sa CLANS. Kaya ngayon, alam na alam mo na ang gig sked. Daming new friends! Daming new karibal! HAHAHA. Kala niyo naman, lahat kayo papatulan. PWAHAHAHA.

Stage 7. Assuming Si Ate
 Pinakaka-abangan mo. GIGS!! Ayun o! Pupunta na siya. Makikita niya na yung “pinaka-mamahal “ niya! Dito talaga. Lagas ang pera mo. Sayang ang pagod mo. At parang binasura mo ang oras mo. GRABE! Napaka-assuming mo ngayon sa stage na to. Unting hello lang, feel mo naman may pag-asa ka na. Pa-shake hands-shake hands pa kayo. Aba! Talagang pati mga kapamilya niya “na-meet” mo na. Tas feeling mo naman kamag-anak mo sila kasi tawag mo sa mama at papa niya “tito” or “tita”. Aabot din sa pa-hug hug pag nagkita. Beso-beso. Napaka-tricky! Akala mo naman may something na!! Excited ka na for their next gig. Aasa.. Aasa..

Stage 8. Wala Naman Ikaw Napala, WALA WALA WALA WALA.
 Next gig. Makikita ang girlfriend ni “loves” mo. Badtrip. T_T Uuwing luhaan. Feel na feel mong mag-emote with your type of “crying song”.  At kung talagang Melodramatic ka, magkukulong ka pa sa kwarto para umiyak sa harap ng salamin.

Ngayon mo lang marerealize na hindi ka niya finollow back sa twitter at inignore niya ang friend request mo. Pag-asa? DUROG.
Lumipas ang ilang taon..

Stage 9. “I’m So Over It”
 Sa Wakas! Nauntog na rin sa pader. Nagising sa katotohanan. You’re so over it na! Pero may pagka-bitter. Tas ma-mimiss mo yung mga nakilala mong “new friends”. Mag-plan na magkita kayo sa isang gig nila.

Stage 10. HUWAAAT?!
AYOS! Bonding time ulit with your “ka-lister friend”. Gulat ka! Aba, kilala ka pa nung band member? HAHAHAHA. Babalik ka sa stage 2.

Papunta ka pa lang.. Pabalik na… Makinig sa mga expert. :)))

For Girls Only: Sex Issues

Bukod sa “Wag kang iiyak dahil sa lalaki” lesson, meron pa akong isang natutunan nung camping na iyon. Kung ano talaga ang “Nature” ng iilang mga Adan dito sa lupa. Inuulit ko, IILAN. Ibig sabihin, hindi lahat. Wag naman masyadong mag-react. Mga babae, gusto ko lang ibahagi kung ano ang natutunan ko.

Iba ang pisikal sa emosyunal. Lalong lalo na, na magkaiba ang libog sa pag-ibig.
Nagtanong ako sa mga kasamahan ko, “Bakit ang ibang lalaki, puro sex lang ang habol sa mga babae?” Ang daming sumasagot na.. “Malay mo, nagbibigay ng motibo ang mga babae.” Pero hindi nga? Kung ganoon, bakit kailangan pang sabihin ng mga lalaki ang mga katagang.. “Kung mahal mo ako, gagawin mo ito.”

Sabi nga ng ate ko, “Walang boypren ang mga babaeng hindi nakikipag-sex.” Hindi lahat pero karamihan. Kaya nga minsan ang babaeng hindi kayang magtaas ng puting bandila, tina-traydor. Tino-2 time. Kasi hindi niya napupunan ang sex na gusto ng kapareha.

Sa tanong na iyon, lahat sila walang naisagot. Iyon na nga talaga, parte na ng pagkatao nila iyon. Normal lang ito. Malamang mataas ang lebel ng kanilang testosterone. Yun na yung NATURE nila. 
Kaya ito na lang ang masasabi ko sa mga babae.

Nasa sa inyo pa rin iyan, kung ibibigay niyo o hindi. Posible man na naibigay niyo na ang puting bandila, pero wala ka pa ring kasiguraduhan kung pagmamahal o kalibugan lang ang pinapairal ng lalaki mo. Siguro, kailangan mo na lang ilagay sa isipan mo na, may nanyari nga sa inyo, pero hindi ibig sabihin nun mahal ka na niya.

Iba ang testicles sa puso.

Posibleng ang lahat ng pinaggagawa niyang iyon sa iyo ay walang kahulugan. Masakit man sa bangs, kasing sakit ng suntok sa lungs, pero ganun talaga. Parang mga babaeng nagbibigay lang ng aliw, pagkatapos ng gabi.. Putol na ang koneksyon. Wala ng kasunod, wala ng sustento. Kumbaga hanggang dun lang at wala ng iba pa.

Wag kang umasa sa kanya, kasi kung totoo man na mahal ka niya, rerespetuhin niya kung ano man ang magiging desisyon mo.

Buntis ako.

Tandang-tanda ko pa..

Breaktime nun, walang magawa. Nag-uusap kami ng kaibigan ko tungkol sa mga bagay na komplikadong intindihin. Mga bagay na mahirap paniwalaan. Mga bagay na hindi pwedeng sabihin kahit kanino.
Biglang dumating yung dalawa kong kaklaseng lalaki. Ang mga chismosong lalaki talaga, tanong ng tanong kung ano yun. Kung anong pinag-uusapan namin. Sinabi ko na lang agad..

 “Buntis ako.”

Hindi sila makapaniwala sa narinig nila. Puro “WEH” ang narinig ko. Ayaw nilang maniwala, mukhang nagulantang ko sila sa mga salitang binitawan ko. Nagsimulang mamula ang aking mukha. Ewan ko ba..

“Oo nga buntis ako. Mukhang to? Manloloko?” Nagsimula na rin akong yumuko. Tumingin sa ibang direksyon. 

Kitang-kita ko ang mukha nila, mukhang nag-aalala na nga. Ginatungan pa ng kaibigan ko.
“Totoo ba sinasabi nito?”

“Oo nga. Totoo yan, kanina pa umiiyak yan.”

Nagsimula akong magkwento..

Oo nga. Ang tanga ko.. Hindi ko pa alam kung kanino to. Lasing na kasi ako nun. Sa isang bar, madami akong nainom. Tanga ko lang, sama kasi ako ng sama.”

Tinawag nila yung isa ko pang kaibigan. Sila na mismo nagsabi dun sa kaibigan kong babae. Nagulat na lang ako ng makita kong maluha-luha na yung barkada ko.

“WEH? Totoo ba yan? Iiyak na ako.”

“Oo nga totoo.” 

Bago pa siya umiyak ng tuluyan, sumigaw ako ng “HINDI, JOKE LANG!”
Lalo siyang umiyak nung nalaman nya na JOKE lang pala. Nagalit rin siya sa akin. Sorry naman, lakas ng trip ko nun. Ewan ko rin bakit yun yung naisip ko na “pinag-uusapan namin” kunwari. Ayan kasi, mga chismoso.

Mukhang to? Mehn naman. Ako pa, lalaki ata to. Lakas trip lang talaga. Na-share ko lang. Naisip ko kasi, ganito pala kapag nabuntis ka ng maagang edad. Ang daming reaksyon. Kaya mga dalaga dyan, mag-ingat. Wag mong ibibigay yan ng basta-basta. Nako, mahirap na.