Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento ko. Sa sobrang haba kasi, panigurado na hindi kayo aabot sa dulo. Pero kung interesado kayong malaman, sige simulan niyo na ang pagbabasa.
Dalawang buwan na ang lumipas simula nung nakilala ko siya. Isang bagong kaibigan, itago na lang natin siya sa pangalang "Elisa".
Nakilala ko siya sa isang sikat na rakrakan festival dito sa Manila. Kaibigan niya kasi yung kaibigan kong may birthday nung araw na iyon. Sa lugar kasi na iyon napili ng kaibigan ko na i-celebrate yung birthday niya. Okay namang kasama si Elisa, masayahin at tawa ng tawa. Pagkatapos ng araw na iyon, trinato ko na rin siya na isa sa mga malalapit na kaibigan ko na pwede kong pagkatiwalaan.
Isang araw niyaya niya akong gumala sa Eastwood. Sakto lang kasi may event nun. Inisip ko na rin na kumbaga UBE yung manyayari nung gabing yun. Okay naman, dun ko siya nakilala ng lubos. Sobrang dami namin napag-usapan na personal na mga bagay. Kwenento niya yung mga nanyari sa kanya na pinagdaanan ko rin. Naintindihan ko siya kaagad dahil alam ko kung anong pakiramdam.Bukod dun, nalaman ko rin na mayaman pala sila.
Pinsan niya yung hinahangaan kong band photographer. Tapos doktor yung mga parents niya na nag-trabaho sa Kidney Center. Lagi niyang binabanggit yung matapobre at napaka-arteng Lola Cora niya. Hindi daw siya pwedeng magkamay habang kumakain at hindi pwedeng makisabay ang mga katulong nila sa kanila. Mahilig siyang magbasa ng libro at maglagay ng kung ano-anong nail polish.Mahilig pala siya sa kape lalo na sa Starbucks. Nalaman ko rin na sa ibang bansa pala siya galing, partikular sa London, at nasubukan na rin pala niyang tumira sa Singapore at US. Hindi siya conyo pero kung kakausapin mo sa english, magaling siya at kitang-kita ang british accent.
Naging super close kami pagkatapos ng araw na iyon. Lalo na talaga nung napag-usapan namin yung mga bagay na pinagdaanan naming dalawa. Minsan tatawag na lang siya sa akin tapos makikipag-chikahan. O kaya texting. Dumating ang pasukan at naging abala na ako sa school. Hindi ko na siya nakakausap at nakakasama. Wala akong oras para sa mga ganung lakad lalo na kapag gabi. Hanggang sa naka-text ko yung isa pa namin na kaibigan.
"Ui, wag ka na lang siguro muna mag-text o kaya makipag-usap o kahit anong communication kay Elisa ha. Saka ko na lang sayo sasabihin ang dahilan kapag nagkita tayo sa personal."
Syempre, masama ang pakiramdam ko nun. Alam kong may mali sa relasyon nila sa isa't isa. Pareho ko silang kaibigan kaya wala akong kakampihan.
Nagkita kami nung isa ko pang kaibigan nung isang araw. Dun niya sinabi sa akin lahat ng rason kung bakit niya ako sinabihan ng ganun tungkol kay Elisa.
"Hindi ko alam kung paano ko to sisimulan eh. Uhmm.. Ano ba, basta mag-ingat ka ha Cea? Manloloko kasi si Elisa."
Sunod-sunod yung mga tanong ko. Hindi ko mapigilan mag-isip at magbigay ng kung ano-anong reaksyon. May kutob na ako noon pero hindi ko lang sinasabi dahil nga kaibigan ko siya. Dito ko nalaman na ang nakilala kong "Elisa" ay ibang tao pala.
Hindi totoo ang Lola Cora niyang matapobre dahil wala naman pala talagang "Lola Cora" sa mundo. Hindi sila talaga mayaman, normal lang ang estado nila sa pamilya. Hindi rin doktor ang mga magulang niya at nasa ibang bansa, andito lang sila sa Pilipinas. Marami siyang alam tungkol sa Kidney operations dahil may sakit na Cancer yung kuya niya sa kidney. At bukod doon, yung kaibigan ko ay ninakawan niya ng PSP, Camera at 1500php. Hindi rin totoo na nakatira sila sa London at nalibot niya na ang US at Singapore. Dito lang siya nakatira sa Pilipinas. Matagal na pala niyang ginagawa yung pagpapanggap para makasabay siya sa uso.
Hindi ko alam kung bakit ang galing niya magkwento, ang galing niya mag british accent at konektado lahat ng sinasabi niya. Marami rin kasi siya talagang kilalang tao na hindi makikilala ng kung sino lang. Siguro parte siya ng sindikato, o magaling lang talaga siyang umarte kaya madami siyang nagiging biktima. Ang target niya ay yung mga estudyante at mga kabataan na kasing edad din niya. Patong-patong na pala ang kaso niya na naka-file sa baranggay nila dahil sa mga ginawa niyang pangloloko.
Nagtataka ako kung bakit hindi niya ako ninakawan nung gabing iyon samantalang nakakalat lang yung camera at cellphone ko nun. Pero mas mabuti na rin na walang manyaring masama sa akin.
Kung nababasa mo ito Elisa, alam kong alam mo kung sino ka. Masakit sa akin na malaman na niloko mo lang kami, lahat ng pinakita ko sayo totoo at hindi kita niloko. Pinagkatiwalaan kita, maski yung mga sekreto ko sinabi ko sayo dahil kaibigan kita, sana maski niloko mo na ako panatilihin mong sekreto kung ano ang sekreto. Salamat na rin sayo dahil kahit paano hindi mo ako pinagnakawan maski napakagandang pagkakataon na iyon. Sana magbago ko na, matakot ka sa karma.
Basta ang payo ko lang, sa susunod wag magtitiwala kaagad-agad. Kung pwede nga lang, habang buhay wala na lang pagkatiwalaan dahil sa dami ng pagbabago na pwedeng manyari dito sa mundo, yung mga taong pinagkakatiwalaan mo, sila pa mismo ang magtataksil sayo.

No comments:
Post a Comment