"Nakakatawa ka, nakakangiti ka. Pero inside you there's a battle going on."
Yan ang sabi ng prof ko sa isang subject. Pinag-uusapan kasi namin kung gaano kadakila yung mga sundalo ng katawan. White Blood Cells. Sila yung mga magigiting na bayani na nakikipagsapalaran sa mga bacteria, germs at virus para lang wag kang magkasakit. Kaya siguro kahit kumain ka ng hindi naghuhugas ng kamay, wala kang pakialam. Kasi alam mo na kapag malakas ang resistensya mo, hindi ka magkakasakit. Hindi ka mapapano.
Naisip ko lang, may mga pagkakataon sa buhay na kailangan mong lumaban kagaya ng mga White Blood Cells para naman hindi ka mapano. Minsan maski emosyon kailangan mong labanan para hindi ka masaktan. Lalo na kapag alam mo naman kung umpisa pa lang alam mo na kung ano ang kahihinatnan. Yun nga yung mga pagkakataon na "Nakakatawa ka, nakakangiti ka. Pero inside you there's a battle going on." Yung mga alam mong hindi dapat manyari, iwasan na kaagad.
Pero hindi rin kasi sa lahat ng pagkakataon malakas ang resistensya ng tao. Minsan nagkakasakit din. Minsan bumibigay din. Kaya yung mga bagay na hindi mo pinahihintulutan, nanyayari pa rin. Kahit ayaw mo, hindi napipigilan.

No comments:
Post a Comment