Saturday, January 28, 2012

Crave Vision Photography!

Free promotional pictures for all bands and upcoming artists!
Free product photos for all shops!
Free photoshoot for all aspiring models!
Free coverage for your events!


Just contacts us @ 09237422856 


Like us on facebook! 


www.facebook.com/CraveVisionPhotography


Schedule your shoot now! Contact us @ 09237422856! :D

Soulmate?


Totoo ba na nakasulat o naisusulat ang kapalaran natin? Kapag kasi nabubuhay ka ngayon, hindi mo alam kung anong manyayari bukas o sa mga susunod na araw. Ang alam mo lang kung ano yung nanyari kahapon.

Nung isang araw sinundo ko yung nanay ko. Meron salamangka yung ka-opisina niya. Ewan ko ba, malakas ang sapi. Malakas ang sanib. Mga ganung effect kuno. Kinuha niya yung kamay ko at kung ano-ano yung mga nababasa niya. Naiintindihan naman siya ng nanay kong nagpe-feeling na may salamangka rin siya.

Pagkatapos ngumiti-ngiti at asar-asarin ang nanay ko na swerte daw siya sa akin, sinabi niya na "Ahh. Kilala mo na mapapangasawa mo."


Syempre medyo naguluhan naman ako. Kasi ako, umaasa naman ako sa totoo lang, na balang araw makikilala ko yung lalaking magmamahal sa akin ng walang katapusan. Yung lalaking hindi ako lolokohin at hindi ako sasaktan. Yung lalaking aalagaan ako at gugustuhin na makasama ako hanggang mag world war 3 o maski end of the world pa. Yung lalaking rerespeto sa akin at hindi lang iisa ang habol.

Tapos biglang ganun yung sasabihin niya.. KILALA KO NA?! OHMAHHH Gulay.

Tinanong ko siya kung sino. Sabi niya hindi niya din daw kilala. Pakiramdaman ko daw kung sino. Ayon sa kanya, hindi pa daw nagpaparamdam ang lalaking ito. Sinabihan niya rin ako na baka may nag-aalaga sa akin.

(Kung tutuusin, inaalagaan naman talaga ako ng nanay at ng pamilya ko.) Tinanong ko siya kung anong "Pag-aalaga"? Sabi niya parang binabantayan lang daw ako. Nakakatawa ano, akala mo naman kapre. HAHAHAHA. Pero paano nga kung kapre talaga?! Nako.. Wag naman sana. Pero di nga, kumbaga andyan lang siya pero hindi nangungulit o nanglalandi sa akin. Baka pagkatapos ko pa daw grumaduate, saka lang daw mangunglit.

Ewan ko ba. Ayoko isipin. Ayoko rin naman paniwalaan. Ang alam ko kasi talaga tatanda akong dalaga.

Wednesday, January 18, 2012


Naghalungkat ako ng cabinet ko noong isang araw. Balak ko kasing kunin yung mga hindi ko na nagagamit. Siguro para na rin alamin kung ano pa yung mga anik-anik na itinago ko doon. Ilang piraso ng papel ang tumambad sa akin. Maliliit. Wala naman sulat. Parang maliliit lang na papel na ginupit. Pero nung tignan ko yung likod nun, may nakasulat. Pangalan ng isang mall. Cinemas. Ahh.. Alam ko na. Ito yung mga tiket na itinago ko noon.

Naalala ko medyo madami rin akong naipon na mga tiket noon sa sinehan. Itinago ko ang mga iyon. Remembrance kumbaga. Alam ko kasi na hindi lang basta-basta yung mga panahon na iyon. Pero hindi ko alam na nabubura din pala yung mga nakasulat dun. Tinitigan ko yung mga tiket at inalala kung anong mga pelikula yung palabas noon. Pero imbis na maalala ko, biglang sumagi sa isip ko na may mga klase ng ink na nabubura pag matagal na.

Sa halip na tinago, tinapon ko sa basurahan yung mga tiket. Naisip ko kasi na bakit ko pa itatago ang mga iyon kung hindi ko rin naman maalala kung anong partikular na pelikula galing ang mga yun.

Siguro nga, may mga bagay na kailangan nang bitawan. Dahil kapag hindi binibitawan, babalik ang memorya. Hihigpit ulit ang pagkaka-kapit. Walang katapusang pag-iisip at higit sa lahat ay may emosyon pa na kasama.

Saturday, January 14, 2012


Mag-isa lang ako kaninang uwian. Kung pwede lang lumipad o kaya mag-teleport edi masaya na ang buhay. Wala pang polusyon. Wala pang maamoy na kung ano-ano at sari-saring amoy. Yun nga lang, lugi na mga gasoline station pati mga jeep at taxi at lrt. Pero mukhang mahirap din talaga yung mga teleport-teleport na yan eh. Bawat molecules daw dapat ma-disappear. (Okay, imbento ko lang ito.)

Siguro kung sa Recto Station ka nalalagi, kilala mo yung matandang babae na kuba na nagbebenta ng plastic. Tapos balot na balot ang katawan. Habang pinapanuod ko yung mga tao sa paligid ko, may naisip na naman ako. Pakiramdam ko naman kasing talino ko si Bob Ong. Hindi ko pa tapos basahin yung bago niyang libro (Lumayo Ka Nga sa Akin), pero (wait napatingin ako sa TV. Banana Split yung palabas. Amputi nung babae nakakaloka. Ilang gluta kaya ininject niya?) medyo nakuha ko naman yung tono niya. Pati punto niya. Medyo punong-puno ng sarkasmo tungkol sa mga kaugalian ng mga Pilipino.

Balik tayo sa ale na nagtintinda ng plastic sa may Recto..
Nakita ko na siya dati pati napansin ko na parang sinasadya niya na balutin ng ganun yung katawan niya. Hindi ko alam, siguro may sakit siya (inisip ko pa baka ketong) pero dahil wala siyang pagpipilian, syempre kailangan niya mag-trabaho kahit ganun yung kalagayan niya.

Nakita ko lang kasi kung paano siya tignan ng mga tao. Para sa akin, okay lang na tignan siya dahil kakaiba nga naman ang itsura niya. Pero yung titigan ng matagal at magpakita ng kung ano-anong ekspresyon na parang nandidiri? Hindi naman ata tama iyon. Tao pa rin naman siya. Kakaiba nga lang, pero tao pa rin.

Yung nakita ko kasing ekspresyon nung magboypren tapos yung isang ale sa lrt akala mo tae na na nakakadiri yung tinitignan nila. Kung hindi mo nagugustuhan kung ano yung nakikita mo, edi wag ka na lang tumingin. 

Sunday, January 8, 2012

Matalino man ang Matsing, Naiisahan din.


Ang dami na talagang masasamang elemento na nabubuhay dito sa mundo. Kung hindi ka magiging matalino at kung paniniwalaan mo lahat ng nakikita o naririnig mo, mas malaki talaga ang persiyento na mabiktima ka ng mga walang konsensyang tao. Maski bata, matanda, mukhang mayaman, babae, lalaki, buntis o pilay, hindi mo talaga masasabi kung sino ang totoong masama.

Magkwe-kwento lang ako tungkol sa karanasan namin ng mga kaibigan ko kagabi. Biglaan lang ang alis ko kagabi kasama yung dalawa kong kaibigan. Nagkita kasi kami ng mga POCKYKADA
sa bagong-bago na Gateway Mall sa Cubao. Eh kaso nga lang dahil sobrang late ako nakarating, waley. Medyo saglit ko na lang sila nakasama kaya napag-isipan kong i-text kung sino man ang pwedeng lumabas o tumambay.. Ayun, dalawa ang nag-reply. Go agad. Kahit hindi sila magkakilala, pareho naman silang friendly kaya wala naman gaanong ilangan na nanyari.

Sa Tomas Morato namin natripan gumala. Habang naglalakad papunta sa isang tambay place, biglang may mga batang lumapit sa amin na nagbebenta ng Sampaguita. Madumi sila, halatang asal kalye na tipong paglaki Gangster ang dating, dala-dala ang lang pirasong sampaguita at karton ng yosi na parang pamaypay.

" Ate, bili na po kayo ng Sampaguita. Sige na po. Parang awa niyo na po, pangkain lang."


E wala ako sa mood mamigay at wala rin naman akong barya para bigyan sila. Napansin ko na sobrang dikit ang ginagawa nila, at halata sa mukha nila na nagpapaawa lang sila. Hanggang sa nakahalata ako.

Sinigawan ko sila ng "Sorry ah, PERO WALA NGA KAMING PERA." Sinadya ko talaga yun para madaming tao ang tumingin sa amin at makakuha ng atensyon. Niyakap ko yung bag ko at naglakad ng mabilis papunta sa gwardiya. Nahalata ata ng mga kaibigan ko yung ginawa ko at mabilis din silang sumunod sa akin.

Utang na loob. Nasa Gimikan ka, Sampaguita ang ibebenta sayo? At bakit may dala-dala silang karton na pamaypay bawat isa? At bakit sobrang dikit ng dikit sila sa amin?

Napansin ko kasi na yung karton na ginagamit nila ay pang-takip sa mga kamay nila. Lalapit sila sayo para magbenta ng sampaguita tapos habang hawak yung sampaguita at karton sa isang kamay, yung isang kamay nila ginagamit nila para makakuha ng kung anong gamit na laman ng bulsa mo. Malamang hindi mo mapapansin kaagad kasi ang unang papasok sa utak mo, nagtitinda sila ng sampaguita.

Mabuti naman at walang nakuha sa amin maliban sa isang karton ng yosi na nasa bulsa ng kaibigan ko.

Sa panahon ngayon, hindi ka talaga pwedeng madala sa kahit anong epek na gawin sayo ng kung sino-sino. Mag-ingat palagi at maging mapagmasid. Maniwala ka sa kutob mo. At higit sa lahat, kung matalino sila, dapat mas matalino ka.

Sunday, January 1, 2012


Happy New Year!


2012 na. End of the world na dapat eh. Pero dahil swerte naman tayong lahat na pucho-pucho lang yung balitang yun at humihinga pa naman tayo, edi magdadaldal na lang ako.

2011. Nakaraang taon. Sobrang bilis ng buhay. Sobrang daming pagbabago. Sobrang nagising ang natutulog na buhay ko. Sobrang daming nakilala. Sobrang daming dumaan, um-aura at nawala.

Kakaiba eh, sobrang daming pangyayari na hindi ko man lang inasahan na posible pala. Naging babae ako ng panandalian. Puro ups and downs. Puro patikim. Puro lecture at hands-on activities yung ginawa ko sa klase ni Mam Tadhana.

Masaya naman kasi madami akong natutunan. Pakiramdam ko kasi sa tigas ng ulo ko, kailangan talaga na ako mismo yung makaranas. Hindi kasi ako nadadala sa mga sabi-sabi at karanasan ng iba. Di bale, sulit naman. Hindi na pasok sa loob, labas sa kabilang tenga ang dating. Medyo isiniksik ko na sa utak ko, sa puso ko, pati sa bawat digestive organ ng katawan ko. Mahirap na siguro yun mawala at i-tae.

Basta para sa lahat, salamat. Lalo na sa mga taong um-aura sa tabi-tabi.

2012 na. Bagong taon. Bagong buhay. Bagong aura.