Saturday, January 28, 2012

Soulmate?


Totoo ba na nakasulat o naisusulat ang kapalaran natin? Kapag kasi nabubuhay ka ngayon, hindi mo alam kung anong manyayari bukas o sa mga susunod na araw. Ang alam mo lang kung ano yung nanyari kahapon.

Nung isang araw sinundo ko yung nanay ko. Meron salamangka yung ka-opisina niya. Ewan ko ba, malakas ang sapi. Malakas ang sanib. Mga ganung effect kuno. Kinuha niya yung kamay ko at kung ano-ano yung mga nababasa niya. Naiintindihan naman siya ng nanay kong nagpe-feeling na may salamangka rin siya.

Pagkatapos ngumiti-ngiti at asar-asarin ang nanay ko na swerte daw siya sa akin, sinabi niya na "Ahh. Kilala mo na mapapangasawa mo."


Syempre medyo naguluhan naman ako. Kasi ako, umaasa naman ako sa totoo lang, na balang araw makikilala ko yung lalaking magmamahal sa akin ng walang katapusan. Yung lalaking hindi ako lolokohin at hindi ako sasaktan. Yung lalaking aalagaan ako at gugustuhin na makasama ako hanggang mag world war 3 o maski end of the world pa. Yung lalaking rerespeto sa akin at hindi lang iisa ang habol.

Tapos biglang ganun yung sasabihin niya.. KILALA KO NA?! OHMAHHH Gulay.

Tinanong ko siya kung sino. Sabi niya hindi niya din daw kilala. Pakiramdaman ko daw kung sino. Ayon sa kanya, hindi pa daw nagpaparamdam ang lalaking ito. Sinabihan niya rin ako na baka may nag-aalaga sa akin.

(Kung tutuusin, inaalagaan naman talaga ako ng nanay at ng pamilya ko.) Tinanong ko siya kung anong "Pag-aalaga"? Sabi niya parang binabantayan lang daw ako. Nakakatawa ano, akala mo naman kapre. HAHAHAHA. Pero paano nga kung kapre talaga?! Nako.. Wag naman sana. Pero di nga, kumbaga andyan lang siya pero hindi nangungulit o nanglalandi sa akin. Baka pagkatapos ko pa daw grumaduate, saka lang daw mangunglit.

Ewan ko ba. Ayoko isipin. Ayoko rin naman paniwalaan. Ang alam ko kasi talaga tatanda akong dalaga.

No comments: