Friday, March 30, 2012


Medyo kani-kanina lang pumalo sa isip ko kung ano yung mga posibleng manyari. Medyo kani-kanina lang ako nakaramdam ng lungkot. Masyado atang nalunod sa kape yung katawan ko kaya medyo matagal bago nakapaglabas ng reaksyon. Medyo kani-kanina lang nung naramdaman kong may namumuong umbok sa mga lalamunan ko. Alam ko na kapag pinakawalan ko yun, mababasa ang mga mata ko. Alam kong hindi ko mapipigilan ang pagpatak ng bawat isa niyon. 
Siguro sa ngayon, nagagawa ko pang lokohin yung sarili ko at isipin na wala akong pakialam. Nagagawa ko pang sabihin sa sarili ko na "Wala" lang ito. Pero alam kong dadating yung panahon na maski sarili ko hindi ko na maloloko na apektado nga ako. Kapag nakita ko siya, yayakapin ko siya ng mahigpit tsaka magpapasalamat sa lahat.
Isa rin sa mga kinakatakutan ko yung pagkawala ng lahat. Pagkawala ng mga bagay na kinasanayan ko. Alam kong mahihirapan ako, pero hindi naman ako dapat magreklamo dahil wala lang naman ako.

Wednesday, March 28, 2012

"Hangga't kaya mo pang pigilan, pigilan mo pa."


Kamusta ako?
Eto masayang-masaya. Medyo matagal din akong nawal sa mundo ng internet. Masyado kasi ako naging busy sa pagdadasal, este pag-aaral para naman makapasa ako sa mga subjects ko. Sa wakas! 4th year na akoooo! Tapos Intern na! Tapos gra-graduate naaa! Sana talaga tuloy-tuloy na. Ayoko na ma-extend ang stay ko.
Muntik na akong madale sa isang subject at masasabi ko talaga na...
GOD iS GOOD ALL THE TIME.
Ito yung mga panahon na sobrang praning ka na at wala ka nang ibang magawa kung hindi umiyak at magbasa ng libro para sa isang exam. (Oo, literal na ganun ang gawain ko. Iiyak.. Tapos magbabasa. Tapos maiiyak ulit.) Totoo yung kapag wala ka na talagang malapitan, siya lang ang pag-asa.. Pero sabi nga nila, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. :D
Marami akong natutunan ngayon taon na ito sa iskwela, sa sobrang dami unti na lang ang tumatak sa utak ko. At yun ay yung mga praktikal na maaring gamitin sa pang-araw araw.
  • Magtimpla ng kape na ala Starbucks ang dating. Depende sa mood, may mild, medium at strong.
  • Bawal maging kampante sa isang bagay kapag hindi ka pa sigurado, sa sobrang taas ng tingin mo, baka hindi mo namamalayan ang mabagal na pagbagsak mo.
  • Makipagkaibigan o maging isang charismatic na tao. Mabilis ka kasing makakakuha ng "tagos" kapag nangangailangan ka talaga.
  • Hindi magkapareho ang pagsusulat sa pag-aaral. Hindi lahat ng sinusulat mo sa notes mo, pumapasok sa utak mo. Maglaan ng magkaibang oras para doon.
  • Magdasal sa umaga.
  • Magdasal sa hapon.
  • Magdasal bago mag-exam.
  • Magdasal habang nage-exam.
  • Magdasal pagkatapos ng exam.
  • Magdasal habang nag-aaral.
  • Magdasal habang tumatae.
  • Magdasal habang naliligo.
  • Magdasal bago matulog.
  • Magdasal habang kumakain.
  • In other words, magdasal ng ilang million. Nakakatulong talaga. Pramis.
  • Magpanggap na may alam ka. Ikaw na lang bahala dumiskarte sa improvement ng acting skills.
Ilan lang yun, madami pang iba. Natabunan lang siguro sa likod ng utak ko.

Monday, March 12, 2012

Isang Ulat tungkol sa sakit na YABANGitittis


Normal lang sa tao ang ipagmalaki ang sarili. Lalo na kung meron kang nagawang kakaiba at tipong ikasasaya ng karamihan. Pero may mga taong kinagat ng lamok ng kayabangan.. Ayun! Sapul!

Yabangittitis. Sakit ng mga mayayabang.

Ang mga taong may sakit na ganito, medyo nakakapanlinlang. Yung iba, halata mo na kaya madaling iwasan at takbuhan. Mapanganib kasi sila, mga pampataas ng alta presyon.
Pero may iba rin na sa unang tingin mo ay parang normal lang. Ibig kong sabihin.. Normal level ang kayabangan. Pero kapag nakausap mo na at nagsimulang magsalita... WOHOOOOO! Daig pa ang mga commercial ng mentos, asahi electricfan, colgate, at kung ano-anong mouth wash. Dahil maninigas talaga ang buong katawan mo sa lakas ng kayabangan nila. Baka gusto mo na simulan humawak sa mga punong katabi mo, para naman hindi ka tangayin ng tila ipo-ipo na dala-dala nila.

Delikado ang mga taong ganito, dahil kadalasan kapag narinig mo ang mga sinasabi nila, maha-highblood ka. Parang mas gugustuhin mo na lang magbilang ng langgam sa sahig kesa marinig yung mga sasabihin nila.

Signs and Symptoms:
  • Mapapansin mo na puro na lang "AKO" ang simula ng sentences nila. Wala silang alam na ibang starting word kundi.. "ako". 
Halimbawa: "Ako nga ganito eh, Ako nga ganyan eh."
  • Lahat ng meron yung ibang tao, meron din DAW siya. Lahat ng tao, kakilala niya. Lahat ng lugar, napuntahan niya na. Lahat ng pagkain, nakain niya na. Lahat ng gamit, meron siya.
Halimbawa: "Ako rin eh may ganito.. Ako rin eh ganyan.." (Tandaan ang unang sintomas.)
  • Kapag may kumpol, makikita mong bigla na lang siyang sisingit at magsasalita kahit hindi naman kinakausap.
Halimbawa: "Uyyy!!! Ako.. blah.. Ako.. Blaaah"
  • Kapag may tinatanong ka sa kanya, madami syang maisasagot maski wala naman koneksyon sa tanong mo. At kung nasagot naman na niya yung tanong mo, hindi pa rin siya titigil sa pagsasalita kasi madami DAW siyang alam.
Halimbawa: 
Nagtatanong na tao: Uy anong gagawin mo mamaya?
Mayabang na tao: Kakain. (Pwede na tong sagot na to eh kaso...) Tapos sa resto na kakainan ko, siguro isang pinggan pa lang 1.7k na. Tapos yung kakainin ko siguro (insert lahat ng menu).. Tapos after nun, ganito naman gagawin ko.. Tapos ganun.. Tapos ganyan.. (Tapos ikaw parang puti na yung buhok mo, tuyo na yung labi mo, hindi pa rin siya tapos magsalita.)

Sa totoo lang, madami pang sintomas ang sakit ng kayabangan. Hindi ko na siguro iisahin dahil talamak naman ang mayayabang ngayon, makakakita ka kaagad kahit saan. Parang SM departments stores, kahit saan parte, meron.

Treatment:
  • Kapag napansin mong may sakit na ganito ang kausap mo, mabuting tumakbo ka na at lumayo. Magdala ng Krus at itapat sa mukha niya kapag nakita mong papalapit na siya sa iyo,
  • Tapalan ng pagkain ng sunod-sunod ang bibig, sabay ngumiti at sabihin na ito "O kita mo, ayaw kong nagugutom ka."
  • Sa bawat buka ng bibig, umirap-irap at tumawa bigla sabay sabi ng isang malakas at humahagalpak na "WEEEEEEEEEEEHHHHHH?!" (Dapat yung pagkasabi mo ng "WEH?!" may leeg na kasama, pati mukha ah.. Pero mag-ingat dahil baka mapikon sa iyo ang taong mayabang."
  • At ang pinaka-effective!! Proven na.  
Gamitin ang "Quiet time" sa tuwing makikita mong bubukas na ang bibig niya. Sabihin mong kailangan din niyong magmuni-muni at manahimik kahit sandali at magnilay-nilay sa mga nagawang kasalanan. Hindi na siya makakahalata, hindi pa siya magsasalita.

Ilan lang yun, sana nakatulong ako sa inyo at naliwanagan kayo sa sakit na ito.