Medyo kani-kanina lang pumalo sa isip ko kung ano yung mga posibleng manyari. Medyo kani-kanina lang ako nakaramdam ng lungkot. Masyado atang nalunod sa kape yung katawan ko kaya medyo matagal bago nakapaglabas ng reaksyon. Medyo kani-kanina lang nung naramdaman kong may namumuong umbok sa mga lalamunan ko. Alam ko na kapag pinakawalan ko yun, mababasa ang mga mata ko. Alam kong hindi ko mapipigilan ang pagpatak ng bawat isa niyon.
Siguro sa ngayon, nagagawa ko pang lokohin yung sarili ko at isipin na wala akong pakialam. Nagagawa ko pang sabihin sa sarili ko na "Wala" lang ito. Pero alam kong dadating yung panahon na maski sarili ko hindi ko na maloloko na apektado nga ako. Kapag nakita ko siya, yayakapin ko siya ng mahigpit tsaka magpapasalamat sa lahat.
Isa rin sa mga kinakatakutan ko yung pagkawala ng lahat. Pagkawala ng mga bagay na kinasanayan ko. Alam kong mahihirapan ako, pero hindi naman ako dapat magreklamo dahil wala lang naman ako.
No comments:
Post a Comment