Kamusta ako?
Eto masayang-masaya. Medyo matagal din akong nawal sa mundo ng internet. Masyado kasi ako naging busy sa pagdadasal, este pag-aaral para naman makapasa ako sa mga subjects ko. Sa wakas! 4th year na akoooo! Tapos Intern na! Tapos gra-graduate naaa! Sana talaga tuloy-tuloy na. Ayoko na ma-extend ang stay ko.
Muntik na akong madale sa isang subject at masasabi ko talaga na...
GOD iS GOOD ALL THE TIME.
Ito yung mga panahon na sobrang praning ka na at wala ka nang ibang magawa kung hindi umiyak at magbasa ng libro para sa isang exam. (Oo, literal na ganun ang gawain ko. Iiyak.. Tapos magbabasa. Tapos maiiyak ulit.) Totoo yung kapag wala ka na talagang malapitan, siya lang ang pag-asa.. Pero sabi nga nila, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. :D
Marami akong natutunan ngayon taon na ito sa iskwela, sa sobrang dami unti na lang ang tumatak sa utak ko. At yun ay yung mga praktikal na maaring gamitin sa pang-araw araw.
- Magtimpla ng kape na ala Starbucks ang dating. Depende sa mood, may mild, medium at strong.
- Bawal maging kampante sa isang bagay kapag hindi ka pa sigurado, sa sobrang taas ng tingin mo, baka hindi mo namamalayan ang mabagal na pagbagsak mo.
- Makipagkaibigan o maging isang charismatic na tao. Mabilis ka kasing makakakuha ng "tagos" kapag nangangailangan ka talaga.
- Hindi magkapareho ang pagsusulat sa pag-aaral. Hindi lahat ng sinusulat mo sa notes mo, pumapasok sa utak mo. Maglaan ng magkaibang oras para doon.
- Magdasal sa umaga.
- Magdasal sa hapon.
- Magdasal bago mag-exam.
- Magdasal habang nage-exam.
- Magdasal pagkatapos ng exam.
- Magdasal habang nag-aaral.
- Magdasal habang tumatae.
- Magdasal habang naliligo.
- Magdasal bago matulog.
- Magdasal habang kumakain.
- In other words, magdasal ng ilang million. Nakakatulong talaga. Pramis.
- Magpanggap na may alam ka. Ikaw na lang bahala dumiskarte sa improvement ng acting skills.
Ilan lang yun, madami pang iba. Natabunan lang siguro sa likod ng utak ko.
No comments:
Post a Comment