Dati inaabangan ko talaga yung pagdating ng summer para makagala at makalakwatsa. Masyado kasing napudpud yung utak ko kakaisip at kakamemorya ng kung ano-ano nung pasukan. Ang daming araw na nasasayang. Imbis na uma-aura at gumagala na ako ngayon, wala. Wala kasi akong pera. Wala pa akong kaibigan para kasama sa paggala. HAAAAAAAY.
Kailangan ko na talaga ng pera… Tsaka kaibigan. Tsaka ka-IBIGAN.
Seryoso.
Wala lang. Ewan ko ba, dadating siguro yung punto sa tao na maghahanap nang maghahanap ng pag-ibig. Pero sabi nga nila hindi daw ito hinahanap kasi ito mismo ang maghahanap sayo. Medyo matagal nga lang.. Siguro imbis na lumipad at maging superhero, andun siya sa trike na de padyak kaya napakatagal dumating. Ang masaklap pa dun baka flat pa yung trike na nasakyan niya at naglalakad na lang siya. At dahil sa init ng araw at pagod naisipan niyang magpahinga.. Hanggang sa may makilala na siyang iba.. HAAAAAAAAAAY.
Minsan kasi nakakapagod din na maghintay ng tao na para sa iyo. Pakiramdam mo nagmumukha kang tanga dahil wala kang kasiguraduhan kong may dadating nga ba o wala. Ang sakit kaya nun. Ang sakit kaya nung feeling na akala mo may hinihintay ka, tapos namuti na yung mata mo yun pala, wala. Cancelled.
Sa mga panahon ngayon, ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. Parang gusto kong hanapin na lang yung taong para sa akin. Kumbaga sa paghihintay sa destiny mo, parang gusto ko na lang na ako na lang mismo yung gumawa ng destiny ko. Wala ng tadha-tadhana. Ang tagal kasi niya eh. Oo. Ang tagal ni "The One".
Sana dumating na siya. Sana dumating na siya. Sana dumating na siya.. (Repeat til fade...)
No comments:
Post a Comment