Mula kaninang umaga pa ako nanunuod ng balita at nasubaybayan ko yung tungkol sa Silverio Compound sa may Sucat, Paranaque.
Alam mo talagang may mali sa sistema ng dalawang panig. Walang nagbibigay, lahat mainit ang ulo at walang gustong makinig. Isa daw ang patay at mahigit trenta ang sugatan.. Pero para sa akin pare-pareho nilang ginusto yun. Imbis kasi na pag-usapan na lang, dinadaan sa gulo. Ayokong makialam at magpanggap na kunwari may alam sa totoong nanyayari, pero hindi ko rin mapigilan yung sarili ko sa pagre-react sa mga nakikita ko sa tv.
Ewan ko.. Siguro kasi hindi ako squatter kaya hindi ko naiintindihan kung bakit ganun na lang ang galit nila. Para sa akin kasi, oo nga.. Bahay mo nga yung nakatayo doon, pero sigurado ka bang legal na iyo yun? May papel at titulo ka ba na nakapangalan sa iyo yung lupa na iyon? Meron naman silang lilipatan na lugar ang kaso kasi, hindi sila kakasya dahil sa dami ng bilang nila.
Pero masasabi ko rin na gago rin ang mga pulis. Makitid na nga ang utak ng mga residente, sinabayan pa ng makitid din na utak ng pulisya. Oo at masakit ang matamaan ng bato pero hindi naman ata tama na paluin sa ulo ng batuta ang mga nahuli na nambabato. Para saan yon? Para makaganti? Para lang sabihin na mas matapang o mas may awtoridad?
Pilipino nga naman... Pero sa tingin ko..
Ang problema kasi talaga, yung kaugalian ng ilang tao na hindi natututo. Alam na ngang mahirap ang buhay, kukuha pa ng bato na ipupukpok sa kanya-kanyang ulo nila.
Karamihan ng squatters, walang trabaho. Pag walang trabaho, walang pera. Pag walang pera, walang pagkain, walang tubig, walang tirahan. Kung meron man, maliit lang. Ayos naman ang maliit na tirahan, ang problema lang.. yung bilang nila.
Bakit kasi kung sino pa yung mahirap at walang pera, sila po yung mag-aanak ng marami. Tapos magrereklamo sa hirap ng buhay dahil hindi nila kayang buhayin ang mga anak. Tapos.. yung mga anak naman nila, na hindi natuturuan ng mabuti, at dahil na rin sa pangit na kapaligiran, maagang natutong lumandi. Kaya pansinin mo.. Karamihan sa squatters area, edad 14.. May anak na. Pero ganun pa rin ang buhay.. Walang pera, walang trabaho, walang pagkain, walang tirahan, paulit-ulit lang.
Isa pang problema, maari mong isisi sa sistema ng Pilipinas mismo. Masyadong mahal ang matrikula, masyadong maarte ang mga eskwelahan kaya naman hindi sapat na edukasyon ang nakukuha ng bawat pilipino. Kaya ayun.. mahihirapan talaga sila maghanap ng trabaho..
Ang titigas lang kasi ng ulo ng lahat kaya ayan tuloy, hindi nagkakaintindihan at lalo lang nagkakasakitan.
No comments:
Post a Comment