Kakapanuod ko lang ng pelikulang "PROM" nung isang araw. Dahil paulit-ulit lang naman yung buhay ko ngayong summer, masyado ata akong naapektuhan doon sa mga pinapanuod kong pelikula.
Lahat naman siguro ng andito nakaranas na magpunta sa prom, o kung hindi man prom.. sa ball. (Kung ako ang tatanungin, parang pareho lang naman ata iyon? Pero siguro kasi kapag ball dapat mga pang-prinsesa ang suot. Mga tipong pang hot air balloon ang datingan ng gown at dapat may kalesa pa na kasama parang si Cinderella.) Ako kasi nakaranas ako ng ganyan-ganyan pero abnormal ata yung experience ko. Paano ba naman kasi, galing ako sa isang all-girls school kaya nung nagkaroon kami ng ganyan.. FAIL. Puro babae.
Okaaaaayyyyy. So pwedeng magdala ng mga lalaki pero dahil nung mga panahon na iyon ay wala pa akong kamandag (so ibig sabihin ngayon meron na?! BIG WURD. Jooooke. Hahaha) este wala pa akong lakas ng loob sa mga date-date na yan. Lahat ng kasama ko nun babae at tomboy. (Uhmm.. mga nakadamit pambabae pero pwede naman dahil hindi naman talaga sila hardcore lesbian look talaga.)
Pagkatapos kong mapanuod ang pelikulang iyon, parang nakaramdam ako ng inggit. Alam mo yun? Paano ba naman kasi ampogi nung bidang lalaki dun. Yung rakstar na nagmo-motor na badboy. AYIIIIEEEE. Di joke lang, ang saya lang kasi siguro maka-experience ng totoong prom. Hindi yung prom-prom-an lang na for the sake na masabi mong "prom". (Wag ka, kasama pa ang parents at faculty namin nung promnight namin. Weird no?)
Ang saya lang nung excitement ng bawat isa na nadama nila. Lalo na yung mga mag-jowang walang katapusan na nagtatanong ng "prom?" na akala mo naman ay napakalaking wedding proposal. Yung pagpili nila ng isusuot na may nalalaman pang "fitting" tapos may poging badboy na nag-aabang at mai-starstruck sayo paglabas mo ng fitting room. Yung feeling na may botohan pa kung sino ba yung king and queen shits at titignan mo sila sumayaw maski wala ka naman talagang pakialam unless jowa mo sila. Yung feeling na namomoblema ka sa kulay ng sasakyan mong limo maski wala naman atang limo dito sa Pilipinas. Sana magkaroon din ako ng ganung experience. Lahat perpekto..
Pero syempre, lahat yun talagang maganda. "Pelikula" eh. Sabi nga ni KC Concepcion, "Not like the movies"..
No comments:
Post a Comment