Balik na naman ako sa buhay na walang magawa. Pero mas okay na yung pakiramdam ko ngayon kesa nung mga panahon nung naunang tambay life ako ngayong bakasyon. Masaya lang kasi ang dami kong nakilalang kaibigan nung isang araw.
Ang liit lang ng mundo.
Si Karinakarina, nakilala ko lang sa soundcloud at sa facebook. Kaibigan niya si Choco. Si Choco, kaibigan ko na nakilala sa facebook at sa gigs ng banda. Si Khris kaibigan ko na nakilala sa videoshoot nila Cathy (Sopiz pa siya nun, ngayon solo artist na; Siya yung kumanta ng "Ayaw na kung ayaw") dahil bestfriends sila nung highschool. At dahil mahilig si Choco sa gigs, nakilala niya si Cathy. Pinakilala ko si Khris kay Choco dahil naghahanap siya nun ng chicks, oh well papel, barkada na sila ngayon. At si Karina naman, kilala na rin niya si Khris dahil kay Choco at gusto niya si Cathy.
Yan ang unang circle of friends na kasama sa kwento ko.
Hind ko pa nakikita si Karina sa personal pero lagi naman kami nagkakausap. Tiga-Cavite siya pero pumupunta rin siya dito kapag may shoot sila. Sooo isang umaga, nagulat na lang ako ng yayain niya akong magkita sa gateway. Ti-next ko kaagad sila Choco at Khris para naman get-together na.
Akala ko kami-kami lang. Pagpunta ko ng gateway..
Kasama ni Karina si Arkho (gitarista ng Circa). So pinakilala siya sa amin, di ko alam na napanuod ko na pala sila sa isang gig na kasabay ng Tanya Markova. Tapos biglang dumating ang kaibigan din ni Karina na si Lien, nagkakilala lang din daw sila sa facebook at common friend. Unting hintay lang, dumating naman si Nico. Kaibigan din ni Karina na first time din niya imi-meet.
Lahat sila first time ko lang nakasama nung araw na iyon maliban kay Choco at Khris. Pero alam mo yung feeling na sobrang saya, tamang tambay lang. Pumunta kami sa UP naglakad, nagkwentuhan, nag-longboard, nag-piktyuran, lahat kami hindi magkakakilala. Pero sa sobrang liit ng mundo nagkakila-kilala kami.
Alam kong madami pa akong makikilala dito sa mundo pero inaasahan ko na kagaya ng mga kaibigan ko sa iba pang lugar, magtatagal din to. :D
Soo.. Sa liit ng mundo.. Mahahanap pa kaya ako ng may-ari ng videocity para kunin yung mga hiniram ko na bala?
No comments:
Post a Comment