Saturday, January 14, 2012


Mag-isa lang ako kaninang uwian. Kung pwede lang lumipad o kaya mag-teleport edi masaya na ang buhay. Wala pang polusyon. Wala pang maamoy na kung ano-ano at sari-saring amoy. Yun nga lang, lugi na mga gasoline station pati mga jeep at taxi at lrt. Pero mukhang mahirap din talaga yung mga teleport-teleport na yan eh. Bawat molecules daw dapat ma-disappear. (Okay, imbento ko lang ito.)

Siguro kung sa Recto Station ka nalalagi, kilala mo yung matandang babae na kuba na nagbebenta ng plastic. Tapos balot na balot ang katawan. Habang pinapanuod ko yung mga tao sa paligid ko, may naisip na naman ako. Pakiramdam ko naman kasing talino ko si Bob Ong. Hindi ko pa tapos basahin yung bago niyang libro (Lumayo Ka Nga sa Akin), pero (wait napatingin ako sa TV. Banana Split yung palabas. Amputi nung babae nakakaloka. Ilang gluta kaya ininject niya?) medyo nakuha ko naman yung tono niya. Pati punto niya. Medyo punong-puno ng sarkasmo tungkol sa mga kaugalian ng mga Pilipino.

Balik tayo sa ale na nagtintinda ng plastic sa may Recto..
Nakita ko na siya dati pati napansin ko na parang sinasadya niya na balutin ng ganun yung katawan niya. Hindi ko alam, siguro may sakit siya (inisip ko pa baka ketong) pero dahil wala siyang pagpipilian, syempre kailangan niya mag-trabaho kahit ganun yung kalagayan niya.

Nakita ko lang kasi kung paano siya tignan ng mga tao. Para sa akin, okay lang na tignan siya dahil kakaiba nga naman ang itsura niya. Pero yung titigan ng matagal at magpakita ng kung ano-anong ekspresyon na parang nandidiri? Hindi naman ata tama iyon. Tao pa rin naman siya. Kakaiba nga lang, pero tao pa rin.

Yung nakita ko kasing ekspresyon nung magboypren tapos yung isang ale sa lrt akala mo tae na na nakakadiri yung tinitignan nila. Kung hindi mo nagugustuhan kung ano yung nakikita mo, edi wag ka na lang tumingin. 

No comments: