Monday, September 26, 2011


Di ko maintindihan yung mga nakikita ko sa facebook. Kanina, hindi pa dini-declare na walang pasok ang UST, todo react ang mga tao na
“Late na naman magsu-suspend.” 
“Tulog na naman si Sec Gen.”
At kung ano-ano pang ka-ekekan na sana walang pasok. Tapos nung sinabi na walang pasok, todo react na naman na GUSTO KO PUMASOK. Ano ba mga ateh, koyah? Naglolokohan lang kayo eh. Sour-grapes. Kunwari ayaw pero gusto naman pala. 
Minsan nakakairita yung mga ganito. Mga urong-sulong. Mga sa umpisa gusto, tas biglang aayaw. Ang gulo-gulo kasi. Pero kung claro naman na lahat, edi ayos lang. Walang pakialamanan. 

Saturday, September 24, 2011


Hindi simple ang napag-usapan namin ng dalawa kong kaibigan kanina.  Habang hinihintay ang pagkain, nakatulala lang ako sa isang nakasabit na painting sa kainan. Blangko ang utak ko nang biglang may sumingit sa isipan ko.

Nakikita ko na yung pagkain na in-order ko. Masarap. Naamoy ko na ang bango.

"Uy, may tanong ako." Sabi ko sa dalawa kong kaibigan.

"O ano yun?" sagot ng isa. Habang nakatitig lang ang isa sa amin.

"Uhmm. Paano kapag gusto mong baguhin ang pananaw mo sa isang bagay? Or paano mababago yung tingin mo sa mga bagay-bagay?"

Sumagot ang isa sa kanila. Hindi ko rin alam kung mayroon bang patutunguhan itong usapan na ito. Pero wala akong pakialam, basta may pagkaabalahan lang. Basta makalimutan ang gutom at kalam ng tiyan.

"Ah, ewan ko. Kasi like nung sa akin. Sa religion, parang bakit kailangan may Diyos? Bakit kailangan tatlo si God. Parang ganun. Tas magtatanong ako sa pari, tapos kapag maganda yung sagot niya, maniniwala ako."

Inusisa ko siya. "Paano mo malalaman kung kailan ka na maniniwala?"

"Hindi ko nga rin alam eh. Basta maniniwala na lang ako. Tas okay na ulit."

Sumabat ang isa.
"Hoy, ano ba yan? Sabihin mo na nga kung ano yan. Feeling ko may something nanaman."

"Wala naman, naisip ko lang naman. Parang paano mababago yung tingin ko sa mundo. Para kasing iisa lang ang hinahanap ng lahat eh, parang like for example, sex."

"Eh nasa human nature naman yan eh. Normal lang na maghanap ng sex ang tao, parang instincts. Pero nako-control."

"Oo nga alam ko. Pero gets? Parang puro yun na lang."

"Hindi ah, nasa tao yan. Bakit yung ate ko, pati yung boyfriend niya, nakatira sa isang dorm pero wala naman nanyayari sa kanila. Kasi parang naghihintay sila sa right time."

Nagtanong ulit ako.. "Posible ba yun?"

"Oo. Kapag mahal ka talaga nung tao, maghihintay yun. Tsaka tignan mo, makakahanap ka rin ng tao na magpapabago sa pananaw mo."

--Sana nga. 

Thursday, September 22, 2011


Minsan nagtataka ako kung nakatakda na ba ang lahat. Sabi nga ng ibang tao, hindi daw totoo yun. Ikaw ang gagawa ng lahat. Ikaw ang magde-desisyon sa kung anong patutunguhan mo sa hinaharap. Ikaw ang mag-iisip kung paano maayon ang ikot ng mundo sa kung ano ang gusto mo. Pero kapag inisip mo talaga, minsan parang totoo rin ang tadhana.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bigla kang may makikilalang isang estranghero. Hindi mo kilala. Hindi ka kilala. At sa isang pagkakataon na nagkita kayo, hindi inaasahang magkakakilala kayo. Pero sa isang lugar na walang kaseryosohan, paano mo masasabi na ang nakikilala mo ay magtatagal sa buhay mo?

Ceara-Noid


Ayon sa Wikipedia, malalaman mong merong Paranoid Personality Disorder ang isang tao kapag nakitaan siya ng ganito.. (At least 3)

  1. excessive sensitivity to setbacks and rebuffs;
  2. tendency to bear grudges persistently, i.e. refusal to forgive insults and injuries or slights;
  3. suspiciousness and a pervasive tendency to distort experience by misconstruing the neutral or friendly actions of others as hostile or contemptuous;
  4. a combative and tenacious sense of personal rights out of keeping with the actual situation;
  5. recurrent suspicions, without justification, regarding sexual fidelity of spouse or sexual partner;
  6. tendency to experience excessive self-importance, manifest in a persistent self-referential attitude;
  7. preoccupation with unsubstantiated “conspiratorial” explanations of events both immediate to the patient and in the world at large.
Aaminin ko, minsan may pagka-paranoid ako. Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan pero ganun ako. Hirap akong maniwala sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa akin. Malupit ang mga tao ngayon, maraming manloloko. Ang sabi nga nila, walang manloloko kung walang magpapaloko. Pero minsan nagiging OA ako. Kasi kahit totoo na yung sinasabi ng tao, hindi ko pa rin makuhang paniwalaan. Pakiramdam ko kasi kakaibang trip lang ang habol nila. Funtime. Goodtime. At ako ang maswerteng biktima.
Pero siguro, dadating din yung araw na magbabago ang paningin ko sa mga bagay-bagay. Dadating din yung panahon na makikita ko na hindi lahat ng tao pare-pareho.

Thursday, September 15, 2011

CRYOLA

Kanina sa isang klase, nagkaroon kami ng sharing. Kumbaga pag-usapan ang mga problema, mga nagpapabigat ng loob namin, o kahit ano lang na negatibong bagay. Pasimula pa lang ng kwento ko, naiyak na ako. Eh kung tutuusin, wala namang kwenta ang istorya ng buhay ko kung ikukumpira mo sa Maalaala Mo Kaya.
Ang sakit lang kasi talaga sa lalamunan kapag pinigil ang pagtulo ng luha. Ang bigat sa dibdib. Parang may nakabarang malaking buto ng santol sa lalamunan at napakahirap lumunok. Napakabilis ko lang talaga umiyak. Pero hindi dahil sa inaaway ako o inaasar. Naiiyak lang ako kapag..
  • Manunuod ng drama sa TV o kahit sa sinehan. Yung tipong kunwari hikab ako ng hikab para hindi mahalata na tunay na luha na pala yung galing sa mga mata ko.
  • Kapag kinikilig ako. Lalo na kapag sobra. Sa totoong buhay man o sa pelikula, basta kapag kinilig ako asahan mo, iiyak na ako.
  • Kapag may ginawang "effort" yung mga tao para sa akin. Lalo na yung mga surprise-surprise na yan. O kaya mga tipong sobrang nabaitan lang ako sayo kasi sa mga ginawa mo para sa akin, maiiyak na ako.
  • Kapag naiisip ko yung pamilya ko o kaya maski si Lord God, kasi siguro nako-konsensya ako sa mga kagaguhan ko.
  • Kapag sobrang lungkot dahil sa sitwasyon na pinagdadaanan.
Sabi nila kapag umiyak ka, mahina ka. Pero para sa akin normal lang ang umiyak. Ayoko naman umabot sa puntong sasabog na yung dibdib ko, itatago ko pa rin kung anong nararamdaman ko.

Wednesday, September 14, 2011

Ang lahat ay nag-iiba.

Ewan ko kung ako lang o baka pati ikaw rin. Bakit parang nag-iiba? Sinabi ko naman na sayo dati na "Uy nami-miss na kita." Pero bakit parang wala naman nanyari? Parang feeling ko hindi na tayo kagaya nung dati na sobrang close. Siguro epekto lang ng ibang bagay pero hindi eh. Pakiramdam ko, kahit sabihin mong hindi magbabago ang tingin mo sa akin, pakiramdam ko nagbago na. Pakiramdam ko sa loob-loob mo hindi mo na ako kilala. Hindi mo kasi trip ganito, ganyan, akala ko tanggap mo ako.

Ako pa rin naman ito. Mas naging open-minded lang ako sa mga bagay na baka hindi mo pa kayang tanggapin ng lubusan. Siguro nga hindi na ganun, kasi pakiramdam ko parang hahanapin mo lang ako kapag wala ka nang ibang mapuntahan. Kapag pakiramdam mo nag-iisa ka na lang. Parang pakiramdam ko ang layo-layo mo na. Ewan ko pero nalulungkot talaga ako sa mga nanyayari. Sana maging okay na lahat. Close-close ulit.

Saturday, September 10, 2011

Magaling, Astig-Magaling, Astig, Astig, Astig..

Namiss ko na dito. Ngayon na lang kasi ako nakapag-online sa sobrang daming ginagawa. Kulang na kulang talaga ang bente kwatrong oras sa dami ng kailangan gawin at gusto kong gawin. Sana naman kilala niyo pa ako kahit papaano.

Ano ba nanyari sa buhay ko ngayon? Wala naman. Ganun pa rin. Maliban sa ilang bagay na na-realize ko o kung hindi man, eh mga bagay na naalala ko ulit.

-May pangit na epekto kapag masyado mong namimiss ang isang tao. Sabi nila, mas okay daw kapag hindi kayo nagkikita madalas para naman hinahanap-hanap niyo ang isa't isa. Pero hindi pala ganun palagi. Minsan kasi kapag masyado nang matagal na hindi kayo nakakapag-bonding o nakakapag-usap, nasasanay lang kayo na wala ang isa't isa.

-Sa isang labanan, merong dalawang uri ng tao na nakapalibot sa mga taong involved. Yun ay yung mga taong marunong umunawa at patigilin ang pag-aaway. At meron din naman yung mga taong makikitid ang utak na nanggagatong pa.

-Wag maniniwala sa mga taong fast-forward palagi. Sila yung mga tipong mabilis makapag-desisyon kung mahal ka na ba nila o gusto ka na ba nila talaga. Malamang sa malamang, mabilis mong nakuha, mabilis din na mawawala.

-Meron pa palang mga totoong tao na hindi hipon. Maganda ang katawan, maganda ang mukha. Pero mas madami pa rin talaga ang kain katawan, tapon ulo.

-May mga bagay na kapag sinakyan mo, masakit sa singit. Period.

Wednesday, September 7, 2011

Kahit lahat na ng tao nakapalibot sayo, minsan masasabi mo pa rin na "Parang ako lang mag-isa."


Ewan ko ba. Ang labo rin ng tao minsan eh. Kahit lahat naman nandyan, lahat naman okay lang, maghahanap pa rin. Kasi siguro hindi lang talaga nila maintindihan kung ano talaga yung nasa loob mo. Kung ano talaga yung nararamdaman mo. Kasi pag tinignan ka naman nila, parang okay ka lang naman. Kumbaga sakto lang. Pero ang hindi nila alam, pakiramdam mo nag-iisa ka.
Mabilis ang ikot ng mundo. Mabilis ang takbo ng oras. Dapat matutunan mong mag-adapt maski na pakiramdam mo lahat ng tao walang pakialam sayo. Maski nga sarili mong anino sa tabi mo nawawala, tao pa kaya.

Yung ibang lalaki kung mag-Girlpren parang Mercury Drugs. Laging bago.


Medyo matagal na akong naghihintay sa ilang kasama sa labas ng pupuntahan. Reklamo. Upo. Suot-suot ang mga damit na hindi kinagawian. May lumapit na lalaking may dalang takatak. “Mam, yosi po.” Umiiling lang ako. Layo. Text. Upo.
Hanggang sa dumating ang mga taong hinihintay ko. O tara pasok.
Madilim ang paligid. Maingay ang tugtog. Maraming tao sa loob. Sinulit ko ang amoy ng sigarilyo sa paligid. Alam kong dalawang araw o higit pa ang kakailanganin ko para matanggal ang ganitong amoy sa buhok ko. Wala akong pakialam.
Naramdaman ko ang pag-indak ng paa ko. Paggalaw ng katawan ko. Sumasabay sa bawat tunog na lumalabas na nagpapasaya sa lahat ng tao. Nakakalasing ang ilaw. Nakakangawit sa paa. Kahit na ganun ayaw tumigil ng katawan ko sa pagsayaw. Um-aura. Ko-mota. Rumampa.
-SARAP.

Thursday, September 1, 2011

Huwag Hayaan Mamatay ang Hangin


Nahihirapan ako sa mga sitwasyon na may kasama ako at sobrang tahimik. “Awkward silence” o kaya naman “dead air” kung tawagin. Hindi ko alam pero hindi kasi ako komportable sa ganun. Parang para saan pa at magkasama kayo kung hindi naman kayo nag-uusap at nagpapansinan?
Kapag ganun, naiisip ko na sana ako na lang mag-isa. Mas mahirap kasi kapag nagpapakiramdaman pa kayo dahil hindi mo alam kung anong sasabihin mo. Yung tipong wala kang makwento.
Pero wag ka mag-alala, may mga tips ako kung ganito rin ang pakiramdam mo kapag minsan.
  1. Magtanong ka na parang tanga lang. Para kahit papaano eh maibsan ang katahimikan.
  2. Maging ma-obserba sa paligid. Tumingin-tingin at mag-comment sa kahit anong bagay. Sa panahon, sa tao, sa pakiramdam, sa gutom, kahit ano.
  3. Kulitan mo siya na magkwento siya. Kahit ano lang, wala kang karapatan para maging choosy sa topic dahil patay na nga yung hangin.
  4. Magtext ka kunwari. O kaya naman kumanta ka kunwari.
  5. Wag ka nalang sumama. Hayaan mo na lang na ikaw mag-isa.
Syempre kabaliwan lang ang mga tips na yan. Diskarte mo na lang yan pre. :D