Kanina sa isang klase, nagkaroon kami ng sharing. Kumbaga pag-usapan ang mga problema, mga nagpapabigat ng loob namin, o kahit ano lang na negatibong bagay. Pasimula pa lang ng kwento ko, naiyak na ako. Eh kung tutuusin, wala namang kwenta ang istorya ng buhay ko kung ikukumpira mo sa Maalaala Mo Kaya.
Ang sakit lang kasi talaga sa lalamunan kapag pinigil ang pagtulo ng luha. Ang bigat sa dibdib. Parang may nakabarang malaking buto ng santol sa lalamunan at napakahirap lumunok. Napakabilis ko lang talaga umiyak. Pero hindi dahil sa inaaway ako o inaasar. Naiiyak lang ako kapag..

- Manunuod ng drama sa TV o kahit sa sinehan. Yung tipong kunwari hikab ako ng hikab para hindi mahalata na tunay na luha na pala yung galing sa mga mata ko.
- Kapag kinikilig ako. Lalo na kapag sobra. Sa totoong buhay man o sa pelikula, basta kapag kinilig ako asahan mo, iiyak na ako.
- Kapag may ginawang "effort" yung mga tao para sa akin. Lalo na yung mga surprise-surprise na yan. O kaya mga tipong sobrang nabaitan lang ako sayo kasi sa mga ginawa mo para sa akin, maiiyak na ako.
- Kapag naiisip ko yung pamilya ko o kaya maski si Lord God, kasi siguro nako-konsensya ako sa mga kagaguhan ko.
- Kapag sobrang lungkot dahil sa sitwasyon na pinagdadaanan.
No comments:
Post a Comment