Saturday, September 24, 2011


Hindi simple ang napag-usapan namin ng dalawa kong kaibigan kanina.  Habang hinihintay ang pagkain, nakatulala lang ako sa isang nakasabit na painting sa kainan. Blangko ang utak ko nang biglang may sumingit sa isipan ko.

Nakikita ko na yung pagkain na in-order ko. Masarap. Naamoy ko na ang bango.

"Uy, may tanong ako." Sabi ko sa dalawa kong kaibigan.

"O ano yun?" sagot ng isa. Habang nakatitig lang ang isa sa amin.

"Uhmm. Paano kapag gusto mong baguhin ang pananaw mo sa isang bagay? Or paano mababago yung tingin mo sa mga bagay-bagay?"

Sumagot ang isa sa kanila. Hindi ko rin alam kung mayroon bang patutunguhan itong usapan na ito. Pero wala akong pakialam, basta may pagkaabalahan lang. Basta makalimutan ang gutom at kalam ng tiyan.

"Ah, ewan ko. Kasi like nung sa akin. Sa religion, parang bakit kailangan may Diyos? Bakit kailangan tatlo si God. Parang ganun. Tas magtatanong ako sa pari, tapos kapag maganda yung sagot niya, maniniwala ako."

Inusisa ko siya. "Paano mo malalaman kung kailan ka na maniniwala?"

"Hindi ko nga rin alam eh. Basta maniniwala na lang ako. Tas okay na ulit."

Sumabat ang isa.
"Hoy, ano ba yan? Sabihin mo na nga kung ano yan. Feeling ko may something nanaman."

"Wala naman, naisip ko lang naman. Parang paano mababago yung tingin ko sa mundo. Para kasing iisa lang ang hinahanap ng lahat eh, parang like for example, sex."

"Eh nasa human nature naman yan eh. Normal lang na maghanap ng sex ang tao, parang instincts. Pero nako-control."

"Oo nga alam ko. Pero gets? Parang puro yun na lang."

"Hindi ah, nasa tao yan. Bakit yung ate ko, pati yung boyfriend niya, nakatira sa isang dorm pero wala naman nanyayari sa kanila. Kasi parang naghihintay sila sa right time."

Nagtanong ulit ako.. "Posible ba yun?"

"Oo. Kapag mahal ka talaga nung tao, maghihintay yun. Tsaka tignan mo, makakahanap ka rin ng tao na magpapabago sa pananaw mo."

--Sana nga. 

No comments: