Nahihirapan ako sa mga sitwasyon na may kasama ako at sobrang tahimik. “Awkward silence” o kaya naman “dead air” kung tawagin. Hindi ko alam pero hindi kasi ako komportable sa ganun. Parang para saan pa at magkasama kayo kung hindi naman kayo nag-uusap at nagpapansinan?
Kapag ganun, naiisip ko na sana ako na lang mag-isa. Mas mahirap kasi kapag nagpapakiramdaman pa kayo dahil hindi mo alam kung anong sasabihin mo. Yung tipong wala kang makwento.
Pero wag ka mag-alala, may mga tips ako kung ganito rin ang pakiramdam mo kapag minsan.
- Magtanong ka na parang tanga lang. Para kahit papaano eh maibsan ang katahimikan.
- Maging ma-obserba sa paligid. Tumingin-tingin at mag-comment sa kahit anong bagay. Sa panahon, sa tao, sa pakiramdam, sa gutom, kahit ano.
- Kulitan mo siya na magkwento siya. Kahit ano lang, wala kang karapatan para maging choosy sa topic dahil patay na nga yung hangin.
- Magtext ka kunwari. O kaya naman kumanta ka kunwari.
- Wag ka nalang sumama. Hayaan mo na lang na ikaw mag-isa.
No comments:
Post a Comment