Tuesday, November 29, 2011

Bato


Isang taon na pala. Mahigit isang taon na nga sa totoo lang.. Simula nung may mga bagay na nanyari sa buhay ko na hindi ko inaakalang posible palang magkatotoo. Tulad nga ng sinasabi ko palagi, ang lahat ay isang panaginip lang. May pagkatataon talagang gigising ka sa katotohanan. Swerte ka na lang kung pagmulat mo, masaya ang nasa paligid mo. Pero hindi ko sasabihin na malas ka kapag hindi. Eh ganun talaga eh. Wala naman tayong magagawa.
Nagulat ako nung makita ko yung kulay ube na torre ng UST. Kakaiba, Out of Place kumbaga, pero wala akong pakialam. Nagagandahan pa rin ako. Imbis na maglakad sa madilim na Dapitan, pinili ko na maglakad na lang papunta sa Espanya para matignan ko lalo yung torre. Nagulat ako ng nakita kong nakakabit na yung mga Christmas lights.
Masaya ako tuwing nakakakita ako ng mga ganitong bagay. Iba talaga pakiramdam ko kapag naglalakad sa ilalim ng buwan at makukulay na ilaw. Kasabay nun, naalala ko lahat. Ganito rin yun. Ganitong ganito. Ang pagkakaiba nga lang, dati bulag ako. Ngayon mulat na ako.

Totoo na talaga ito.

Oo aaminin ko, masyado akong nasiyahan sa isang blogging site. Maliit lang ang mundo doon at halos lahat ng tao magkakakilala. Ewan ko kung pati ba dito, ganoon din. Pero hindi naman siguro. Wala lang. Napansin ko kasi na parang nagbago na lahat eh. Sabi nga nila, ang sigurado lang dito sa mundo ay pagbabago. 

Ayun, nagbago na nga ang lahat. Yung dating layunin ng bawat isa na sabihin kung ano ang nasa loob, inilalabas na lang para makapagpasikat. Masyadong magulo na, ang daming tsismis, ang daming issue. Parang artista na lahat eh, alam mo kung sino ang mga nag-break, sino ang naglandian, sino ang nag-aaway, sino ang naging magkaibigan. Parang showbiz.

Sabi nga ng mga tao doon dati, nagiging totoo ka. Walang humuhusga. Lahat tinatanggap ka. Pero ngayon kapag tinignan mo ng mabuti, bakit ang daming naglalaitan. Ang daming humuhusga. 

Wala na siguro akong pakialam kung ano man ang mga issues doon. May mga bagay din naman akong nakuha doon tulad ng mga kaibigan. Basta ang sa akin lang, siguro ito na lang muna yung mas pagtutuunan ko ng pansin.

Dito na lang siguro ako magsusulat ng kung ano man ang gusto kong sabihin.

Sunday, November 27, 2011


Natuluyan na nga ako sa sakit ko. Kagabi maaga ako natulog pero nagising din ako. Paputol-putol ang tulog ko. Nagigising dahil sa sobrang hapdi ng lalamunan ko. Pakiramdam ko na naman hinahati na naman ito ng blade. Iinom inom ng tubig para naman wala ang gasgas ng panandalian. Kaninang umaga, medyo masakit pa rin katawan ko. Masakit pa rin lalamunan ko. Unting dura, may kasamang plema. Pero nagulat talaga ako nung naubo ako. May kasamang pula.
Hindi ko alam kung dugo ba iyon o baka naman pagkain lang na kinain ko. Spaghetti kasi. Pero pakiramdam ko tuwing dudura ako may laman na kasama. At hindi nga ako nagkamali. Ilang oras pagkatapos nun, umatake na naman ubo ko. Ayun, may kasama na ngang laman. Pero wala ng dugo. Medyo masama pa rin pakiramdam ko ngayon. Sana gumaling na ako.

Masakit ulo ko. Masakit lalamunan ko. Pakiramdam ko magkakasakit na ako. Minsan naiisip ko kasalanan ko rin kaya nagkakaganito ako eh. Abuso kasi. Puyat ng puyat. Tapos kain pa ng kain ng mga junkfoods. Gusto ko maging healthy.
CHAROT! Ang hirap kaya kumain ng tama.
Ano ba kwekwento ko? Uhm. Ayun. Ang dami ko nang namimiss. Hindi ko na nakikita o kaya hindi ko na nakakasama yung ibang tao. Lalo na yung mga barkada ko. Sana magkaroon naman ulit ng araw na libre lahat. Yung walang gagawin. Pero kung iisipin mo kahit walang gagawin, may ginagawa ka pa rin. Okay. Nakakalito yun. Pati ako nalito din. Non-sense na ito. Non-sense na ito. Non-sense na ito.
Oo nga pala, may bago akong crush. Wish ko lang pag nakita ko sa personal mas matangkad sa akin. Kapag hindi… BWAHAHAHAHA.

Wednesday, November 23, 2011

WANTED: Bagong Crush


Ang tagal ng natutulog ng katawang lupa ko. Charot! Hindi ko rin alam eh, pero kasi naman, wala talaga akong kinakikikiligan ngayon. Nalimutan ko na ata kung paano yung feeling na kinikilig. OA nga kasi ako kapag kinikilig. Minsan kapag sobrang kilig, naiiyak na ako tapos nangingisay! O dba? Akala mo naman bagong sapi lang ng ispiritu ng baklang malandi. Nakakaloka. 
Hindi naman ako sa mukha tumitingin, pero syempre malaking factor din yun. Ayoko rin naman magpantasya sa mga majujunget. Magpapantasya ka na nga lang, syempre dun ka na sa bongga. Siguro wala lang talaga akong natitipuhan sa mga taong nasa paligid ko. Maski sa mga artista wala rin. Pero syempre kapag nakakakita ako ng abs, ayun! Napapangiti ako sabay bulong sa sarili ng “Ay siyeeet!”
Wala lang, ang saya kasi magka-crush eh. Makita mo lang, okay na araw mo. Yung tipong bigla ka na lang ngingiti kapag alam mong walang nakatingin sayo. Yung crush lang talaga ha, kasi naman masakit sa ulo kapag hinaluan na ng lab-lab. Nagiging komplikado, kaya dun muna sa mga crush-crush. Bigyan niyo nga ako ng crush. Hahahaha.

Monday, November 21, 2011

Minamalas


Badtrip kanina. Hindi lang badtrip, sobrang nakakalungkot. Sabado pa lang ng gabi ginawa ko na lahat ng assignment ko para naman makagala na ng tuloy-tuloy. Edi game, okay na ako.
Kinaumagahan kanina, nagbibihis ako, nang magtext yung kaklase ko.

"Uy asan na yung part mo sa Kines lab?" Kinesiology.

Alam mo yung sobrang nag-panic attack ako ng bongga. Pero medyo maaga pa naman kaya i-sesend ko na lang ulit yung gawa ko. Nakakainis lang kasi na-send ko naman talaga yun pero ewan ko bakit hindi niya natanggap. Edi game na nga, ise-send ko na.

Alam mo yung feeling na bawat segundo mahalaga. Pati pag-load ng computer parang napaktagal. Tapos nagloko pa yung internet. Nakakainis sobra. Yung saktong oras ko sana na aalis ng bahay, naging late na. Talagang pinilit kong makasakay sa lrt kahit alam kong masikip na, pakapalan na lang ng mukha kasi alam ko may quiz kami.

Nagmadali pa talaga ako para lang wag masyado ma-late. Pagdating ng classroom, nakita ko yung mga kaklase ko, nakaupo na. Ayan na quiz na pala. SHET!

Buti napansin ako ng prof namin, binigyan ako agad ng paper sabay sabi..

"You have 1 minute to answer the quiz." AY POOOOTASYET.

Monday, November 14, 2011


Ang mamahal naman ng mga libro namin nakakainis. Pero wala naman akong magagawa kasi kailangan naman talaga nun. Haaaay. Sobrang nahihiya na nga ako humingi ng pera sa mga nagpapa-aral sa akin. Kaya nga napakalaki talaga ng utang na loob ko sa kanila. Wala akong ibang magagawa kundi mag-aral ng mabuti (oy, mahirap kaya yun.) at magpakabait (mas mahirap ata yun).


Sa totoo lang, balak ko nga pagkatapos kong grumaduate at pumasa sa boards (oo, umaasa ako.) gusto ko pa ulit mag-aral. Pero syempre sariling pera na yung gagamitin ko. Magtra-trabaho ako tas mag-specialize sa Geriatrics. Para sureball na yung mga nag-alaga at nagpalaki sa akin na meron ng mag-aalaga sa kanila. (wink! wink!)


Naisip ko lang naman. Pero ang tunay na bumabagabag sa akin ay ang mga taong tinatawag na "FREE-LOADER". Sila yung mga taong nakiki-angkas lang sa grade. Tipong sa isang grupo, wala siyang gagawin kung hindi maging wallpaper o istatwa sa tabi. In other words, wala siyang itutulong sa inyo pero pareho kayo ng makukuhang grade kasi naka-angkas nga siya. HAAAAY. Sana naman matauhan at mag-transform yung mga ganung tao. Masyadong pa-importante eh. Mga tipong lima kayo sa grupo pero apat lang yung functional. :|

Saturday, November 12, 2011

Hindi ko alam kung maniniwala pa ako. Ilang beses na akong naniwala pero lahat ng iyon panget ang kinalabasan. Lahat kasi ng pinaniwalaan ko mali. Lahat ng mga iyon kasinungalingan. Pero sayo, may tiwala ako. Pero alam ko naman na lahat ng sinasabi mo ay biro lang. Alam ko naman na hinding-hindi manyayari ang sinasabi ng mga tao tungkol sa atin. Kung ano yung estado na dapat sa atin. At  kung ano yang sinasabi mo na "ligaw-ligaw". Ah ewaaaan. Buti sana kung wala sakin, kaso meron. At ayoko ng ganitong pakiramdam. :|

Eksena sa Beach


Malapit ng magtapos ang araw. Parang nasusunog ang mga ulap sa dahil sa nagtitingkaran na kulay. Dilaw at pula. Napakagandang pagmasdan. Pagod na pagod ako dahil outing ng buong barkada sa isang beach. Kaya lalong mas masarap ang pagtambay at ang panunuod ng paglubog ng araw. Medyo malamig na ang simoy ng hangin at nagsisimula na ring gumawa ng bonfire ang mga kasamahan ko para mamayang gabi. Habang nakaupo ako sa isang tabi, masayang pinagmamasdan ang mga ulap, ang mga alon, naramdaman ko ang isang kamay na nagtakip sa aking mukha.


"Sino ako?" tanong niya.


"Eh sino ka ba? Ulol." sagot kong pabiro. 


Habang tatawa-tawa, tinaggal niya ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa aking mukha. Siniko ko siya sa tagiliran at pabirong sinuntok sa braso. Yan ang nakuha niya sa pang-iistorbo sa aking munting "Me Time".


"Adik ka talaga." sigaw ko.


"Ikaw nga dyan eh! Anong ginagawa mo?" tanong niya.


"Wala, eto nakaupo. Dun ka na nga." pagtataboy ko.


"Edi doon." sabay tayo. Nagsimula siyang maglakad palayo sa akin.


"Hindi! Joke lang." sigaw ko habang tumatawa.


Lumapit siya ulit at umupo sa tabi ko. Lalong dumilim ang paligid. Lalong lumamig ang simoy ng hangin. Alam kong magiging mahaba ang gabing ito.


"Uy. balita ko may fiesta sa kabilang baryo ah." sabi niya na parang ang tono ay nang-tsitsismis.


"O talaga? Ano naman?" sagot ko.


"Wala lang, may fireworks daw mamaya. Nuod tayo."


"O sige ba! Game ako dyan!"


Isang oras na ang nakalipas pero wala pa ring kasawaan ang aming mga bibig sa pagdadaldalan. Pag-aasaran. Pagtsi-tsismisan. Hindi na namin namalayan ang oras at nagulat na lang kami ng tinawag kami ng aming mga kaibigan.


"Hoy kakain na! Kayo ah. Ayieee!" may halong pang-aasar na hindi ko naman maintindihan. Wala lang naman sakin. 


"O tara, kakain na daw." sabi niya habang tumatayo.


"O tara." sabi ko habang inaabot ang kamay niya para magpatulong na tumayo.


Masarap ang naging pagkain namin. Seafoods. Kamayan. Ang sarap ng ganitong buhay. Simple lang. Pagkatapos kumain, tumambay ang lahat sa bonfire. Usap-usap, kwentuhan, may halong inuman, at tugtugan.


Biglang sumigaw ang kaibigan ko, "Ayaaaan naaaaaa!"


Narinig ko ang putukan at nakita ko ang kalangitan. Fireworks. Hindi ko alam pero tuwing nakakakita ako ng mga ganito, napapangiti ako. Napapasaya ako. Tinignan ko siya at nginitian, tumayo na rin siya at tumabi sa akin. Habang nanunuod ng mga nagkikislapang pagsabog sa kalangitan, naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kamay ko. At narinig ang isang matamis na bulong na "I love you."


Isa lang yan sa mga eksena na gusto kong maranasan sa buhay ko. Mukhang imposibleng manyari, pero walang masama sa pag-iisip ng mga ganitong klaseng bagay. Kahit hindi totoo, at least kapag iniisip ko, kahit paano nagiging masaya ako. 

Thursday, November 10, 2011

11-11-11 Maaga pa naman



Alas nuebe ng umaga nang magising ako. Nagulat ako sa ate ko (kasama namin sa bahay) sa pinaggagagawa niya. Nagkikiskis siya ng pader. Bihira lang siya maglinis ng ganun. Hindi ko alam kung bakit, baka sinaniban ng espiritu ng kalinisan ngayong 11-11-11. Pagkabangon ko, diretso banyo para magmumug at maghilamos. Daan sa kusina, walang pagkain. Kinuha ko na lang ang juice na nasa ref pati na rin yung Marty’s chicharon sa cabinet. Yun ang umagahan ko.
Pagpasok ko sa kwarto, binuksan ko kaagad ang tv. Nakakaaliw lang manuod ng mga korning palabas tuwing umaga. Mga tagalized na bersyon ng kung anu-anong cartoons. Kahit korni, minsan natatawa pa rin ako. Siguro hindi ko matatanggal ang maliit na parte ng kamusmusan ko sa pagkatao ko. Lahat naman tayo may kabataan. Tawa ng unti. Makulit ang mga palabas, kailangan mong maging mababaw ng kaunti para makasabay ka sa kakornihan ng pinapanuod mo. Pero ayos nga yun eh, wala kang iisipin kundi ang manuod lang ng cartoons.
Tapos na. Nilipat ko ang channel nang mapunta ito sa isang palabas na ang usapin ay ang mga batang ama. May bago kasing teleserye na ipapalabas, yung Angelito. Mabigat na usapin pero ayos lang. Habang pinapanuod ko yung palabas, naiisip ko yung mga magiging anak ko. Masyado pang maaga pero inisip ko na kung ano yung mga bagay na gusto kong ituro sa kanila. Sa totoo lang, hindi pa nga sigurado kung makakapag-asawa ako pero gusto ko kasi talaga na maging maayos rin ang pagpapalaki ko sa kanila. 
Umaga pa lang ang dami ko nang iniisip. Pero hindi ko pa rin alam kung paano ko gagawing espesyal itong araw na ito. 11-11-11. Isang beses lang manyayari ito, sana maging makabuluhan.

Kung sino pa yung mga walang alam sila pa yung react ng react. Dapat kasi isipin munang mabuti kung ano ang tunay na kahulugan ng pinagsasabi ng "kalaban". Masyadong nagiging makitid ang utak kaya depensa ng depensa, wala naman natutunan. Malay mo yung sinasabi mong "kalaban" hindi pala talaga kaaway, malay mo siya pa yung mag-alis sa iyo dyan sa kamangmangan.

Tuesday, November 8, 2011

Limutin


Nakita ko na naman siya. Ang babaeng hinahangaan ko. Ang babaeng kinaiinisan ko. Ang babaeng mayroon ang lahat. Siguro inggit. Siguro selos. Alam ko matagal na iyon, pero ganito pa rin ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya.


Mahina, malungkot, panget, nagpipilit, wirdo, lahat na. Nakakapambaba na parang kailangan kong tumingala tuwing titignan ko siya. Malaking epekto ang nangyayari sa pagkatao ko sa kung anong nararamdaman ko sa presensiya niya. Sino ba siya? Ano ba siya?


Parang kapag tinignan ko siya, ang nakikita ko lang ay yung mga bagay na gusto ko na meron sa kanya. Yung mga nanyayari sa kanya na nais ko ring manyari sa akin. Inggit nga ba ito? Pwede. Selos? Wag naman sana. At hindi rin talaga selos ito dahil nakaraan na iyon na isinuka at pinagsisihan ko. Isang kagagahan..



Pero kahit na ganoon, hindi ako galit sa kanya. Sa katunayan, gusto ko rin siya. AMBIVALENCE. Gusto mo pero ayaw mo rin. Hindi makapag-desisyon kung sa pula ba ako, o sa puti.


Isa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit ako nagkakaganito dahil Naghihilom ang sugat, pero merong naiiwang peklat. Posibleng mapatawad at maging okay ang lahat pero imposibleng makalimot.


Sana makalimutan ko na lahat. Sana dumating yung oras na kaya ko ng talikuran ang lahat at hindi matakot na mawala ang mga bagay na wala naman talaga sa akin umpisa pa lang.

Monday, November 7, 2011


Nawawala pa rin ako sa ulirat. Ayoko pa talagang pumasok sa iskul. Pero syempre, wala naman akong magagawa. Hindi naman palaging ako ang masusunod. Minsan kailangan ko rin naman sumunod.

Umpisa pa lang ng araw, inaantok na ako. Pasado ala una na ako nakatulog kasi nasanay na yung katawan ko maging bampira. May pupuntahan din ako dapat na gig kagabi kaso cancelled sila. Ayos lang, tambay na lang.

Recitation agad. Isa-isa. KINESIOLOGY. Sa totoo lang masayadong tamad yung utak ko para mag-isip. Halatang nagla-lag pa. Ambagal. Parang puro kalawang na. Nagtanong yung teacher ko about sa Osteokinematics.

"Give me an example of a bony segment."

Ako: Ano ba yun? (Ang labo naman ng tanong. Pilit na nag-iisip.Parang ribs?)

Maya-maya may nagbigay ng sagot na "Elbow", inusisa. Hindi daw. Mali daw. More on Arthrokinematics daw yun. Maya-maya may nagbigay ng sagot na "Hand", natawa na lang yung prof ko. Maya-maya may nagbigay ng Femur. Ayun, tama na.

Dito lang ako natauhan. Punyeta. Bony Segment - Bone.

HAHAHAHHAA. Tulog pa ako. :P

Sunday, November 6, 2011


ALL PICTURES ARE TAKEN BY CEARA PABLO
EDITED BY VEA JALLORINA
New project coming soon. :)))

Tuesday, November 1, 2011

Kwentong Ka-echosan.


Nadedepress na talaga ako. Ahuhuhu. Joke lang. Paano ba naman kasi, nasagi ko na naman yung pader. Nakakainis naman kasi itong lugar namin ang sikip-sikip. Ang hirap-hirap mag-park. Nagagasgasan lang naman pero kahit na. Ano pa kaya ang posibleng manyari sa akin bago ako matuto mag-park ng matiwasay? Haaaay. (Hinga ng malalim.)

Ano pa ba mga nanyari sa akin? SA totoo lang puro gala lang ang ginawa ko. Eh kasi naman sinusulit ko na lang yung sembreak malapit na naman magpasukan kaya nade-depress ako lalo. Ayoko pa talaga pumasok. Kahit walang pera sige lang, at least hindi ka pagod. Hindi ka stress. Pero minsan kapag ganun kasi nakaka-bore din. Kaya nauuwi din sa lakwatsa.

Kahapon kasama ko yung tropa ko nagpunta kami ng Trinoma. Manunuod dapat kami ng Praybeyt Benjamin kaso tae talaga. (Ewan ko ba pag sa trinoma never pa talaga ako naging FULL TIME Happy.) Puno na naman. Kaya ayun, tumambay na lang sa starbucks hanggang sa malasing kami sa kape at mapagod ang lalamunan kaka-kwento.

Napatunayan ko sa sarili ko na mulat na talaga mata ko. Bukas na talaga isipan ko sa mga posibleng manyari dito sa mundong ibabaw. Hindi na bago eh, luma na. Sanay na. Oh well papel ganun talaga ang buhay. Just deal with it.