Palagi ko na lang nasasabi na hindi umiikot ang gulong ng buhay ko kapag walang nanyayari. Parang flat. Pero may naisip ako kaya siguro laging nanyayari yun.
Malamang isa ako sa mga ambisyosang kabataan na ang daming gustong gawin sa buhay. At para sa akin, dapat lahat ng iyon ay magawa ko. (Malamang, sino ba naman ang ayaw?) Ang kaso lang kasi, gusto kong gawin ng sabay-sabay. Eh sabi ng nanay ko, hindi daw pwede yun. Dapat makapag-focus muna ako sa pag-aaral para kapag nakapagtapos na ako, magagawa ko na yung gusto ko.
Pero naisip ko naman, kapag puro pag-aaral lang ang inatupag ko at hindi ko sinunod kung ano yung mga passion (naks gumaganun na ako ngayon.) ko sa buhay, parang masasayang yung kabataan ko. Syempre mas masaya kapag marami ka na naabot sa murang edad.
Sabi naman ng ate ko, mas sayang daw yung kabataan ko kapag hindi ako nakapag-focus ng maayos tapos hindi ko napagbuti yung pag-aaral ko kasi nga kung anu-ano pa yung inatupag ko. (O diba ang labo? Hindi ko na alam kung anong susundin ko.)
O baka naman kasi siguro ganun talaga. Hindi pwedeng pagsabayin lahat, kailangan meron ka munang isakripisyo para sa ikauunlad ng isa. Parang usapang boypren/girlpren/third party lang ano?
Anyway, ayun na nga. Naisip ko na baka siguro hindi umaandar yung gulong ko kasi sobrang magkalayo ng mga gusto ko.
Halimbawa, natutuwa ako sa mga teen photographers tapos sobrang galing nila tapos yung trabaho naman nila o kaya kurso na kinuha nila eh may kinalaman sa Arts. Minsan naman bilib na bilib ako sa mga laging perfect sa exams, yung mga determinado talagang makapagtapos. (Syempre lalo na kapag magdo-doktor.)
Eh ang sa akin naman, anong kinalaman ng banda, modelling, photography sa pagdo-doktor at pagpi-physiotherapist? Medyo malayo diba? Kumbaga kapag ginawa mo siyang vectors, yung isa papunta sa right tapos yung isa papunta sa left. O kaya naman kapag kinumpra mo siya sa cartesian plane, yung isa papunta sa positive tapos yung isa papunta sa negative. Edi syempre anong displacement nun? Anong kalalabasan nun? Edi Zero.
Hay nako. Ewan ko ba kung ano na naiisip ko. Basta bahala na siguro si Batman. Go lang ng Go hangga't makakaya.

2 comments:
magpa-agos ka lang sa daloy ng buhay wag kang mainip dapat pagtuunan mo muna kung anong meron ka ngayon dahil magiging pundasyon mo yan sa hinaharap.
Parang gulong yung post mo. Nakakahilo. Haha.
Pero kung ako sa'yo, pumili ka na ng gusto mong gawin. Sayang oras. Mas magandang umiikot ang gulong na may pupuntahan, kesa flat ito at nakahandusay sa kawalan.
XD
Post a Comment