Yan ang laman ng wallet ko ngayon. Zero. Itlog. Wala.
Wala na akong pera. Hindi ako nakapag-ipon nung mga araw pa ng pasukan kaya naman eto ako ngayon, namumulubi. Pero syempre, sabi nga nila, lahat ng problema may solusyon. Kagaya ng mga sikat na fashion bloggers, kunwari may bumabasa rin ng napaka-interesanteng plano ko. :D
Part 1: The Ukay Shop
Gusto ko sana mag-organize ng isang garage sale or ukay-ukay. Tutal hindi naman lahat ng damit at gamit ko nagagamit ko talaga, kaya ibenta na lang sa murang halaga. Lahat pwede sumali! I-invite ko yung mga friends ko or maski kayo kung gusto ninyo. Magbenta tayo ng mga mura at bagsak presyo. Pramis gagana ito. Nag-ganito na kasi ako nung grade 3 ako sa tapat ng bahay namin, nakabili ako ng school bag na Barbie. Syempre siguro naman mas matanda na ako ngayon, mas magiging okay ang labas nito. Ang main concern ko lang kung saan. Mas maganda kasi kung daanan ng tao para mas madaming makakita at makabili.
Part 2: Bili na ng balls!
Syempre kapag naka-ipon na ako ng pera na galing sa ukay shop, bibili ako ng mga pagkain na patok sa hapon! Malamang maraming batang gutom dahil sa paglalaro nila sa kalsada kaya gusto ko magbenta ng mga balls. Fishballs, squidballs, chicken balls, pati mga fruit shake. Balak ko rin pala magtinda ng icecandy. Ajeje.
Sana talaga magawa ko itong plano ko. Last summer ko na ito kaya susulitin ko talaga. Lahat ng pwedeng gawin, hangga't maari gagawin ko. Sana talaga. Mas madali kasing isipin at sabihin kesa sa mismong actual na gawain.
Pero kaya ko yan! (Oo dapat paulit-ulit para maniwala ako sa sarili ko na kaya ko ito.)
2 comments:
Go for it! Magandang plano iyan para you can make most of your summer. hindi lang yung BUM buong araw.. sana magawa mo ito. Good luck!
I hope you could visit my blog too!
www.insomeonesshoes.blogspot.com Thanks!
Thanks! :D
Post a Comment