Halloween Party @ Cubao Expo
Tomorrow, October 29, 2011
Thursday, October 27, 2011
Eh Nakakaloka.
Oo nakuha ko na ang lisensya ko. Sobrang saya pero hindi rin kasi takot pa ako magmaneho ng mag-isa. Tapos wala pa akong kaalam-alam sa mga kalye-kalye. Mas magaling kasi akong pasahero kesa taga-maneho.
Naalala ko nung sobrang excited ako mag-drive. Kakatapos ko lang ng lessons nun, kahit wala pa akong lisensya nagmamaneho na ako sa may bandang amin. Eh masikip lang yung garahe, hindi ko mapasok yung kotse. Hindi ko pa kasi alam at hindi naman ako sanay dahil first time na walang instructor. First time din na walang kasama na marunong magmaneho. Runung-runungan ako. Kunwari magaling. Pagdating ng pag-garahe sa bahay, wala na. Deds.
E nakakahiya yung nanay ko, todo panic. Todo sigaw. Sobrang nakakahiya sa mga kapitbahay akala nagwawala nanay ko. “HOY CEARA! AYUSIN MO! Antanga-tanga mo!” Nakakaloka talaga. Mga salitang walang laman, dala lang ng pagpapanic. Malamang ako rin nagpanic, ayun nabunggo ko tuloy yung sasakyan namin. (Pero wala namang malaking damage Hahaha. ) Buti na lang yung kapitbahay namin tsismoso, nakialam. Ayun, siya na nag-garahe.
Akala ko yun na yung intense, meron pa pala kanina. Syempre medyo mayabang na ako, lisensyado na eh. Pagdating sa UPHILL parking ng SM Cubao. PUNYETA! Namatayan ako ng makina. At ang potek na makina, ayaw mag-start. Nagpanic na naman ako. AHAHAHAHA! Tae lang. Paano ba naman kasi, hanging tapos umaatras yung kotse patalikod. Tapos may mga kotse pa sa likod na hindi makahintay, BEEP BEEP ng BEEP BEEP. Nakakaloka. Nagpanic lang talaga ako. Akala ko pag tutulakin ko yung nanay ko sa likod eh. Salamat naman at nag-start. Tapos ayun gumana naman, pero mabilis na takbo pero mas okay na keso mag-stop sa gitna. HAAAAY.
Alam ko wala kang naintindihan, ang gulo ko kasi magkwento. AHAHAHA. Pero next time gagalingan ko na talaga. TAE LANG. :P
Tuesday, October 25, 2011
GOOOOD MORNING!
Ang aga-aga ang saya-saya. Hindi naman kasing saya ng commercial ng nescafe na may kasama pa talaga production number ng mga siga sa kalye at may kasama pang pa-buhat-buhat. Saktong saya lang. Masaya lang kasi naiisip ko na yung mga pwedeng manyari sa isang project na sisimulan namin ng kaibigan ko.
Sana maging successful kami dito. Hindi naman to big deal or what, pero isa lang kasi ito sa mga hilig namin gawin. Kumbaga for fun lang talaga pero parang may patutunguhan. Baka i-launch sa November. Ahihihihi. Nae-excite naman ako, nakakatae tuloy! Hahahaha. Biro lang. Pero sa totoo lang, isa ito sa mga pangarap ko. Alam ko naman na hindi gagalaw ang pangarap para magkatotoo, dapat sinisimulan ito sa sarili at may kasamang pagsisikap. Hay! Sana talaga magawa namin ng tamaaa.
ABANGAN. :)))
Monday, October 24, 2011
Paano ka maniniwala sa isang taong iba ang sinasabi sa ginagawa?
Ang hirap diba?
Iba yung naririnig mo sa nakikita mo. Iba yung sinasabi niya sa gusto niyang manyari. Siguro kapraningan lang ang lahat ng ito, pero hindi naman ako siguro makakaisip ng kung anu-ano kung hindi ko nararamdaman ito.
Ang labo. Haaay.
Ito na lang, sabi ni Father, ang salitang LOVE ay ACTION WORD.
Hindi emosyon. Ibig sabihin gumagalaw, umuusad, at pinaparamdam.

Labels:
complicated,
echoserangbata,
life buhay,
love,
pag-ibig
Friday, October 21, 2011
Make it Quick.
(Ang istorya sa ibaba ay isang Kathang Isip lamang.)
Madami ang tao. Maingay ang paligid. Yumayanig. Madilim. Mausok. Patay sindi ang makukulay na ilaw. Nakakahilo rin pala minsan sa ganitong lugar. Masarap. Mainit. Nag-iinit.
Mahaba pa ang gabi pero ayaw pang tumigil ng katawan ko sa pag-indak. Sayaw dito, sayaw doon. Tinanggal ko ang sapatos kong may 4 na pulgadang takong. Habang nakatungtung sa ibabaw ng upuan, walang sawa sa pagsasayaw, napansin ko ang isang lalaking kanina pa nakatitig sa aking bawat galaw.
Matangkad. Maputi. Unat at itim ang buhok. May hawak na bote ng Red Horse at nakakagat ang labi. Tinignan ko siya at binigyan ng matamis na ngiti pero mabilisan ko ring inilipat ang aking paningin. Bilang. Magbilang. Isa, dalawa, tatlo…
Nakatitig pa rin siya sa akin. Lalo kong ginalingan ang pagsayaw. Ang pag-giling ng aking katawan. Alam kong ilang segundo na lang ay lalapit na siya sa akin. Tinitigan ko siya, habang nagsasayaw na parang isang ahas. Matindi.
Hindi nga ako nagkamali. Lumapit siya, pinapasuot ang sapatos ko para makasayaw ko siya.
“Hey what’s your name?” Tanong niya sa akin habang pumupulupot ang kamay niya sa aking bewang.
“I’m Benj. You?” sagot ko naman. Hindi tumitigil sa paggalaw.
“Hi! I’m Rob. Can I ride you home?” tanong niya. Malikot ang kamay niya, pero wala akong pakialam. Tugtug at sayaw lang ang tanging nasa isipan ko.
“Ikaw ha. Alam ko kung anong gusto mo. May mga kasabay ako pauwi eh.” Sabay tawa.
“O sige nga, ano gusto ko?” tanong niya na akala mo ay isang inosenteng bata.
“Secret. Basta akong bahala sayo. Tara let’s dance.” na may kasamang pilyang ngiti.
Sinayawan ko siya. Alam ko naman talaga kung ano ang gusto niya at hindi ko ipagkakait sa kanya iyon. Inilagay ko ang hita ko sa pagitan ng mga hita niya. Giling. Giling. Kembot. Agad naman niyang nakuha ang naiisip ko. Inipit niya doon ang hita ko at sinayaw-sayaw ako. Sinadya kong itama iyon sa isang bagay na posibleng maging matigas anumang oras. Ayan, nararamdaman ko na.
Nagulat ako ng maramdaman ko ang mga kamay niyang bumababa sa may bandang likuran. Sige lang tuloy ang sayaw. Pero natigilan ako ng maramdaman kong gumapang ang mga iyon sa may bandang unahan.
“Ay wag dyan.” Sabay hawak sa mga kamay niya.
“O bakit ka umiwas?”
“Wala lang.” Sabay sayaw ulit. Isang sayaw na punong-puno ng kasalanan.
Pinisil niya ang dapat mapisil sa bandang likuran.
“O bakit doon hindi ka umiwas?”
“Wala lang.”

Kunwari Madami Akong Alam
Nakita ko lang yan habang naghahalungkat sa messages ko sa facebook. September 9 pa yan. Medyo matagal na pala pero ngayon ko lang na-diskubre. Tungkol sa isang kaibigan ko na hindi ko alam kung ano ba ang ginawa.
Nakakatakot yung mga ganitong komento. Sa totoo lang, dito pa nga lang sa tumblr, madaming ganitong klaseng tao. Mahilig mam-bully, mahilig mamahiya at mambastos. Hindi ipinapakita ang mukha pero napakalakas ng loob makipag-away.
Totoo nga na masaya mang-trip dito sa internet, pero sana puro goodvibes lang. Walang dugo, walang pasa, pero matindi ang epekto nito, parang pinatay mo na rin ang isang tao.
Wednesday, October 19, 2011
Nakakatuwa yung mga taong sobrang guilty na feeling nila napakalaki ng kasalanan nila sayo, kahit ano kasing sabihin mo sinusunod. :D
Wala lang yang title ko. Pero yan din naman naramdaman ko kanina. Anyway hindi naman talaga yun yung idadaldal ko. Wala lang, gusto ko lang magkwento. Parang RF na rin. Sa tingin ko nga, nagiging diary ko na ito. :))
Kanina kasi nakapanuod ako ng isang video sa youtube. Hindi ako ang nakahanap nun, binigay lang nung kaibigan ko yung link. Ako naman si nood, sige lang. Nakita ko tungkol pala iyon sa isang magkarelasyon na sini-celebrate ang kanilang first year anniversary. Mukhang mas bata pa sa akin pero ayos lang, age doesn't matter nga daw.
Malamang hindi magiging perfect ang surprise na iyon kagaya ng mga napapanuod sa tv na merong special effects. Magpakatotoong tao naman tayo, hindi lahat ng lalaki ay may budget para sa mga surprise-surprise na yan. (Pero syempre kapag mas malaki yung budget niya, mas bongga pa sana.) Pero at least siya, talagang nag-effort. Talagang tinawag pa niya yung mga kaibigan niya para kantahan at gumawa ng kung ano-ano para sa girllet niya.
Wala lang.. Ang sinasabi ko lang sobrang nakakatuwa yung mga lalaking ganun. Mga lalaking mae-effort ng sobra. Ang swerte ng mga babaeng nakakahanap ng mga ganung klase, kase kumbaga sa hayop, endangered species na. Unti na lang kasi yung mga lalaking mae-effort ngayon. Halos lahat na lang gusto mabilisan. Hindi marunong maghirap, kapag hindi mo pinagbigyan, aalis at susuko na agad.
Yung iba naman, gastos ng gastos. Bili ng ganyan, bili ng ganun. Okay rin naman yung ganun, kaso minsan hindi naman sa materyal na bagay palagi idinadaan ang lahat. Kailangan lang talaga ng pambihirang effort at concern para mapa-oo mo ang babae.
Infairness. Nainggit ako sa video. Pero buti na lang meron akong mga kaibigan para gawan din ako ng effort kagaya nito. Kinilig ako. <33
Tuesday, October 18, 2011
Hindi ko alam...
Matagal na simula nungg matapos ang lahat ng kagaguhan ko na kasama siya. Sa totoo nga lang, hindi ko naman siya ka-relasyon. Kalandian lang at alam ko naman na hindi niya talaga ako mahal nung mga panahon na iyon. Gusto, oo. Libog, oo. Ma-swerte na lang ako na hindi ko pinahintulutan ang mga bagay na pwedeng manyari samin nun nung tatanga-tanga pa ako. At lalong masaya ako na tapos na ang lahat ng katangahan at lahat ng bulag-bulagan.
Pero ngayon, pagpunta ko sa isang social networking site..
BLAHBLAH is in a relationship with BLAHBLAHBLAH.
Ewan ko kung anong nanyari pero nalungkot ako. Siguro naalala ko lang yung dati. Naisip ko kasi na napag-iwanan na ako. Pero bata pa naman ako kaya malayong manyari yun. Sadyang napapaisip lang ako kung meron nga bang tao na para sa akin, kung mahahanap ko siya. Matagal pa naman bago manyari yun, pero naiisip ko lang talaga.

Monday, October 17, 2011
Laitan Mondays: Don't Talk to Strangers
Naalala ko pala kahapon, mukang tanga lang. Naglalakad ako papuntang mrt nang biglang may lumapit sa aking manong.
"Miss saan ang work mo?" tanong niya.
"Ah hindi po, pumapasok pa po ako." sagot ko naman, medyo magalang.
"Kahit linggo?" tanong niya ulit.
" Ah hindi po. Wala na po kaming pasok."
"Ah ganun ba? Miss pwede makuha number mo?" tanong niya sa akin.
Syempre natawa ako. Di ko na napigilan.
"Eto naman si kuya oh, nakakaloka." natatawang sabi ko.
"Ang ganda mo kasi miss eh, ano pwede makuha?"
"Hay nako manong, hindi! Hahahaha! Dun ka na nga, nakakaloka." sabi ko habang nakakatawa.
Sa totoo lang, dapat umpisa pa lang hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala. Eh malay ko ba kung magtatanong lang kung saan ang sakayan sa ganito ganyan. Kuya talaga, mukha ka pa namang pawis na gummy bear pero hindi rin, di ka rin kasi mukhang yummy. HAHAHA.
ANSABE KO naman diba? Bata pa po ako. Tatay na kita eh. Hahahhaha.

Sunday, October 16, 2011
First Studio Photoshoot Experience :D
Dumadami ang perstaym ko sa buhay. Siguro ilang first time na lang ang dapat kong maranasan. Charooot. HAHAHAHA. Anyway, kanina lumabas na naman ang pagka-ambisyosa ko. Nagpunta ulit ako sa mga modelling cheverloooo.
Naiisip ko nga mahiwaga siguro talaga ang mundong internet dahil marami na talaga akong nakikilalang kaibigan dito na nagiging kaibigan ko sa totoong buhay. Nakilala ko si Keiann sa facebook. Pareho kasi kaming kinontak nung chever sa Go-see. So sabay kaming nagpunta. Pagdating dun sa studio, nawindang naman ako dahil meron palang photoshoot na nanyayari.
Medyo matagal din kaming nag-hintay bago ang screening. AS IN MATAGAL. Pero ayos lang, nag-enjoy naman ako makita na may mine-make-up-an, may pinipiktyuran, may nagpo-pose sa salamin, atbp.
Dumating yung magscreen samin. Pinalakad kami habang nakatakong. Nakooo naman. Hindi talaga ako marunong maglakad kapag may heels. Hindi naman kasi ako chix na babaeng-babae. Sa katunayan, boy ako. Oo, boy. Hahahaha.
Syempre ang comment, FAIL. Hahaha. Needs more improvement. Akala ko uwian na, pero bigla na lang sabi niya.. " O magbihis na kayo." Grabehan lang, yung suot ko akala mo kasama sa temptation island. Gulagulanit. Akala ko naman kasi ekekekan lang. Eh yung iba, nakaporma pala. K...
So ayun, nagpiktyur. Naghintay. Tumawa. Nakipagkilala. Nakipagkwentuhan. Natatakot pa ako sa photographer kasi first time ever ko talaga ito sa studio na may mga kasamang nagmo-model talaga. At first time ko rin magpiktyur na may nag-ayos sa akin na make-up artist. Sorry ignorante. :P
PAHINGI naman ako ng likes. HAHAHAHA. Kdot.
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=161819630578766&set=a.158713064222756.36441.138011319626264&type=3
Friday, October 14, 2011
Echoserangbata Video Blog Episode 3: Bampira sa Gabi
Magpa-sexy na kaya ako? NOT.
Bakit paulit-ulit na lang akong naloloka? Isang patunay ba ito na ako ay isang loka-loka? Well, ang totoo niyan hindi naman talaga tanong yun. Isang rhetorical question naman iyon. Dahil loka-loka naman talaga ako. Pero hindi yan ang punto ko..
Kaya ako naloka kasi may mga kaganapan sa buhay ko na hindi ko naman inaakala. Alam naman nating lahat dito na isa akong ambisyosang feelingera pagdating sa mga model-model na ganyan.
Meron akong isang kaibigan na nakilala ko screening. Sa totoo lang, hindi pa kami nagkikita. Sa internet at sa facebook lang kami magkaibigan. Maganda siya. Matangkad. Flat Abs. Straight hair. As in. Nakakapang-liit pero hindi ko naramdaman yun kahit maliit naman talaga ako dahil napakabait niya. Sinama niya ako sa isang screening para sa event, at dahil bored ako sa buhay sembreak(pero mas masaya na to kesa sa busy sa iskwela) sumama naman ako ng walang tanong-tanong.
Pagdating dun, nagulat ako. Isa pala itong event ng isang Men's magazine. HAHAHAHAHAHA! Nakakatawa diba? Kasi hindi naman ako fit at lalong hindi naman ako sexy. Pwedeng patawa pa ulit ng isang round? HAHAHAHAAHAAA! Teka, baka mapagkamalan mo itong sarkasmo. Hindi ah, literal na tawa to! Plano ko sanang mag-back out kaso nahihiya naman ako sa kaibigan ko pati na rin sa mga tao na andun. Nakuha na kasi yung litrato namin. Alangan naman na bawiin ko pa lahat.
Anyway, highway, broadway, ayun na nga. Binigyan nila ako ng application form. "Model's info" ang nakalagay. Unang kita ko pa lang.. Nakita ko kaagad ang mahiwagang "VITAL STATISTICS". HAHAHAHAHAH. Patawa ulit.
May issue ako sa ganyan kasi alam kong hindi ako sexy. Sakto lang ako sa boobs pati sa hips. Bewang ang problema ko.
"36- _____ - 36" Hulaan niiyo nalang ang bewang ko. (Hint: malapit lang siya dyan.)
Tawa na ako ng tawa nung sinusulat ko iyon. Nagtataka na nga yung kasama ko kung bakit ako nababaliw mag-isa. Maya-may tinawag kami para sa interview. Ayos naman. Sabi pa nga sa akin nung nag-interview, magpapayat daw ako ng konti para sa next event sa December. ASA NAMAN! :P
Pero wala akong pake kung pumasok o hindi, basta ang sa akin nag-enjoy ako sa panibagong experience.

Thursday, October 13, 2011
Dragon Pruuut: So Amazing Ebs
Paalala: Kung mahina ang sikmura mo sa mga nakakadiring bagay, malamang wag mo na ituloy ito at baka masukahan mo pa ang monitor.
Isa sa mga pinaka-masarap na pakiramdam ay ang pag-release. Sabi nga ng kaibigan ko, “Ang sarap tumae.” Ang sarap ng tae. Kumbaga yung pakiramdam na inilabas mo ang sama ng loob mo ng buong-buo at walang putol. Yung ginhawa kapag nailabas mo kung ano ang dahilan ng paghilab ng iyong tyan. Ahhh sarap.
Nagulat ako nang makita ko kung ano ang nasa inidoro. Hindi ko matanto kung bakit ganoon ang itsura ng Ebs. So amazing. Hindi ko akalain na posibleng maging ganoon ang itsura. Parang dalmatian. May batik-batik na itim.
Habang pinagmamasdan ang “So Amazing Ebs” made by me, inisip kong mabuti ang mga kinain ko para magkaganoon. Kanin, Tapa, Maraming itlog, Chicken Tocino, Mr. Chips, Bangus na daing, isang Choco Mucho, isang buong bar ng Cadbury, Ilang gulay, ilang pirasong lanzones, Mechado, Tapsilog ulit, at tapsilog ulit. Pero meron akong naalala na isang pagkain na kamukha ng aking “So amazing Ebs Masterpiece.”
At yun ay ang Dragon fruit! Sa wakas, alam ko na kung ano ang dahilan ng isang phenomenon. Pwede pa pala akong gumawa ng iba pang-shape ng “So Amazing Ebs”. Ikaw rin, pwede kang maka-gawa. Kaya punta na sa suking tindahan at bumili ng dragong fruit. Try na!
Ps: Dapat ay isang buong dragon fruit ang kakainin para mas epektibo ang dating.
Wednesday, October 12, 2011
Suntok sa Lungs
Sobrang nalulungkot na ako. Hindi ko alam kung tama ba itong reaksyon ko sa nanyari, parang mas apektado pa ako sa mga taong totoong involved. Sa totoo lang, hindi lang ako malungkot. Naiiyak na talaga ako. Ang hirap magpaalam sa mga taong napaka-importante sayo. Ayokong isipin na manyayari to, pero wala. Nanyari na rin. Wala naman akong magagawa. Wala rin silang magagawa. Ang tanging posibleng manyari na lang ay pagtibayin namin ang relasyon ng bawat isa. Pero paano manyayari yun? Posible pa kaya yun kung minsan-minsan na lang kami magkikita? :((
Sabi ng kaibigan ko, may linya sa gitna ng pagka-miss at sa paglimot. Ayokong mapunta ang lahat sa kalimutan. Pero paano kung sa parte ko hindi lumalagpas sa linya ng pagka-miss, pero paano kung sila oo? Ang sama talaga ng loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito yung nanyayari. Pakiramdam ko inagawan ko. Pakiramdam ko, iiwan ako. At pakiramdam ko, mag-isa na lang ako. Pinagdadasal ko bago matulog na sana hindi manyari ito. Pero nanyari pa rin. Ayokong magkahiwalay kami.
Kung sino pa yung mahalaga, siya pa yung mawawala. Kung sino pa yung kailangan mo, siya pa yung maglalaho. Kung sino pa yung gusto mong makasama ng pang-matagalan, siya pa yung aalis. Alam kong walang may gusto nito, sadyang tinadyakan lang kami ng tadhana. Sinipa-sipa ng kanya-kanyang kapalaran.

Tuesday, October 11, 2011
Naloloka ako sa mga Call center agents na tawag ng tawag dito sa bahay para maningil ng utang.
Ganito kasi yun..
Maliit lang naman ang bahay namin. Pero dahil mas maliit ang pamilya namin kaysa sa bahay namin, nagkaroon kami ng boarders. Isa sa dalawa naming boarders dati, ay naninirahan pa rin dito. Pero yung isang boarder namin na napaka-gaga ay wala na.
Hindi ko rin alam kung paano niya nagawa ang lahat ng iyon pero malaki kasi ang pagkaka-utang niya sa mga bangko. Madami siyang credit cards at ginamit niya iyon ng ginamit. As in want to sawa. Unlimited pero limited din pala. Kumbaga pina-abot niya ng maximum ang utang niya sa mga credit cards.
Pagkatapos noon ay umalis na siya dito. Sa totoo lang, may utang pa siyang 2k dito pero di bale na.
Sa madaling salita, tinakasan niya lahat ng utang niya. As in wala siyang balak magbayad. Nagpalit din siya ng opisina na pinapasukan. Bongga teh. Pero masamang gawain.
… Kaya ayun, kahit mahigit limang taon na siyang wala dito, todo tawag pa rin dito sa bahay namin yung mga tinakbuhan niya ng utang.
Kaya ko nasabing nakakaloka ang mga taga-call center na tumatawag dito dahil sa dami na ng experience namin sa kanila. As in tawag talaga sila ng tawag kahit ilang beses namin sabihin na wala dito ang hinahanap nila.
Nakakaloka nung minsan, nag-panic attack yung tatay ko. Paano ba naman kasi? Binalaan ng agent na yun yung tatay ko na kukunin daw nila lahat ng gamit dito sa bahay. Tapos ipapakandado itong bahay. Eh alpha kafal the fes naman. Ang lakas manakot. Pero inferneeesss, gumana sa tatay ko. Talagang tumawag siya sa brgy. Tapos pinauwi niya yung nanay at isa pa namin boarder dito sa bahay kasi daw “kukunin na yung bahay” namin. Natatawa na lang ako.
Isa pang nakakaloka na experience eh yung kanina. Napaka-taray! Nakakaloka. Ako mismo ang nakipag-usap at nung hindi na kinaya ng super powers ko ay ibinigay ko na sa ate ko.
Agent: Hello, andyan ba si Chris?
Ako: Sino po sila? Ay wala pong nakatira dito sa bahay na ganyan.
Agent: E tama naman itong number na tinatawagan ko ah.
Ako: Eh wala nga pong nakatira na ganyan dito.
Agent: Ah talaga? E ang galing naman! Paano nakuha yung number niyo dyan?
Ako: Eh malay ko po ba. Bat sa akin niyo itinatanong?
Agent: E paano niya nahulaan yung number niyo kung ganoon? Ito kasi yung binigay niya.
(insert paulit-ulit monologue ng agent tungkol sa kung papaano nakuha yung number.) Hindi ko kinaya, unli ata si Ate at hindi makuntento na WALA dito ang hinahanap niya. Binigay ko sa ate ko.
Ate: Hello sino po sila?
Agent: Andyan ba si Chris?
Ako: Potek, paulit-ulit sinabi ko na nga na wala. (Kay ate)
Ate: Ay walang ganito. Sa iba na lang kayo maghanap. Lagi na lang hinahanap yan dito eh hindi naman namin yan kilala.
Agent: Gaano katagal na ba yang bahay niyo?
Ate: Mga 1960s pa.
Agent: Ahhhhhhhhhhh. Wow. Ang galing naman ang tagal na pala ng pldt niyo kung nung 1960s pa. Bat hanggang ngayon buhay pa rin?
Ate: Ah, yung bahay kasi yung tinutukoy ko diba? Akala ko naman matalino ka. Yung bahay yung tinatanong mo eh.
Agent: Ano?!
Ate: Wala. Sabi ko walang nakatirang ganyan dito. Sa iba na lang kayo nmaghanap kasi wala naman ganyan dito. Subukan niyo hanapin sa opisina niya, malay mo.
Agent: Eh parang mas magaling ka pa sa akin ah, ikaw na lang kaya dito?
Ate: Ayoko nga.
Agent: E bakit ayaw mo?
TAS PARANG AKO… WHAT THE FUCK. Tumawag ba siya para makipag-away? Nakakapang-init ng mani! D:<
Saturday, October 8, 2011
Natatawa lang ako kanina habang kausap ko yung kaibigan ko sa text. Sobrang gaguhan.
Ako: O kain na ulit! Hahaha!
Siya: E busog pa ako, kakatapos ko lang mag-lunch.
Ako: E bakit ako?
Siya: Hala! Baka buntis ka!
Ako: Oo nga. Hala. Pakiramdam ko buntis din ako. Isang buwan na akong delayed.
Siya: Hala ka! Lagooooooot!
Ako: Hala talaga. Baka nagdadalang tae na ako. Hahahah!
Siya: Eh kelan ang ka-bwanan ng tae mo?
—Ang tae lang. Hahahaha!
TAPOS NA.
Tapos na ang exams. Tapos na ang hellweek. Pero hindi pa tapos ang kaba ko. Hindi ko pa rin kasi nakukuha kung ano ang resulta. Kamusta na ang lahat? Ako ayos naman. Ang sarap matulog. Ang sarap manuod ng pelikula habang nakahiga sa kamang maraming unan. Sabayan mo pa ng lamig ng aircon at makapal na kumot.
Labels:
blogger,
blogs,
buhay,
echos,
echoserang bata,
experiences,
life
Saturday, October 1, 2011
Sasabihin ko lang ulit na lahat ng tao pantay-pantay. Baka kasi nalilmutan ng iba, at nagiging mas mataas ang tingin nila sa kanilang sarili kaysa sa kanilang kapwa. Hindi pwede yun, ang tae ng mayaman, tae rin ng mahirap. Walang pinagkaiba yun. Pareho pa ring tae.
Pa-rant lang. Kung ayaw mo makinig, itigil mo na ito. Hahahaha.
Kanina kasi, nagkakagulo. Alam naman nating lahat na panahon na ng finals. Meron akong isang subject na sobrang kailangan ng oras para mag-aral. Anatomy laboratory. Iisa lang ang lab ng mga estudyanteng Medicine at Rehab Sciences. Galing ako sa Rehab Sciences (PT). Hindi ko alam kung bakit hindi kami pwedeng mag-aral ng mga cadaver. Pero ang Medicine pwede.
Kung tutuusin, pareho lang naman may practical exams. Magkaiba naman yung cadaver na gagamitin. May sarili silang patay, may sarili rin kaming patay. Hindi naman namin gagalawin kung ano yung kanila. Kailangan lang talaga namin mag-aral. Pero bakit ganon? Ayaw nila kami papasukin sa loob ng lab. Bawal daw. Med lang pwede. Anong dahilan ng pag-iinarteng iyon? Nagbabayad din naman kami. May exams din naman kami. Hindi porket magdo-doktor sila tapos kami magpi-pt lang, ganun na agad.
Minsan talaga...

Subscribe to:
Posts (Atom)