Wednesday, October 12, 2011

Suntok sa Lungs


Sobrang nalulungkot na ako. Hindi ko alam kung tama ba itong reaksyon ko sa nanyari, parang mas apektado pa ako sa mga taong totoong involved. Sa totoo lang, hindi lang ako malungkot. Naiiyak na talaga ako. Ang hirap magpaalam sa mga taong napaka-importante sayo. Ayokong isipin na manyayari to, pero wala. Nanyari na rin. Wala naman akong magagawa. Wala rin silang magagawa. Ang tanging posibleng manyari na lang ay pagtibayin namin ang relasyon ng bawat isa. Pero paano manyayari yun? Posible pa kaya yun kung minsan-minsan na lang kami magkikita? :((

Sabi ng kaibigan ko, may linya sa gitna ng pagka-miss at sa paglimot. Ayokong mapunta ang lahat sa kalimutan. Pero paano kung sa parte ko hindi lumalagpas sa linya ng pagka-miss, pero paano kung sila oo? Ang sama talaga ng loob ko.  Hindi ko maintindihan kung bakit ganito yung nanyayari. Pakiramdam ko inagawan ko. Pakiramdam ko, iiwan ako. At pakiramdam ko, mag-isa na lang ako. Pinagdadasal ko bago matulog na sana hindi manyari ito. Pero nanyari pa rin. Ayokong magkahiwalay kami.

Kung sino pa yung mahalaga, siya pa yung mawawala. Kung sino pa yung kailangan mo, siya pa yung maglalaho. Kung sino pa yung gusto mong makasama ng pang-matagalan, siya pa yung aalis. Alam kong walang may gusto nito, sadyang tinadyakan lang kami ng tadhana. Sinipa-sipa ng kanya-kanyang kapalaran.

No comments: