Eh Nakakaloka.
Oo nakuha ko na ang lisensya ko. Sobrang saya pero hindi rin kasi takot pa ako magmaneho ng mag-isa. Tapos wala pa akong kaalam-alam sa mga kalye-kalye. Mas magaling kasi akong pasahero kesa taga-maneho.
Naalala ko nung sobrang excited ako mag-drive. Kakatapos ko lang ng lessons nun, kahit wala pa akong lisensya nagmamaneho na ako sa may bandang amin. Eh masikip lang yung garahe, hindi ko mapasok yung kotse. Hindi ko pa kasi alam at hindi naman ako sanay dahil first time na walang instructor. First time din na walang kasama na marunong magmaneho. Runung-runungan ako. Kunwari magaling. Pagdating ng pag-garahe sa bahay, wala na. Deds.
E nakakahiya yung nanay ko, todo panic. Todo sigaw. Sobrang nakakahiya sa mga kapitbahay akala nagwawala nanay ko. “HOY CEARA! AYUSIN MO! Antanga-tanga mo!” Nakakaloka talaga. Mga salitang walang laman, dala lang ng pagpapanic. Malamang ako rin nagpanic, ayun nabunggo ko tuloy yung sasakyan namin. (Pero wala namang malaking damage Hahaha. ) Buti na lang yung kapitbahay namin tsismoso, nakialam. Ayun, siya na nag-garahe.
Akala ko yun na yung intense, meron pa pala kanina. Syempre medyo mayabang na ako, lisensyado na eh. Pagdating sa UPHILL parking ng SM Cubao. PUNYETA! Namatayan ako ng makina. At ang potek na makina, ayaw mag-start. Nagpanic na naman ako. AHAHAHAHA! Tae lang. Paano ba naman kasi, hanging tapos umaatras yung kotse patalikod. Tapos may mga kotse pa sa likod na hindi makahintay, BEEP BEEP ng BEEP BEEP. Nakakaloka. Nagpanic lang talaga ako. Akala ko pag tutulakin ko yung nanay ko sa likod eh. Salamat naman at nag-start. Tapos ayun gumana naman, pero mabilis na takbo pero mas okay na keso mag-stop sa gitna. HAAAAY.
Alam ko wala kang naintindihan, ang gulo ko kasi magkwento. AHAHAHA. Pero next time gagalingan ko na talaga. TAE LANG. :P
No comments:
Post a Comment