Friday, October 21, 2011

Make it Quick.

(Ang istorya sa ibaba ay isang Kathang Isip lamang.)

Madami ang tao. Maingay ang paligid. Yumayanig. Madilim. Mausok. Patay sindi ang makukulay na ilaw. Nakakahilo rin pala minsan sa ganitong lugar. Masarap. Mainit. Nag-iinit.


Mahaba pa ang gabi pero ayaw pang tumigil ng katawan ko sa pag-indak. Sayaw dito, sayaw doon. Tinanggal ko ang sapatos kong may 4 na pulgadang takong. Habang nakatungtung sa ibabaw ng upuan, walang sawa sa pagsasayaw, napansin ko ang isang lalaking kanina pa nakatitig sa aking bawat galaw.


Matangkad. Maputi. Unat at itim ang buhok. May hawak na bote ng Red Horse at nakakagat ang labi. Tinignan ko siya at binigyan ng matamis na ngiti pero mabilisan ko ring inilipat ang aking paningin. Bilang. Magbilang. Isa, dalawa, tatlo…


Nakatitig pa rin siya sa akin. Lalo kong ginalingan ang pagsayaw. Ang pag-giling ng aking katawan. Alam kong ilang segundo na lang ay lalapit na siya sa akin. Tinitigan ko siya, habang nagsasayaw na parang isang ahas. Matindi.


Hindi nga ako nagkamali. Lumapit siya, pinapasuot ang sapatos ko para makasayaw ko siya.


“Hey what’s your name?” Tanong niya sa akin habang pumupulupot ang kamay niya sa aking bewang.
“I’m Benj. You?” sagot ko naman. Hindi tumitigil sa paggalaw.


“Hi! I’m Rob. Can I ride you home?” tanong niya. Malikot ang kamay niya, pero wala akong pakialam. Tugtug at sayaw lang ang tanging nasa isipan ko.


“Ikaw ha. Alam ko kung anong gusto mo. May mga kasabay ako pauwi eh.” Sabay tawa.


“O sige nga, ano gusto ko?” tanong niya na akala mo ay isang inosenteng bata.


“Secret. Basta akong bahala sayo. Tara let’s dance.” na may kasamang pilyang ngiti.


Sinayawan ko siya. Alam ko naman talaga kung ano ang gusto niya at hindi ko ipagkakait sa kanya iyon. Inilagay ko ang hita ko sa pagitan ng mga hita niya. Giling. Giling. Kembot. Agad naman niyang nakuha ang naiisip ko. Inipit niya doon ang hita ko at sinayaw-sayaw ako. Sinadya kong itama iyon sa isang bagay na posibleng maging matigas anumang oras. Ayan, nararamdaman ko na.


Nagulat ako ng maramdaman ko ang mga kamay niyang bumababa sa may bandang likuran. Sige lang tuloy ang sayaw. Pero natigilan ako ng maramdaman kong gumapang ang mga iyon sa may bandang unahan.


“Ay wag dyan.” Sabay hawak sa mga kamay niya.


“O bakit ka umiwas?”


“Wala lang.” Sabay sayaw ulit. Isang sayaw na punong-puno ng kasalanan.
Pinisil niya ang dapat mapisil sa bandang likuran.


“O bakit doon hindi ka umiwas?”


“Wala lang.”