Paalala: Kung mahina ang sikmura mo sa mga nakakadiring bagay, malamang wag mo na ituloy ito at baka masukahan mo pa ang monitor.
Isa sa mga pinaka-masarap na pakiramdam ay ang pag-release. Sabi nga ng kaibigan ko, “Ang sarap tumae.” Ang sarap ng tae. Kumbaga yung pakiramdam na inilabas mo ang sama ng loob mo ng buong-buo at walang putol. Yung ginhawa kapag nailabas mo kung ano ang dahilan ng paghilab ng iyong tyan. Ahhh sarap.
Nagulat ako nang makita ko kung ano ang nasa inidoro. Hindi ko matanto kung bakit ganoon ang itsura ng Ebs. So amazing. Hindi ko akalain na posibleng maging ganoon ang itsura. Parang dalmatian. May batik-batik na itim.
Habang pinagmamasdan ang “So Amazing Ebs” made by me, inisip kong mabuti ang mga kinain ko para magkaganoon. Kanin, Tapa, Maraming itlog, Chicken Tocino, Mr. Chips, Bangus na daing, isang Choco Mucho, isang buong bar ng Cadbury, Ilang gulay, ilang pirasong lanzones, Mechado, Tapsilog ulit, at tapsilog ulit. Pero meron akong naalala na isang pagkain na kamukha ng aking “So amazing Ebs Masterpiece.”
At yun ay ang Dragon fruit! Sa wakas, alam ko na kung ano ang dahilan ng isang phenomenon. Pwede pa pala akong gumawa ng iba pang-shape ng “So Amazing Ebs”. Ikaw rin, pwede kang maka-gawa. Kaya punta na sa suking tindahan at bumili ng dragong fruit. Try na!
Ps: Dapat ay isang buong dragon fruit ang kakainin para mas epektibo ang dating.
2 comments:
hahaha..nakakadiri man 'tong post mo, na-amazed mo ko mangiliti ng utak..ichoserang bata ka.
@Akoni Salamat sa pagbasa, di ko expected na mapapansin ang blog ko. Hahaha. :D
Post a Comment