Tuesday, October 11, 2011


Naloloka ako sa mga Call center agents na tawag ng tawag dito sa bahay para maningil ng utang.

Ganito kasi yun..

Maliit lang naman ang bahay namin. Pero dahil mas maliit ang pamilya namin kaysa sa bahay namin, nagkaroon kami ng boarders. Isa sa dalawa naming boarders dati, ay naninirahan pa rin dito. Pero yung isang boarder namin na napaka-gaga ay wala na.

Hindi ko rin alam kung paano niya nagawa ang lahat ng iyon pero malaki kasi ang pagkaka-utang niya sa mga bangko. Madami siyang credit cards at ginamit niya iyon ng ginamit. As in want to sawa. Unlimited pero limited din pala. Kumbaga pina-abot niya ng maximum ang utang niya sa mga credit cards.

Pagkatapos noon ay umalis na siya dito. Sa totoo lang, may utang pa siyang 2k dito pero di bale na.
Sa madaling salita, tinakasan niya lahat ng utang niya. As in wala siyang balak magbayad. Nagpalit din siya ng opisina na pinapasukan. Bongga teh. Pero masamang gawain.

… Kaya ayun, kahit mahigit limang taon na siyang wala dito, todo tawag pa rin dito sa bahay namin yung mga tinakbuhan niya ng utang.

Kaya ko nasabing nakakaloka ang mga taga-call center na tumatawag dito dahil sa dami na ng experience namin sa kanila. As in tawag talaga sila ng tawag kahit ilang beses namin sabihin na wala dito ang hinahanap nila.

Nakakaloka nung minsan, nag-panic attack yung tatay ko. Paano ba naman kasi? Binalaan ng agent na yun yung tatay ko na kukunin daw nila lahat ng gamit dito sa bahay. Tapos ipapakandado itong bahay. Eh alpha kafal the fes naman. Ang lakas manakot. Pero inferneeesss, gumana sa tatay ko. Talagang tumawag siya sa brgy. Tapos pinauwi niya yung nanay at isa pa namin boarder dito sa bahay kasi daw “kukunin na yung bahay” namin. Natatawa na lang ako.

Isa pang nakakaloka na experience eh yung kanina. Napaka-taray! Nakakaloka. Ako mismo ang nakipag-usap at nung hindi na kinaya ng super powers ko ay ibinigay ko na sa ate ko.

Agent: Hello, andyan ba si Chris?


Ako: Sino po sila? Ay wala pong nakatira dito sa bahay na ganyan.


Agent: E tama naman itong number na tinatawagan ko ah.


Ako: Eh wala nga pong nakatira na ganyan dito.


Agent: Ah talaga? E ang galing naman! Paano nakuha yung number niyo dyan?


Ako: Eh malay ko po ba. Bat sa akin niyo itinatanong?


Agent: E paano niya nahulaan yung number niyo kung ganoon? Ito kasi yung binigay niya.
(insert paulit-ulit monologue ng agent tungkol sa kung papaano nakuha yung number.) Hindi ko kinaya, unli ata si Ate at hindi makuntento na WALA dito ang hinahanap niya. Binigay ko sa ate ko.


Ate: Hello sino po sila?


Agent: Andyan ba si Chris?


Ako: Potek, paulit-ulit sinabi ko na nga na wala. (Kay ate)


Ate: Ay walang ganito. Sa iba na lang kayo maghanap. Lagi na lang hinahanap yan dito eh hindi naman namin yan kilala.


Agent: Gaano katagal na ba yang bahay niyo?


Ate: Mga 1960s pa.


Agent: Ahhhhhhhhhhh. Wow. Ang galing naman ang tagal na pala ng pldt niyo kung nung 1960s pa. Bat hanggang ngayon buhay pa rin?


Ate: Ah, yung bahay kasi yung tinutukoy ko diba? Akala ko naman matalino ka. Yung bahay yung tinatanong mo eh.


Agent: Ano?!


Ate: Wala. Sabi ko walang nakatirang ganyan dito. Sa iba na lang kayo nmaghanap kasi wala naman ganyan dito. Subukan niyo hanapin sa opisina niya, malay mo.


Agent: Eh parang mas magaling ka pa sa akin ah, ikaw na lang kaya dito?


Ate: Ayoko nga.


Agent: E bakit ayaw mo?


TAS PARANG AKO… WHAT THE FUCK. Tumawag ba siya para makipag-away? Nakakapang-init ng mani! D:<

No comments: