Saturday, October 1, 2011


Sasabihin ko lang ulit na lahat ng tao pantay-pantay. Baka kasi nalilmutan ng iba, at nagiging mas mataas ang tingin nila sa kanilang sarili kaysa sa kanilang kapwa. Hindi pwede yun, ang tae ng mayaman, tae rin ng mahirap. Walang pinagkaiba yun. Pareho pa ring tae.


Pa-rant lang. Kung ayaw mo makinig, itigil mo na ito. Hahahaha.

Kanina kasi, nagkakagulo. Alam naman nating lahat na panahon na ng finals. Meron akong isang subject na sobrang kailangan ng oras para mag-aral. Anatomy laboratory. Iisa lang ang lab ng mga estudyanteng Medicine at Rehab Sciences. Galing ako sa Rehab Sciences (PT). Hindi ko alam kung bakit hindi kami pwedeng mag-aral ng mga cadaver. Pero ang Medicine pwede.

Kung tutuusin, pareho lang naman may practical exams. Magkaiba naman yung cadaver na gagamitin. May sarili silang patay, may sarili rin kaming patay. Hindi naman namin gagalawin kung ano yung kanila. Kailangan lang talaga namin mag-aral. Pero bakit ganon? Ayaw nila kami papasukin sa loob ng lab. Bawal daw. Med lang pwede. Anong dahilan ng pag-iinarteng iyon? Nagbabayad din naman kami. May exams din naman kami. Hindi porket magdo-doktor sila tapos kami magpi-pt lang, ganun na agad.

Minsan talaga...

No comments: