Wednesday, December 28, 2011

Kung Ayaw Mo, Wag Mo.


Parang tanga naman kung paulit-ulit mong ipagsisiksikan yung sarili mo. Hindi nga “Parang” eh.. Tanga na talaga ang tawag dun. At hindi ako magpapaka-tanga.
Siguro naman kahit gaano kalaki ang ngiti na makita sa mukha ng ibang tao, malalaman at malalaman mo na peke ang mga iyon. Laging sinasabi na mahirap mag-assume, mahirap pangunahan ang mga bagay-bagay.. Pero kapag may kutob ka na ayaw nila sa iyo o kaya naman eh pakiramdam mo na basura este plastik na yung mga kaharap mo, maniwala ka. Manalig ka kapatid.
Hindi ka naman makakaramdam ng ganyan kung hindi nga ganun ang tingin nila sa iyo. Bakit ka pa sasama sa mga ganung tao? Hindi ba nila naisip na hindi masamang magsabi ng totoo kung mas makabubuti ito. Para saan ang pagtatago ng katotohanan, dahil ayaw makasakit ng damdamin? Aysus. Bulok. Luma na yan tsong.
Kung hindi ka naiintindihan ng mga taong nasa paligid mo, layuan mo na lang sila. Wag ka na magpakahirap na magpaliwanag sa bawat isa sa kanila. Para saan pa? Para pag-usapan ka na naman? Oras na nag-desisyon sila na ayaw na nila sayo, kahit ano pang gawin mo, may mahahanap at mahahanap silang mali na gagawin mo. Ganun kakikitid ang utak ng mga tao ngayon. 
Aaklain na maliit na bagay, pinapalaki? Eh kung subukan naman nilang palakihin ang pang-unawa nila? Hindi ba mas maganda kung ganun? Salita ng salita wala naman alam. Bira ng bira wala naman kwenta.
Tumawa ka na lang ng “Ha-ha-ha” habang nakaturo sa mga mukha nila. Bayaan mo na sila tsong. Wag na ipilit ang sarili.

Tuesday, December 27, 2011

Ang Magandang Naidudulot ng Pagka-EPAL ko.


EPAL AKO.


Hahahaha. Napakagandang panimula diba? Oo bakit ba. Epal ako eh. Ewan ko pero minsan kasi natutuwa talaga akong maki-epal sa kung anu-ano. Siguro nga, kagaya ng paulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit kong sinasabi... (O ilang ulit yun, nabilang mo?) na gusto kong may magawa ako habang bata pa ako.

Siguro kung follower na kita dati, nabasa mo yung mga posts ko na isa akong marshall sa simbahan. Yun yung parang security guard o bouncer ng mga rebulto na ipinaparada tuwing may prusisyon. Para maging maayos yung pila o kaya naman eh para hindi magkagulo yung mga tao. Nung nagkaroon ng Mr. and Ms. Rehabilitation Sciences nung 2nd year ako, ganito rin ang papel ko. (Pwede na talaga akong maging lady guard)

Nabasa mo rin siguro na yung ka-epal-an ko nung nakaraan na summer. Nagtuli ako ng mga bata sa Tarlac. Uulitin ko, hindi ako nagtahi kasi natatakot ako dahil nanunuod yung mga nanay nila. Kaya tiga-inject, linis at gupit lang ako nung mismong balat. Hahaha.

Eh ngayong magbabagong taon.. Umusbong na naman ang pagka-epal ko. Walang magawa na may kwenta. Naisip kong sumali sa mga volunteers sa Well Wishes event. Nakita ko lang sa facebook na kailangan nila ng volunteers kaya kahit wala akong kakilala dun, sumali ako. Buti na lang at may naaya ako na kaibigan. (Nakilala ko rin lang sa isang Go-see/Casting).



Dumating ako dun ng mga 11:30 am. Call time 11 am. Pasensya naman at lagi na lang ata akong late kahit saan ako magpunta. Meeting muna tapos inayos yung mga gagamitin na gamit para sa event sa mag-hapon.



Nahiya-hiya pa ako kasi syempre halos lahat ng kasama ay galing sa CSB. Eh hindi naman ako englishers na tao kaya nung una medyo tahimik lang. Pero nung tumagal e ayun, dumaldal na rin ng bongga. Hindi naman pala kasi sila kagaya nung naiisip ko pag minsan. Mababait sila tsaka hindi maarte. Matutulungin pa! :D



Nung tapos na kaming mag-ayos ng gamit, ayun!  Nag-start na kaming mag-trabaho. Nakakapagod ngumiti pero mas nakakapagod magpigil ng tawa kapag may nakita kang dumaan na nadulas sa harapan mo. Pero tuloy-tuloy lang ang trabaho. Sigaw dito, sigaw doon. "Donations po for the Sendong flood victims!" sabay smile na nagpapa-cute para mag-donate sila.




Mula umaga hanggang hapon walang upo-upo. Diretso lang. Masakit sa paa at nakaka-gutom. Bukod dun, nakakapaos pa at nakakangawit ngumiti at sabihin ang mga linya ng paulit-ulit. Pero kahit na ganun, pagkatapos nung event, masaya pa rin ako. Kakaibang experience na naman ang naranasan ko sa pagsali dito sa Well Wishes event. Ako rin pala ang nag-iisang tiga-UST na napadpad dito. (Hahaha. Pa-Epal talaga eh ano?)

Sa loob ng isang araw na pagpapagod, (sa tingin ko worth it naman ang pagod namin) nakalikom kami ng P40,023.30 (Forty thousand twenty three pesos and thirty centavos) galing sa mga mababait na nagbigay ng donations doon sa mall. Malaking bagay na rin yun para sa mga nabagyo ni Sendong.

Minsan talaga masarap din maging epal pagdating sa mga ganitong event. Bukod sa nakatulong ako sa mga kababayan natin na nabiktima ng bagyong Sendong, dumami na naman ang mga bagong kaibigan ko.


PS. maganda pala minsan manglimos sa mall.

Saturday, December 24, 2011


Merry Christmas mga tao! Masaya na rin ako ngayong pasko kahit hindi ko masyadong maramdaman, kasi ang sarap nung hamon na nabili ng nanay ko. Siyeeeet. Pamatay talaga. Kahit yun lang yung pagkain dito sa bahay, go lang ng go. Hahahaha! Ang tahimik ng mga kapitbahay namin, ano kaya ginagawa nila? Wala lang. Naintriga lang ako, parang ang saya kasi pumartey (ehem.. di ko pa natitikman yung mga bagong flavor ng t-ice.. ehem..) Magparteeeey na lang ako sa internet! Chaaaaarot.
Pakasaya guys! Pakawasak hanggang bukas hanggang new year na! Happy Birthday Jesus! ILOVEYOU sagaaaaaaad! Nga pala, happy valentines din sa mga mag-jowa!! (Ehem, medyo malamig kasi ngayon.. ehem) :D

Friday, December 23, 2011

Ang Paghahanap kay Elisa sa Bahay ni Lola Cora



Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento ko. Sa sobrang haba kasi, panigurado na hindi kayo aabot sa dulo. Pero kung interesado kayong malaman, sige simulan niyo na ang pagbabasa.

Dalawang buwan na ang lumipas simula nung nakilala ko siya. Isang bagong kaibigan, itago na lang natin siya sa pangalang "Elisa".

Nakilala ko siya sa isang sikat na rakrakan festival dito sa Manila. Kaibigan niya kasi yung kaibigan kong may birthday nung araw na iyon. Sa lugar kasi na iyon napili ng kaibigan ko na i-celebrate yung birthday niya. Okay namang kasama si Elisa, masayahin at tawa ng tawa. Pagkatapos ng araw na iyon, trinato ko na rin siya na isa sa mga malalapit na kaibigan ko na pwede kong pagkatiwalaan.

Isang araw niyaya niya akong gumala sa Eastwood. Sakto lang kasi may event nun. Inisip ko na rin na kumbaga UBE yung manyayari nung gabing yun. Okay naman, dun ko siya nakilala ng lubos. Sobrang dami namin napag-usapan na personal na mga bagay. Kwenento niya yung mga nanyari sa kanya na pinagdaanan ko rin. Naintindihan ko siya kaagad dahil alam ko kung anong pakiramdam.Bukod dun, nalaman ko rin na mayaman pala sila.

Pinsan niya yung hinahangaan kong band photographer. Tapos doktor yung mga parents niya na nag-trabaho sa Kidney Center. Lagi niyang binabanggit yung matapobre at napaka-arteng Lola Cora niya. Hindi daw siya pwedeng magkamay habang kumakain at hindi pwedeng makisabay ang mga katulong nila sa kanila.  Mahilig siyang magbasa ng libro at maglagay ng kung ano-anong nail polish.Mahilig pala siya sa kape lalo na sa Starbucks. Nalaman ko rin na sa ibang bansa pala siya galing, partikular sa London, at nasubukan na rin pala niyang tumira sa Singapore at US. Hindi siya conyo pero kung kakausapin mo sa english, magaling siya at kitang-kita ang british accent.

Naging super close kami pagkatapos ng araw na iyon. Lalo na talaga nung napag-usapan namin yung mga bagay na pinagdaanan naming dalawa. Minsan tatawag na lang siya sa akin tapos makikipag-chikahan. O kaya texting. Dumating ang pasukan at naging abala na ako sa school. Hindi ko na siya nakakausap at nakakasama. Wala akong oras para sa mga ganung lakad lalo na kapag gabi. Hanggang sa naka-text ko yung isa pa namin na kaibigan.

"Ui, wag ka na lang siguro muna mag-text o kaya makipag-usap o kahit anong communication kay Elisa ha. Saka ko na lang sayo sasabihin ang dahilan kapag nagkita tayo sa personal."

Syempre, masama ang pakiramdam ko nun. Alam kong may mali sa relasyon nila sa isa't isa. Pareho ko silang kaibigan kaya wala akong kakampihan.

Nagkita kami nung isa ko pang kaibigan nung isang araw. Dun niya sinabi sa akin lahat ng rason kung bakit niya ako sinabihan ng ganun tungkol kay Elisa.

"Hindi ko alam kung paano ko to sisimulan eh. Uhmm.. Ano ba, basta mag-ingat ka ha Cea? Manloloko kasi si Elisa."

Sunod-sunod yung mga tanong ko. Hindi ko mapigilan mag-isip at magbigay ng kung ano-anong reaksyon. May kutob na ako noon pero hindi ko lang sinasabi dahil nga kaibigan ko siya. Dito ko nalaman na ang nakilala kong "Elisa" ay ibang tao pala.


Hindi totoo ang Lola Cora niyang matapobre dahil wala naman pala talagang "Lola Cora" sa mundo. Hindi sila talaga mayaman, normal lang ang estado nila sa pamilya. Hindi rin doktor ang mga magulang niya at nasa ibang bansa, andito lang sila sa Pilipinas. Marami siyang alam tungkol sa Kidney operations dahil may sakit na Cancer yung kuya niya sa kidney. At bukod doon, yung kaibigan ko ay ninakawan niya ng PSP, Camera at 1500php. Hindi rin totoo na nakatira sila sa London at nalibot niya na ang US at Singapore. Dito lang siya nakatira sa Pilipinas. Matagal na pala niyang ginagawa yung pagpapanggap para makasabay siya sa uso.

Hindi ko alam kung bakit ang galing niya magkwento, ang galing niya mag british accent at konektado lahat ng sinasabi niya. Marami rin kasi siya talagang kilalang tao na hindi makikilala ng kung sino lang. Siguro parte siya ng sindikato, o magaling lang talaga siyang umarte kaya madami siyang nagiging biktima. Ang target niya ay yung mga estudyante at mga kabataan na kasing edad din niya. Patong-patong na pala ang kaso niya na naka-file sa baranggay nila dahil sa mga ginawa niyang pangloloko.

Nagtataka ako kung bakit hindi niya ako ninakawan nung gabing iyon samantalang nakakalat lang yung camera at cellphone ko nun. Pero mas mabuti na rin na walang manyaring masama sa akin.

Kung nababasa mo ito Elisa, alam kong alam mo kung sino ka. Masakit sa akin na malaman na niloko mo lang kami, lahat ng pinakita ko sayo totoo at hindi kita niloko. Pinagkatiwalaan kita, maski yung mga sekreto ko sinabi ko sayo dahil kaibigan kita, sana maski niloko mo na ako panatilihin mong sekreto kung ano ang sekreto. Salamat na rin sayo dahil kahit paano hindi mo ako pinagnakawan maski napakagandang pagkakataon na iyon. Sana magbago ko na, matakot ka sa karma.

Basta ang payo ko lang, sa susunod wag magtitiwala kaagad-agad. Kung pwede nga lang, habang buhay wala na lang pagkatiwalaan dahil sa dami ng pagbabago na pwedeng manyari dito sa mundo, yung mga taong pinagkakatiwalaan mo, sila pa mismo ang magtataksil sayo.

Wednesday, December 21, 2011

Lilipas din

Yung mga sobrang lalim na emosyon, mas mabuti sigurong isulat sa papel kesa i-type sa keyboard. Masarap siguro baunin ang mga iyon sa paglipas ng panahon. Minsan sa pagsusulat, magugulat ka biglang mababasa ang papel. Hindi mamalayang may luhang kasama, matutuyo rin naman ang mga iyon sa tamang panahon. Tulad ng pagtuyo ng mga luha sa papel, dadating din ang araw na kapag binalikan ang nakaraan, magagawa mo nang ngumiti at tawanan ang lahat ng iyon.

Saturday, December 10, 2011

Ang Teorya sa Likod ng Flat na Gulong


Palagi ko na lang nasasabi na hindi umiikot ang gulong ng buhay ko kapag walang nanyayari. Parang flat. Pero may naisip ako kaya siguro laging nanyayari yun.


Malamang isa ako sa mga ambisyosang kabataan na ang daming gustong gawin sa buhay. At para sa akin, dapat lahat ng iyon ay magawa ko. (Malamang, sino ba naman ang ayaw?) Ang kaso lang kasi, gusto kong gawin ng sabay-sabay. Eh sabi ng nanay ko, hindi daw pwede yun. Dapat makapag-focus muna ako sa pag-aaral para kapag nakapagtapos na ako, magagawa ko na yung gusto ko.


Pero naisip ko naman, kapag puro pag-aaral lang ang inatupag ko at hindi ko sinunod kung ano yung mga passion (naks gumaganun na ako ngayon.) ko  sa buhay, parang masasayang yung kabataan ko. Syempre mas masaya kapag marami ka na naabot sa murang edad.
Sabi naman ng ate ko, mas sayang daw yung kabataan ko kapag hindi ako nakapag-focus ng maayos tapos hindi ko napagbuti yung pag-aaral ko kasi nga kung anu-ano pa yung inatupag ko. (O diba ang labo? Hindi ko na alam kung anong susundin ko.)


O baka naman kasi siguro ganun talaga. Hindi pwedeng pagsabayin lahat, kailangan meron ka munang isakripisyo para sa ikauunlad ng isa. Parang usapang boypren/girlpren/third party lang ano?


Anyway, ayun na nga. Naisip ko na baka siguro hindi umaandar yung gulong ko kasi sobrang magkalayo ng mga gusto ko.


Halimbawa, natutuwa ako sa mga teen photographers tapos sobrang galing nila tapos yung trabaho naman nila o kaya kurso na kinuha nila eh may kinalaman sa Arts. Minsan naman bilib na bilib ako sa mga laging perfect sa exams, yung mga determinado talagang makapagtapos. (Syempre lalo na kapag magdo-doktor.)


Eh ang sa akin naman, anong kinalaman ng banda, modelling, photography sa pagdo-doktor at pagpi-physiotherapist? Medyo malayo diba? Kumbaga kapag ginawa mo siyang vectors, yung isa papunta sa right tapos yung isa papunta sa left. O kaya naman kapag kinumpra mo siya sa cartesian plane, yung isa papunta sa positive tapos yung isa papunta sa negative. Edi syempre anong displacement nun? Anong kalalabasan nun? Edi Zero.


Hay nako. Ewan ko ba kung ano na naiisip ko. Basta bahala na siguro si Batman. Go lang ng Go hangga't makakaya. 

Wednesday, December 7, 2011

Sadya ba o dahil sa sitwasyon?


Sadya ba o dahil sa sitwasyon? Yun yung mga tanong na tumatakbo sa utak ko ngayon.

Kapag importante sayo yung isang tao, mahalaga sayo palagi kung ano yung relasyon niyo sa isa't isa. Kung paano kayo magtratuhan, kung paano kayo makitungo sa isa't-isa. At kung malapit kayo sa isa't-isa isa lang naman ang hihilingin mo eh. Yun ay yung manatili na maging malapit kayo sa isa't isa.

Pero sabi nga ng karamihan, kung hindi naayon, hindi manyayari. Nakadepende pa rin siguro sa tao yun kung ano yung manyayari. Kung paano pangangalagaan kung ano yung nabuong matibay na pundasyon ng samahan.

Pero siguro may mga pagkakataon sa buhay na manghihina yung pundasyon na nabuo niyo. Akala mo matibay na, yun pala kulang pa. Bigla na lang may magbabago. Yung inaakala mo na magtatagal na panghabang buhay, posible pala mawala na parang bula.

Thursday, December 1, 2011

White Blood Cells.


"Nakakatawa ka, nakakangiti ka. Pero inside you there's a battle going on."

Yan ang sabi ng prof ko sa isang subject. Pinag-uusapan kasi namin kung gaano kadakila yung mga sundalo ng katawan. White Blood Cells. Sila yung mga magigiting na bayani na nakikipagsapalaran sa mga bacteria, germs at virus para lang wag kang magkasakit. Kaya siguro kahit kumain ka ng hindi naghuhugas ng kamay, wala kang pakialam. Kasi alam mo na kapag malakas ang resistensya mo, hindi ka magkakasakit. Hindi ka mapapano.

Naisip ko lang, may mga pagkakataon sa buhay na kailangan mong lumaban kagaya ng mga White Blood Cells para naman hindi ka mapano. Minsan maski emosyon kailangan mong labanan para hindi ka masaktan. Lalo na kapag alam mo naman kung umpisa pa lang alam mo na kung ano ang kahihinatnan. Yun nga yung mga pagkakataon na "Nakakatawa ka, nakakangiti ka. Pero inside you there's a battle going on." Yung mga alam mong hindi dapat manyari, iwasan na kaagad.

Pero hindi rin kasi sa lahat ng pagkakataon malakas ang resistensya ng tao. Minsan nagkakasakit din. Minsan bumibigay din. Kaya yung mga bagay na hindi mo pinahihintulutan, nanyayari pa rin. Kahit ayaw mo, hindi napipigilan.

Tuesday, November 29, 2011

Bato


Isang taon na pala. Mahigit isang taon na nga sa totoo lang.. Simula nung may mga bagay na nanyari sa buhay ko na hindi ko inaakalang posible palang magkatotoo. Tulad nga ng sinasabi ko palagi, ang lahat ay isang panaginip lang. May pagkatataon talagang gigising ka sa katotohanan. Swerte ka na lang kung pagmulat mo, masaya ang nasa paligid mo. Pero hindi ko sasabihin na malas ka kapag hindi. Eh ganun talaga eh. Wala naman tayong magagawa.
Nagulat ako nung makita ko yung kulay ube na torre ng UST. Kakaiba, Out of Place kumbaga, pero wala akong pakialam. Nagagandahan pa rin ako. Imbis na maglakad sa madilim na Dapitan, pinili ko na maglakad na lang papunta sa Espanya para matignan ko lalo yung torre. Nagulat ako ng nakita kong nakakabit na yung mga Christmas lights.
Masaya ako tuwing nakakakita ako ng mga ganitong bagay. Iba talaga pakiramdam ko kapag naglalakad sa ilalim ng buwan at makukulay na ilaw. Kasabay nun, naalala ko lahat. Ganito rin yun. Ganitong ganito. Ang pagkakaiba nga lang, dati bulag ako. Ngayon mulat na ako.

Totoo na talaga ito.

Oo aaminin ko, masyado akong nasiyahan sa isang blogging site. Maliit lang ang mundo doon at halos lahat ng tao magkakakilala. Ewan ko kung pati ba dito, ganoon din. Pero hindi naman siguro. Wala lang. Napansin ko kasi na parang nagbago na lahat eh. Sabi nga nila, ang sigurado lang dito sa mundo ay pagbabago. 

Ayun, nagbago na nga ang lahat. Yung dating layunin ng bawat isa na sabihin kung ano ang nasa loob, inilalabas na lang para makapagpasikat. Masyadong magulo na, ang daming tsismis, ang daming issue. Parang artista na lahat eh, alam mo kung sino ang mga nag-break, sino ang naglandian, sino ang nag-aaway, sino ang naging magkaibigan. Parang showbiz.

Sabi nga ng mga tao doon dati, nagiging totoo ka. Walang humuhusga. Lahat tinatanggap ka. Pero ngayon kapag tinignan mo ng mabuti, bakit ang daming naglalaitan. Ang daming humuhusga. 

Wala na siguro akong pakialam kung ano man ang mga issues doon. May mga bagay din naman akong nakuha doon tulad ng mga kaibigan. Basta ang sa akin lang, siguro ito na lang muna yung mas pagtutuunan ko ng pansin.

Dito na lang siguro ako magsusulat ng kung ano man ang gusto kong sabihin.

Sunday, November 27, 2011


Natuluyan na nga ako sa sakit ko. Kagabi maaga ako natulog pero nagising din ako. Paputol-putol ang tulog ko. Nagigising dahil sa sobrang hapdi ng lalamunan ko. Pakiramdam ko na naman hinahati na naman ito ng blade. Iinom inom ng tubig para naman wala ang gasgas ng panandalian. Kaninang umaga, medyo masakit pa rin katawan ko. Masakit pa rin lalamunan ko. Unting dura, may kasamang plema. Pero nagulat talaga ako nung naubo ako. May kasamang pula.
Hindi ko alam kung dugo ba iyon o baka naman pagkain lang na kinain ko. Spaghetti kasi. Pero pakiramdam ko tuwing dudura ako may laman na kasama. At hindi nga ako nagkamali. Ilang oras pagkatapos nun, umatake na naman ubo ko. Ayun, may kasama na ngang laman. Pero wala ng dugo. Medyo masama pa rin pakiramdam ko ngayon. Sana gumaling na ako.

Masakit ulo ko. Masakit lalamunan ko. Pakiramdam ko magkakasakit na ako. Minsan naiisip ko kasalanan ko rin kaya nagkakaganito ako eh. Abuso kasi. Puyat ng puyat. Tapos kain pa ng kain ng mga junkfoods. Gusto ko maging healthy.
CHAROT! Ang hirap kaya kumain ng tama.
Ano ba kwekwento ko? Uhm. Ayun. Ang dami ko nang namimiss. Hindi ko na nakikita o kaya hindi ko na nakakasama yung ibang tao. Lalo na yung mga barkada ko. Sana magkaroon naman ulit ng araw na libre lahat. Yung walang gagawin. Pero kung iisipin mo kahit walang gagawin, may ginagawa ka pa rin. Okay. Nakakalito yun. Pati ako nalito din. Non-sense na ito. Non-sense na ito. Non-sense na ito.
Oo nga pala, may bago akong crush. Wish ko lang pag nakita ko sa personal mas matangkad sa akin. Kapag hindi… BWAHAHAHAHA.

Wednesday, November 23, 2011

WANTED: Bagong Crush


Ang tagal ng natutulog ng katawang lupa ko. Charot! Hindi ko rin alam eh, pero kasi naman, wala talaga akong kinakikikiligan ngayon. Nalimutan ko na ata kung paano yung feeling na kinikilig. OA nga kasi ako kapag kinikilig. Minsan kapag sobrang kilig, naiiyak na ako tapos nangingisay! O dba? Akala mo naman bagong sapi lang ng ispiritu ng baklang malandi. Nakakaloka. 
Hindi naman ako sa mukha tumitingin, pero syempre malaking factor din yun. Ayoko rin naman magpantasya sa mga majujunget. Magpapantasya ka na nga lang, syempre dun ka na sa bongga. Siguro wala lang talaga akong natitipuhan sa mga taong nasa paligid ko. Maski sa mga artista wala rin. Pero syempre kapag nakakakita ako ng abs, ayun! Napapangiti ako sabay bulong sa sarili ng “Ay siyeeet!”
Wala lang, ang saya kasi magka-crush eh. Makita mo lang, okay na araw mo. Yung tipong bigla ka na lang ngingiti kapag alam mong walang nakatingin sayo. Yung crush lang talaga ha, kasi naman masakit sa ulo kapag hinaluan na ng lab-lab. Nagiging komplikado, kaya dun muna sa mga crush-crush. Bigyan niyo nga ako ng crush. Hahahaha.

Monday, November 21, 2011

Minamalas


Badtrip kanina. Hindi lang badtrip, sobrang nakakalungkot. Sabado pa lang ng gabi ginawa ko na lahat ng assignment ko para naman makagala na ng tuloy-tuloy. Edi game, okay na ako.
Kinaumagahan kanina, nagbibihis ako, nang magtext yung kaklase ko.

"Uy asan na yung part mo sa Kines lab?" Kinesiology.

Alam mo yung sobrang nag-panic attack ako ng bongga. Pero medyo maaga pa naman kaya i-sesend ko na lang ulit yung gawa ko. Nakakainis lang kasi na-send ko naman talaga yun pero ewan ko bakit hindi niya natanggap. Edi game na nga, ise-send ko na.

Alam mo yung feeling na bawat segundo mahalaga. Pati pag-load ng computer parang napaktagal. Tapos nagloko pa yung internet. Nakakainis sobra. Yung saktong oras ko sana na aalis ng bahay, naging late na. Talagang pinilit kong makasakay sa lrt kahit alam kong masikip na, pakapalan na lang ng mukha kasi alam ko may quiz kami.

Nagmadali pa talaga ako para lang wag masyado ma-late. Pagdating ng classroom, nakita ko yung mga kaklase ko, nakaupo na. Ayan na quiz na pala. SHET!

Buti napansin ako ng prof namin, binigyan ako agad ng paper sabay sabi..

"You have 1 minute to answer the quiz." AY POOOOTASYET.

Monday, November 14, 2011


Ang mamahal naman ng mga libro namin nakakainis. Pero wala naman akong magagawa kasi kailangan naman talaga nun. Haaaay. Sobrang nahihiya na nga ako humingi ng pera sa mga nagpapa-aral sa akin. Kaya nga napakalaki talaga ng utang na loob ko sa kanila. Wala akong ibang magagawa kundi mag-aral ng mabuti (oy, mahirap kaya yun.) at magpakabait (mas mahirap ata yun).


Sa totoo lang, balak ko nga pagkatapos kong grumaduate at pumasa sa boards (oo, umaasa ako.) gusto ko pa ulit mag-aral. Pero syempre sariling pera na yung gagamitin ko. Magtra-trabaho ako tas mag-specialize sa Geriatrics. Para sureball na yung mga nag-alaga at nagpalaki sa akin na meron ng mag-aalaga sa kanila. (wink! wink!)


Naisip ko lang naman. Pero ang tunay na bumabagabag sa akin ay ang mga taong tinatawag na "FREE-LOADER". Sila yung mga taong nakiki-angkas lang sa grade. Tipong sa isang grupo, wala siyang gagawin kung hindi maging wallpaper o istatwa sa tabi. In other words, wala siyang itutulong sa inyo pero pareho kayo ng makukuhang grade kasi naka-angkas nga siya. HAAAAY. Sana naman matauhan at mag-transform yung mga ganung tao. Masyadong pa-importante eh. Mga tipong lima kayo sa grupo pero apat lang yung functional. :|

Saturday, November 12, 2011

Hindi ko alam kung maniniwala pa ako. Ilang beses na akong naniwala pero lahat ng iyon panget ang kinalabasan. Lahat kasi ng pinaniwalaan ko mali. Lahat ng mga iyon kasinungalingan. Pero sayo, may tiwala ako. Pero alam ko naman na lahat ng sinasabi mo ay biro lang. Alam ko naman na hinding-hindi manyayari ang sinasabi ng mga tao tungkol sa atin. Kung ano yung estado na dapat sa atin. At  kung ano yang sinasabi mo na "ligaw-ligaw". Ah ewaaaan. Buti sana kung wala sakin, kaso meron. At ayoko ng ganitong pakiramdam. :|

Eksena sa Beach


Malapit ng magtapos ang araw. Parang nasusunog ang mga ulap sa dahil sa nagtitingkaran na kulay. Dilaw at pula. Napakagandang pagmasdan. Pagod na pagod ako dahil outing ng buong barkada sa isang beach. Kaya lalong mas masarap ang pagtambay at ang panunuod ng paglubog ng araw. Medyo malamig na ang simoy ng hangin at nagsisimula na ring gumawa ng bonfire ang mga kasamahan ko para mamayang gabi. Habang nakaupo ako sa isang tabi, masayang pinagmamasdan ang mga ulap, ang mga alon, naramdaman ko ang isang kamay na nagtakip sa aking mukha.


"Sino ako?" tanong niya.


"Eh sino ka ba? Ulol." sagot kong pabiro. 


Habang tatawa-tawa, tinaggal niya ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa aking mukha. Siniko ko siya sa tagiliran at pabirong sinuntok sa braso. Yan ang nakuha niya sa pang-iistorbo sa aking munting "Me Time".


"Adik ka talaga." sigaw ko.


"Ikaw nga dyan eh! Anong ginagawa mo?" tanong niya.


"Wala, eto nakaupo. Dun ka na nga." pagtataboy ko.


"Edi doon." sabay tayo. Nagsimula siyang maglakad palayo sa akin.


"Hindi! Joke lang." sigaw ko habang tumatawa.


Lumapit siya ulit at umupo sa tabi ko. Lalong dumilim ang paligid. Lalong lumamig ang simoy ng hangin. Alam kong magiging mahaba ang gabing ito.


"Uy. balita ko may fiesta sa kabilang baryo ah." sabi niya na parang ang tono ay nang-tsitsismis.


"O talaga? Ano naman?" sagot ko.


"Wala lang, may fireworks daw mamaya. Nuod tayo."


"O sige ba! Game ako dyan!"


Isang oras na ang nakalipas pero wala pa ring kasawaan ang aming mga bibig sa pagdadaldalan. Pag-aasaran. Pagtsi-tsismisan. Hindi na namin namalayan ang oras at nagulat na lang kami ng tinawag kami ng aming mga kaibigan.


"Hoy kakain na! Kayo ah. Ayieee!" may halong pang-aasar na hindi ko naman maintindihan. Wala lang naman sakin. 


"O tara, kakain na daw." sabi niya habang tumatayo.


"O tara." sabi ko habang inaabot ang kamay niya para magpatulong na tumayo.


Masarap ang naging pagkain namin. Seafoods. Kamayan. Ang sarap ng ganitong buhay. Simple lang. Pagkatapos kumain, tumambay ang lahat sa bonfire. Usap-usap, kwentuhan, may halong inuman, at tugtugan.


Biglang sumigaw ang kaibigan ko, "Ayaaaan naaaaaa!"


Narinig ko ang putukan at nakita ko ang kalangitan. Fireworks. Hindi ko alam pero tuwing nakakakita ako ng mga ganito, napapangiti ako. Napapasaya ako. Tinignan ko siya at nginitian, tumayo na rin siya at tumabi sa akin. Habang nanunuod ng mga nagkikislapang pagsabog sa kalangitan, naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kamay ko. At narinig ang isang matamis na bulong na "I love you."


Isa lang yan sa mga eksena na gusto kong maranasan sa buhay ko. Mukhang imposibleng manyari, pero walang masama sa pag-iisip ng mga ganitong klaseng bagay. Kahit hindi totoo, at least kapag iniisip ko, kahit paano nagiging masaya ako. 

Thursday, November 10, 2011

11-11-11 Maaga pa naman



Alas nuebe ng umaga nang magising ako. Nagulat ako sa ate ko (kasama namin sa bahay) sa pinaggagagawa niya. Nagkikiskis siya ng pader. Bihira lang siya maglinis ng ganun. Hindi ko alam kung bakit, baka sinaniban ng espiritu ng kalinisan ngayong 11-11-11. Pagkabangon ko, diretso banyo para magmumug at maghilamos. Daan sa kusina, walang pagkain. Kinuha ko na lang ang juice na nasa ref pati na rin yung Marty’s chicharon sa cabinet. Yun ang umagahan ko.
Pagpasok ko sa kwarto, binuksan ko kaagad ang tv. Nakakaaliw lang manuod ng mga korning palabas tuwing umaga. Mga tagalized na bersyon ng kung anu-anong cartoons. Kahit korni, minsan natatawa pa rin ako. Siguro hindi ko matatanggal ang maliit na parte ng kamusmusan ko sa pagkatao ko. Lahat naman tayo may kabataan. Tawa ng unti. Makulit ang mga palabas, kailangan mong maging mababaw ng kaunti para makasabay ka sa kakornihan ng pinapanuod mo. Pero ayos nga yun eh, wala kang iisipin kundi ang manuod lang ng cartoons.
Tapos na. Nilipat ko ang channel nang mapunta ito sa isang palabas na ang usapin ay ang mga batang ama. May bago kasing teleserye na ipapalabas, yung Angelito. Mabigat na usapin pero ayos lang. Habang pinapanuod ko yung palabas, naiisip ko yung mga magiging anak ko. Masyado pang maaga pero inisip ko na kung ano yung mga bagay na gusto kong ituro sa kanila. Sa totoo lang, hindi pa nga sigurado kung makakapag-asawa ako pero gusto ko kasi talaga na maging maayos rin ang pagpapalaki ko sa kanila. 
Umaga pa lang ang dami ko nang iniisip. Pero hindi ko pa rin alam kung paano ko gagawing espesyal itong araw na ito. 11-11-11. Isang beses lang manyayari ito, sana maging makabuluhan.

Kung sino pa yung mga walang alam sila pa yung react ng react. Dapat kasi isipin munang mabuti kung ano ang tunay na kahulugan ng pinagsasabi ng "kalaban". Masyadong nagiging makitid ang utak kaya depensa ng depensa, wala naman natutunan. Malay mo yung sinasabi mong "kalaban" hindi pala talaga kaaway, malay mo siya pa yung mag-alis sa iyo dyan sa kamangmangan.

Tuesday, November 8, 2011

Limutin


Nakita ko na naman siya. Ang babaeng hinahangaan ko. Ang babaeng kinaiinisan ko. Ang babaeng mayroon ang lahat. Siguro inggit. Siguro selos. Alam ko matagal na iyon, pero ganito pa rin ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya.


Mahina, malungkot, panget, nagpipilit, wirdo, lahat na. Nakakapambaba na parang kailangan kong tumingala tuwing titignan ko siya. Malaking epekto ang nangyayari sa pagkatao ko sa kung anong nararamdaman ko sa presensiya niya. Sino ba siya? Ano ba siya?


Parang kapag tinignan ko siya, ang nakikita ko lang ay yung mga bagay na gusto ko na meron sa kanya. Yung mga nanyayari sa kanya na nais ko ring manyari sa akin. Inggit nga ba ito? Pwede. Selos? Wag naman sana. At hindi rin talaga selos ito dahil nakaraan na iyon na isinuka at pinagsisihan ko. Isang kagagahan..



Pero kahit na ganoon, hindi ako galit sa kanya. Sa katunayan, gusto ko rin siya. AMBIVALENCE. Gusto mo pero ayaw mo rin. Hindi makapag-desisyon kung sa pula ba ako, o sa puti.


Isa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit ako nagkakaganito dahil Naghihilom ang sugat, pero merong naiiwang peklat. Posibleng mapatawad at maging okay ang lahat pero imposibleng makalimot.


Sana makalimutan ko na lahat. Sana dumating yung oras na kaya ko ng talikuran ang lahat at hindi matakot na mawala ang mga bagay na wala naman talaga sa akin umpisa pa lang.

Monday, November 7, 2011


Nawawala pa rin ako sa ulirat. Ayoko pa talagang pumasok sa iskul. Pero syempre, wala naman akong magagawa. Hindi naman palaging ako ang masusunod. Minsan kailangan ko rin naman sumunod.

Umpisa pa lang ng araw, inaantok na ako. Pasado ala una na ako nakatulog kasi nasanay na yung katawan ko maging bampira. May pupuntahan din ako dapat na gig kagabi kaso cancelled sila. Ayos lang, tambay na lang.

Recitation agad. Isa-isa. KINESIOLOGY. Sa totoo lang masayadong tamad yung utak ko para mag-isip. Halatang nagla-lag pa. Ambagal. Parang puro kalawang na. Nagtanong yung teacher ko about sa Osteokinematics.

"Give me an example of a bony segment."

Ako: Ano ba yun? (Ang labo naman ng tanong. Pilit na nag-iisip.Parang ribs?)

Maya-maya may nagbigay ng sagot na "Elbow", inusisa. Hindi daw. Mali daw. More on Arthrokinematics daw yun. Maya-maya may nagbigay ng sagot na "Hand", natawa na lang yung prof ko. Maya-maya may nagbigay ng Femur. Ayun, tama na.

Dito lang ako natauhan. Punyeta. Bony Segment - Bone.

HAHAHAHHAA. Tulog pa ako. :P

Sunday, November 6, 2011


ALL PICTURES ARE TAKEN BY CEARA PABLO
EDITED BY VEA JALLORINA
New project coming soon. :)))

Tuesday, November 1, 2011

Kwentong Ka-echosan.


Nadedepress na talaga ako. Ahuhuhu. Joke lang. Paano ba naman kasi, nasagi ko na naman yung pader. Nakakainis naman kasi itong lugar namin ang sikip-sikip. Ang hirap-hirap mag-park. Nagagasgasan lang naman pero kahit na. Ano pa kaya ang posibleng manyari sa akin bago ako matuto mag-park ng matiwasay? Haaaay. (Hinga ng malalim.)

Ano pa ba mga nanyari sa akin? SA totoo lang puro gala lang ang ginawa ko. Eh kasi naman sinusulit ko na lang yung sembreak malapit na naman magpasukan kaya nade-depress ako lalo. Ayoko pa talaga pumasok. Kahit walang pera sige lang, at least hindi ka pagod. Hindi ka stress. Pero minsan kapag ganun kasi nakaka-bore din. Kaya nauuwi din sa lakwatsa.

Kahapon kasama ko yung tropa ko nagpunta kami ng Trinoma. Manunuod dapat kami ng Praybeyt Benjamin kaso tae talaga. (Ewan ko ba pag sa trinoma never pa talaga ako naging FULL TIME Happy.) Puno na naman. Kaya ayun, tumambay na lang sa starbucks hanggang sa malasing kami sa kape at mapagod ang lalamunan kaka-kwento.

Napatunayan ko sa sarili ko na mulat na talaga mata ko. Bukas na talaga isipan ko sa mga posibleng manyari dito sa mundong ibabaw. Hindi na bago eh, luma na. Sanay na. Oh well papel ganun talaga ang buhay. Just deal with it.

Thursday, October 27, 2011

Sinong pupunta dito??

Halloween Party @ Cubao Expo
Tomorrow, October 29, 2011


Eh Nakakaloka.
Oo nakuha ko na ang lisensya ko. Sobrang saya pero hindi rin kasi takot pa ako magmaneho ng mag-isa. Tapos wala pa akong kaalam-alam sa mga kalye-kalye. Mas magaling kasi akong pasahero kesa taga-maneho.
Naalala ko nung sobrang excited ako mag-drive. Kakatapos ko lang ng lessons nun, kahit wala pa akong lisensya nagmamaneho na ako sa may bandang amin. Eh masikip lang yung garahe, hindi ko mapasok yung kotse. Hindi ko pa kasi alam at hindi naman ako sanay dahil first time na walang instructor. First time din na walang kasama na marunong magmaneho. Runung-runungan ako. Kunwari magaling. Pagdating ng pag-garahe sa bahay, wala na. Deds. 
E nakakahiya yung nanay ko, todo panic. Todo sigaw. Sobrang nakakahiya sa mga kapitbahay akala nagwawala nanay ko. “HOY CEARA! AYUSIN MO! Antanga-tanga mo!” Nakakaloka talaga. Mga salitang walang laman, dala lang ng pagpapanic. Malamang ako rin nagpanic, ayun nabunggo ko tuloy yung sasakyan namin. (Pero wala namang malaking damage Hahaha. ) Buti na lang yung kapitbahay namin tsismoso, nakialam. Ayun, siya na nag-garahe.
Akala ko yun na yung intense, meron pa pala kanina. Syempre medyo mayabang na ako, lisensyado na eh. Pagdating sa UPHILL parking ng SM Cubao. PUNYETA! Namatayan ako ng makina. At ang potek na makina, ayaw mag-start. Nagpanic na naman ako. AHAHAHAHA! Tae lang. Paano ba naman kasi, hanging tapos umaatras yung kotse patalikod. Tapos may mga kotse pa sa likod na hindi makahintay, BEEP BEEP ng BEEP BEEP. Nakakaloka. Nagpanic lang talaga ako. Akala ko pag tutulakin ko yung nanay ko sa likod eh. Salamat naman at nag-start. Tapos ayun gumana naman, pero mabilis na takbo pero mas okay na keso mag-stop sa gitna. HAAAAY.
Alam ko wala kang naintindihan, ang gulo ko kasi magkwento. AHAHAHA. Pero next time gagalingan ko na talaga. TAE LANG. :P

Tuesday, October 25, 2011

GOOOOD MORNING!


Ang aga-aga ang saya-saya. Hindi naman kasing saya ng commercial ng nescafe na may kasama pa talaga production number ng mga siga sa kalye at may kasama pang pa-buhat-buhat. Saktong saya lang. Masaya lang kasi naiisip ko na yung mga pwedeng manyari sa isang project na sisimulan namin ng kaibigan ko.
Sana maging successful kami dito. Hindi naman to big deal or what, pero isa lang kasi ito sa mga hilig namin gawin. Kumbaga for fun lang talaga pero parang may patutunguhan. Baka i-launch sa November. Ahihihihi. Nae-excite naman ako, nakakatae tuloy! Hahahaha. Biro lang. Pero sa totoo lang, isa ito sa mga pangarap ko. Alam ko naman na hindi gagalaw ang pangarap para magkatotoo, dapat sinisimulan ito sa sarili at may kasamang pagsisikap. Hay! Sana talaga magawa namin ng  tamaaa.
ABANGAN. :)))

Monday, October 24, 2011

Paano ka maniniwala sa isang taong iba ang sinasabi sa ginagawa?


Ang hirap diba?

Iba yung naririnig mo sa nakikita mo. Iba yung sinasabi niya sa gusto niyang manyari. Siguro kapraningan lang ang lahat ng ito, pero hindi naman ako siguro makakaisip ng kung anu-ano kung hindi ko nararamdaman ito.

Ang labo. Haaay.
Ito na lang, sabi ni Father, ang salitang LOVE ay ACTION WORD.
Hindi emosyon. Ibig sabihin gumagalaw, umuusad, at pinaparamdam.

Friday, October 21, 2011

Make it Quick.

(Ang istorya sa ibaba ay isang Kathang Isip lamang.)

Madami ang tao. Maingay ang paligid. Yumayanig. Madilim. Mausok. Patay sindi ang makukulay na ilaw. Nakakahilo rin pala minsan sa ganitong lugar. Masarap. Mainit. Nag-iinit.


Mahaba pa ang gabi pero ayaw pang tumigil ng katawan ko sa pag-indak. Sayaw dito, sayaw doon. Tinanggal ko ang sapatos kong may 4 na pulgadang takong. Habang nakatungtung sa ibabaw ng upuan, walang sawa sa pagsasayaw, napansin ko ang isang lalaking kanina pa nakatitig sa aking bawat galaw.


Matangkad. Maputi. Unat at itim ang buhok. May hawak na bote ng Red Horse at nakakagat ang labi. Tinignan ko siya at binigyan ng matamis na ngiti pero mabilisan ko ring inilipat ang aking paningin. Bilang. Magbilang. Isa, dalawa, tatlo…


Nakatitig pa rin siya sa akin. Lalo kong ginalingan ang pagsayaw. Ang pag-giling ng aking katawan. Alam kong ilang segundo na lang ay lalapit na siya sa akin. Tinitigan ko siya, habang nagsasayaw na parang isang ahas. Matindi.


Hindi nga ako nagkamali. Lumapit siya, pinapasuot ang sapatos ko para makasayaw ko siya.


“Hey what’s your name?” Tanong niya sa akin habang pumupulupot ang kamay niya sa aking bewang.
“I’m Benj. You?” sagot ko naman. Hindi tumitigil sa paggalaw.


“Hi! I’m Rob. Can I ride you home?” tanong niya. Malikot ang kamay niya, pero wala akong pakialam. Tugtug at sayaw lang ang tanging nasa isipan ko.


“Ikaw ha. Alam ko kung anong gusto mo. May mga kasabay ako pauwi eh.” Sabay tawa.


“O sige nga, ano gusto ko?” tanong niya na akala mo ay isang inosenteng bata.


“Secret. Basta akong bahala sayo. Tara let’s dance.” na may kasamang pilyang ngiti.


Sinayawan ko siya. Alam ko naman talaga kung ano ang gusto niya at hindi ko ipagkakait sa kanya iyon. Inilagay ko ang hita ko sa pagitan ng mga hita niya. Giling. Giling. Kembot. Agad naman niyang nakuha ang naiisip ko. Inipit niya doon ang hita ko at sinayaw-sayaw ako. Sinadya kong itama iyon sa isang bagay na posibleng maging matigas anumang oras. Ayan, nararamdaman ko na.


Nagulat ako ng maramdaman ko ang mga kamay niyang bumababa sa may bandang likuran. Sige lang tuloy ang sayaw. Pero natigilan ako ng maramdaman kong gumapang ang mga iyon sa may bandang unahan.


“Ay wag dyan.” Sabay hawak sa mga kamay niya.


“O bakit ka umiwas?”


“Wala lang.” Sabay sayaw ulit. Isang sayaw na punong-puno ng kasalanan.
Pinisil niya ang dapat mapisil sa bandang likuran.


“O bakit doon hindi ka umiwas?”


“Wala lang.”

Kunwari Madami Akong Alam








Cyberbullying


Nakita ko lang yan habang naghahalungkat sa messages ko sa facebook. September 9 pa yan. Medyo matagal na pala pero ngayon ko lang na-diskubre. Tungkol sa isang kaibigan ko na hindi ko alam kung ano ba ang ginawa.

Nakakatakot yung mga ganitong komento. Sa totoo lang, dito pa nga lang sa tumblr, madaming ganitong klaseng tao. Mahilig mam-bully, mahilig mamahiya at mambastos. Hindi ipinapakita ang mukha pero napakalakas ng loob makipag-away.

Totoo nga na masaya mang-trip dito sa internet, pero sana puro goodvibes lang. Walang dugo, walang pasa, pero matindi ang epekto nito, parang pinatay mo na rin ang isang tao.

Wednesday, October 19, 2011

Nakakatuwa yung mga taong sobrang guilty na feeling nila napakalaki ng kasalanan nila sayo, kahit ano kasing sabihin mo sinusunod. :D


Wala lang yang title ko. Pero yan din naman naramdaman ko kanina. Anyway hindi naman talaga yun yung idadaldal ko. Wala lang, gusto ko lang magkwento. Parang RF na rin. Sa tingin ko nga, nagiging diary ko na ito. :))

Kanina kasi nakapanuod ako ng isang video sa youtube. Hindi ako ang nakahanap nun, binigay lang nung kaibigan ko yung link. Ako naman si nood, sige lang. Nakita ko tungkol pala iyon sa isang magkarelasyon na sini-celebrate ang kanilang first year anniversary. Mukhang mas bata pa sa akin pero ayos lang, age doesn't matter nga daw.

Malamang hindi magiging perfect ang surprise na iyon kagaya ng mga napapanuod sa tv na merong special effects. Magpakatotoong tao naman tayo, hindi lahat ng lalaki ay may budget para sa mga surprise-surprise na yan. (Pero syempre kapag mas malaki yung budget niya, mas bongga pa sana.) Pero at least siya, talagang nag-effort. Talagang tinawag pa niya yung mga kaibigan niya para kantahan at gumawa ng kung ano-ano para sa girllet niya.

Wala lang.. Ang sinasabi ko lang sobrang nakakatuwa yung mga lalaking ganun. Mga lalaking mae-effort ng sobra. Ang swerte ng mga babaeng nakakahanap ng mga ganung klase, kase kumbaga sa hayop, endangered species na. Unti na lang kasi yung mga lalaking mae-effort ngayon. Halos lahat na lang gusto mabilisan. Hindi marunong maghirap, kapag hindi mo pinagbigyan, aalis at susuko na agad.

Yung iba naman, gastos ng gastos. Bili ng ganyan, bili ng ganun. Okay rin naman yung ganun, kaso minsan hindi naman sa materyal na bagay palagi idinadaan ang lahat. Kailangan lang talaga ng pambihirang effort at concern para mapa-oo mo ang babae.

Infairness. Nainggit ako sa video. Pero buti na lang meron akong mga kaibigan para gawan din ako ng effort kagaya nito. Kinilig ako. <33


Tuesday, October 18, 2011

Hindi ko alam...

Matagal na simula nungg matapos ang lahat ng kagaguhan ko na kasama siya. Sa totoo nga lang, hindi ko naman siya ka-relasyon. Kalandian lang at alam ko naman na hindi niya talaga ako mahal nung mga panahon na iyon. Gusto, oo. Libog, oo. Ma-swerte na lang ako na hindi ko pinahintulutan ang mga bagay na pwedeng manyari samin nun nung tatanga-tanga pa ako. At lalong masaya ako na tapos na ang lahat ng katangahan at lahat ng bulag-bulagan.


Pero ngayon, pagpunta ko sa isang social networking site..


BLAHBLAH is in a relationship with BLAHBLAHBLAH.


Ewan ko kung anong nanyari pero nalungkot ako. Siguro naalala ko lang yung dati. Naisip ko kasi na napag-iwanan na ako. Pero bata pa naman ako kaya malayong manyari yun. Sadyang napapaisip lang ako kung meron nga bang tao na para sa akin, kung mahahanap ko siya. Matagal pa naman bago manyari yun, pero naiisip ko lang talaga.
Para sa akin lahat naman ng tao mabait kahit masama. Kumbaga kailangan mo lang mahanap yung kiliti ng isang tao para matuto siyang magtiwala sayo at maging totoo sayo. Gago na kung gago, pero kapag sayo nagpakilala ang ganung klaseng tao kung sino talaga siya, masarap ang feeling.

Monday, October 17, 2011

Laitan Mondays: Don't Talk to Strangers


Naalala ko pala kahapon, mukang tanga lang. Naglalakad ako papuntang mrt nang biglang may lumapit sa aking manong.

"Miss saan ang work mo?" tanong niya.

"Ah hindi po, pumapasok pa po ako." sagot ko naman, medyo magalang.

"Kahit linggo?" tanong niya ulit.

" Ah hindi po. Wala na po kaming pasok."

"Ah ganun ba? Miss pwede makuha number mo?" tanong niya sa akin.

Syempre natawa ako. Di ko na napigilan.

"Eto naman si kuya oh, nakakaloka." natatawang sabi ko.

"Ang ganda mo kasi miss eh, ano pwede makuha?"

"Hay nako manong, hindi! Hahahaha! Dun ka na nga, nakakaloka." sabi ko habang nakakatawa.

Sa totoo lang, dapat umpisa pa lang hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala. Eh malay ko ba kung magtatanong lang kung saan ang sakayan sa ganito ganyan. Kuya talaga, mukha ka pa namang pawis na gummy bear pero hindi rin, di ka rin kasi mukhang yummy. HAHAHA.

ANSABE KO naman diba? Bata pa po ako. Tatay na kita eh. Hahahhaha.

Sunday, October 16, 2011

First Studio Photoshoot Experience :D




Dumadami ang perstaym ko sa buhay. Siguro ilang first time na lang ang dapat kong maranasan. Charooot. HAHAHAHA. Anyway, kanina lumabas na naman ang pagka-ambisyosa ko. Nagpunta ulit ako sa mga modelling cheverloooo.

Naiisip ko nga mahiwaga siguro talaga ang mundong internet dahil marami na talaga akong nakikilalang kaibigan dito na nagiging kaibigan ko sa totoong buhay. Nakilala ko si Keiann sa facebook. Pareho kasi kaming kinontak nung chever sa Go-see. So sabay kaming nagpunta. Pagdating dun sa studio, nawindang naman ako dahil meron palang photoshoot na nanyayari.


Medyo matagal din kaming nag-hintay bago ang screening. AS IN MATAGAL. Pero ayos lang, nag-enjoy naman ako makita na may mine-make-up-an, may pinipiktyuran, may nagpo-pose sa salamin, atbp.

Dumating yung magscreen samin. Pinalakad kami habang nakatakong. Nakooo naman. Hindi talaga ako marunong maglakad kapag may heels. Hindi naman kasi ako chix na babaeng-babae. Sa katunayan, boy ako. Oo, boy. Hahahaha.

Syempre ang comment, FAIL. Hahaha. Needs more improvement. Akala ko uwian na, pero bigla na lang sabi niya.. " O magbihis na kayo." Grabehan lang, yung suot ko akala mo kasama sa temptation island. Gulagulanit. Akala ko naman kasi ekekekan lang. Eh yung iba, nakaporma pala. K...

So ayun, nagpiktyur. Naghintay. Tumawa. Nakipagkilala. Nakipagkwentuhan. Natatakot pa ako sa photographer kasi first time ever ko talaga ito sa studio na may mga kasamang nagmo-model talaga. At first time ko rin magpiktyur na may nag-ayos sa akin na make-up artist. Sorry ignorante. :P


PAHINGI naman ako ng likes. HAHAHAHA. Kdot.
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=161819630578766&set=a.158713064222756.36441.138011319626264&type=3

Friday, October 14, 2011

Echoserangbata Video Blog Episode 3: Bampira sa Gabi



Ito ay RATED PG. Ang ilan sa mga eksena ay posibleng maging dahilan ng matinding pagsusuka at pagkaduwal sa harap ng monitor. Patnubay ng magulang ay kailangan. :D

Magpa-sexy na kaya ako? NOT.


Bakit paulit-ulit na lang akong naloloka? Isang patunay ba ito na ako ay isang loka-loka? Well, ang totoo niyan hindi naman talaga tanong yun. Isang rhetorical question naman iyon. Dahil loka-loka naman talaga ako. Pero hindi yan ang punto ko..
Kaya ako naloka kasi may mga kaganapan sa buhay ko na hindi ko naman inaakala. Alam naman nating lahat dito na isa akong ambisyosang feelingera pagdating sa mga model-model na ganyan.

Meron akong isang kaibigan na nakilala ko screening. Sa totoo lang, hindi pa kami nagkikita. Sa internet at sa facebook lang kami magkaibigan. Maganda siya. Matangkad. Flat Abs. Straight hair. As in. Nakakapang-liit pero hindi ko naramdaman yun kahit maliit naman talaga ako dahil napakabait niya. Sinama niya ako sa isang screening para sa event, at dahil bored ako sa buhay sembreak(pero mas masaya na to kesa sa busy sa iskwela) sumama naman ako ng walang tanong-tanong.

Pagdating dun, nagulat ako. Isa pala itong event ng isang Men's magazine. HAHAHAHAHAHA! Nakakatawa diba? Kasi hindi naman ako fit at lalong hindi naman ako sexy. Pwedeng patawa pa ulit ng isang round? HAHAHAHAAHAAA! Teka, baka mapagkamalan mo itong sarkasmo. Hindi ah, literal na tawa to! Plano ko sanang mag-back out kaso nahihiya naman ako sa kaibigan ko pati na rin sa mga tao na andun. Nakuha na kasi yung litrato namin. Alangan naman na bawiin ko pa lahat.

Anyway, highway, broadway, ayun na nga. Binigyan nila ako ng application form. "Model's info" ang nakalagay. Unang kita ko pa lang.. Nakita ko kaagad ang mahiwagang "VITAL STATISTICS". HAHAHAHAHAH. Patawa ulit.

May issue ako sa ganyan kasi alam kong hindi ako sexy. Sakto lang ako sa boobs pati sa hips. Bewang ang problema ko.

"36- _____ - 36" Hulaan niiyo nalang ang bewang ko. (Hint: malapit lang siya dyan.)

Tawa na ako ng tawa nung sinusulat ko iyon. Nagtataka na nga yung kasama ko kung bakit ako nababaliw mag-isa. Maya-may tinawag kami para sa interview. Ayos naman. Sabi pa nga sa akin nung nag-interview, magpapayat daw ako ng konti para sa next event sa December. ASA NAMAN! :P

Pero wala akong pake kung pumasok o hindi, basta ang sa akin nag-enjoy ako sa panibagong experience. 

Thursday, October 13, 2011

Dragon Pruuut: So Amazing Ebs


Paalala: Kung mahina ang sikmura mo sa mga nakakadiring bagay, malamang wag mo na ituloy ito at baka masukahan mo pa ang monitor.
Isa sa mga pinaka-masarap na pakiramdam ay ang pag-release. Sabi nga ng kaibigan ko, “Ang sarap tumae.” Ang sarap ng tae. Kumbaga yung pakiramdam na inilabas mo ang sama ng loob mo ng buong-buo at walang putol. Yung ginhawa kapag nailabas mo kung ano ang dahilan ng paghilab ng iyong tyan. Ahhh sarap.
Nagulat ako nang makita ko kung ano ang nasa inidoro. Hindi ko matanto kung bakit ganoon ang itsura ng Ebs. So amazing. Hindi ko akalain na posibleng maging ganoon ang itsura. Parang dalmatian. May batik-batik na itim. 
Habang pinagmamasdan ang “So Amazing Ebs” made by me, inisip kong mabuti ang mga kinain ko para magkaganoon. Kanin, Tapa, Maraming itlog, Chicken Tocino, Mr. Chips, Bangus na daing, isang Choco Mucho, isang buong bar ng Cadbury, Ilang gulay, ilang pirasong lanzones, Mechado, Tapsilog ulit, at tapsilog ulit. Pero meron akong naalala na isang pagkain na kamukha ng aking “So amazing Ebs Masterpiece.”
At yun ay ang Dragon fruit! Sa wakas, alam ko na kung ano ang dahilan ng isang phenomenon. Pwede pa pala akong gumawa ng iba pang-shape ng “So Amazing Ebs”. Ikaw rin, pwede kang maka-gawa. Kaya punta na sa suking tindahan at bumili ng dragong fruit. Try na!
Ps: Dapat ay isang buong dragon fruit ang kakainin para mas epektibo ang dating.

Wednesday, October 12, 2011

Suntok sa Lungs


Sobrang nalulungkot na ako. Hindi ko alam kung tama ba itong reaksyon ko sa nanyari, parang mas apektado pa ako sa mga taong totoong involved. Sa totoo lang, hindi lang ako malungkot. Naiiyak na talaga ako. Ang hirap magpaalam sa mga taong napaka-importante sayo. Ayokong isipin na manyayari to, pero wala. Nanyari na rin. Wala naman akong magagawa. Wala rin silang magagawa. Ang tanging posibleng manyari na lang ay pagtibayin namin ang relasyon ng bawat isa. Pero paano manyayari yun? Posible pa kaya yun kung minsan-minsan na lang kami magkikita? :((

Sabi ng kaibigan ko, may linya sa gitna ng pagka-miss at sa paglimot. Ayokong mapunta ang lahat sa kalimutan. Pero paano kung sa parte ko hindi lumalagpas sa linya ng pagka-miss, pero paano kung sila oo? Ang sama talaga ng loob ko.  Hindi ko maintindihan kung bakit ganito yung nanyayari. Pakiramdam ko inagawan ko. Pakiramdam ko, iiwan ako. At pakiramdam ko, mag-isa na lang ako. Pinagdadasal ko bago matulog na sana hindi manyari ito. Pero nanyari pa rin. Ayokong magkahiwalay kami.

Kung sino pa yung mahalaga, siya pa yung mawawala. Kung sino pa yung kailangan mo, siya pa yung maglalaho. Kung sino pa yung gusto mong makasama ng pang-matagalan, siya pa yung aalis. Alam kong walang may gusto nito, sadyang tinadyakan lang kami ng tadhana. Sinipa-sipa ng kanya-kanyang kapalaran.

Tuesday, October 11, 2011


Naloloka ako sa mga Call center agents na tawag ng tawag dito sa bahay para maningil ng utang.

Ganito kasi yun..

Maliit lang naman ang bahay namin. Pero dahil mas maliit ang pamilya namin kaysa sa bahay namin, nagkaroon kami ng boarders. Isa sa dalawa naming boarders dati, ay naninirahan pa rin dito. Pero yung isang boarder namin na napaka-gaga ay wala na.

Hindi ko rin alam kung paano niya nagawa ang lahat ng iyon pero malaki kasi ang pagkaka-utang niya sa mga bangko. Madami siyang credit cards at ginamit niya iyon ng ginamit. As in want to sawa. Unlimited pero limited din pala. Kumbaga pina-abot niya ng maximum ang utang niya sa mga credit cards.

Pagkatapos noon ay umalis na siya dito. Sa totoo lang, may utang pa siyang 2k dito pero di bale na.
Sa madaling salita, tinakasan niya lahat ng utang niya. As in wala siyang balak magbayad. Nagpalit din siya ng opisina na pinapasukan. Bongga teh. Pero masamang gawain.

… Kaya ayun, kahit mahigit limang taon na siyang wala dito, todo tawag pa rin dito sa bahay namin yung mga tinakbuhan niya ng utang.

Kaya ko nasabing nakakaloka ang mga taga-call center na tumatawag dito dahil sa dami na ng experience namin sa kanila. As in tawag talaga sila ng tawag kahit ilang beses namin sabihin na wala dito ang hinahanap nila.

Nakakaloka nung minsan, nag-panic attack yung tatay ko. Paano ba naman kasi? Binalaan ng agent na yun yung tatay ko na kukunin daw nila lahat ng gamit dito sa bahay. Tapos ipapakandado itong bahay. Eh alpha kafal the fes naman. Ang lakas manakot. Pero inferneeesss, gumana sa tatay ko. Talagang tumawag siya sa brgy. Tapos pinauwi niya yung nanay at isa pa namin boarder dito sa bahay kasi daw “kukunin na yung bahay” namin. Natatawa na lang ako.

Isa pang nakakaloka na experience eh yung kanina. Napaka-taray! Nakakaloka. Ako mismo ang nakipag-usap at nung hindi na kinaya ng super powers ko ay ibinigay ko na sa ate ko.

Agent: Hello, andyan ba si Chris?


Ako: Sino po sila? Ay wala pong nakatira dito sa bahay na ganyan.


Agent: E tama naman itong number na tinatawagan ko ah.


Ako: Eh wala nga pong nakatira na ganyan dito.


Agent: Ah talaga? E ang galing naman! Paano nakuha yung number niyo dyan?


Ako: Eh malay ko po ba. Bat sa akin niyo itinatanong?


Agent: E paano niya nahulaan yung number niyo kung ganoon? Ito kasi yung binigay niya.
(insert paulit-ulit monologue ng agent tungkol sa kung papaano nakuha yung number.) Hindi ko kinaya, unli ata si Ate at hindi makuntento na WALA dito ang hinahanap niya. Binigay ko sa ate ko.


Ate: Hello sino po sila?


Agent: Andyan ba si Chris?


Ako: Potek, paulit-ulit sinabi ko na nga na wala. (Kay ate)


Ate: Ay walang ganito. Sa iba na lang kayo maghanap. Lagi na lang hinahanap yan dito eh hindi naman namin yan kilala.


Agent: Gaano katagal na ba yang bahay niyo?


Ate: Mga 1960s pa.


Agent: Ahhhhhhhhhhh. Wow. Ang galing naman ang tagal na pala ng pldt niyo kung nung 1960s pa. Bat hanggang ngayon buhay pa rin?


Ate: Ah, yung bahay kasi yung tinutukoy ko diba? Akala ko naman matalino ka. Yung bahay yung tinatanong mo eh.


Agent: Ano?!


Ate: Wala. Sabi ko walang nakatirang ganyan dito. Sa iba na lang kayo nmaghanap kasi wala naman ganyan dito. Subukan niyo hanapin sa opisina niya, malay mo.


Agent: Eh parang mas magaling ka pa sa akin ah, ikaw na lang kaya dito?


Ate: Ayoko nga.


Agent: E bakit ayaw mo?


TAS PARANG AKO… WHAT THE FUCK. Tumawag ba siya para makipag-away? Nakakapang-init ng mani! D:<