Saturday, July 30, 2011

Gusto ko ng Baboy

Babala: Ang ilang salitang nagamit ay nagpapakita ng kawalan ng pakialam sa maiisip ng mambabasa. Maaring mapagkamalang isang rant post. Pero oo. Parang ganun na rin ito.

Nuebe pesos. Yan ang natirang pera ko pauwi. Sagad na naman. Oo, gipit ako palagi. Masyadong mahal ang punyetang pamasahe papunta at pauwi. At masyado ring madami ang mga xerox shits para sa iskwela. 
Pauwi na ako ng makaramdam ako ng gutom. Gustong kumain pero walang pera. Bumili ng isang pirasong isaw bituka sa Mang Isaw sa Recto Station. Pagkatanga nga naman, kapag tumira. Maanghang ata ang nailagay kong sauce. Uhaw. Uhaw. Uhaw. Gusto ko ng malamig na gulaman. 

Sana may pera pa ako. Yun ang naisip ko habang binubuksan ang pulubi kong pitaka. Sira na nga, butas pa. Putik yan, hindi ko pa napapalitan. Di bale, papabili ako ng pekeng Harajuku Lovers sa Divisoria kapag nagpunta kami.

Apat na piso ang tumambad sa mukha ko. Putek yan. Wala na akong pera para sa gulaman. Biglang nagpikita ang kumikislap na limang piso. PAK. Piso na lang. Piso na lang. Todo halungkat sa pitaka.
Punyeta. Wala na. Sagad na. Nuebe lang pera ko. Kulang pera ko. Naisip ko palibre na lang ako ng piso sa nagbebenta. Kaso wag na nga, makapal na masyado ang mukha ko kapag ginawa ko yun.

Pakederm. Wag na nga. Uuwi na lang ako sa bahay at iinom ng tubig.

Habang nakaupo sa LRT, naisip kong isa ito sa pinakamatagal na byahe. Tingin ng telepono. May text. May GM. May jeje. May galit na GM. Tipong NAKA-ALL CAPS at KULANG NA LANG EH PURO !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ganyan ang makita. Nagagalit kakahanap sa amin. Sa akin.

Eh punyeta, pauwi pa lang ako. Todo hanap eh hindi rin naman ako makakapunta. Bahala ka sa buhay mo. Pakyu. Nairita ako. Galit palagi. Galit palagi. Galit palagi. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Oo naiintindihan kita. Pero hindi lang kasi yan ang ginagawa ng tao. Marami pang iba. Mas importante. At wala akong pakialam sa mga may ibang ginagawa na nakakapunta. Karamihan lang din naman, puro landian lang ang habol. Punyeta magsama na lahat ng malandi. 

Gusto ko ng baboy. Tatanungin kita. Bakit ang anit ay maputi pero ang kilikili ay maitim? Bakit may mga taong ayaw sa okra dahil madulas pero gustong-gusto ng taaaaaaaaaaammmmmmmm…. Alam mo na.

Tuesday, July 26, 2011

Pre Sure!

“Galaw-galaw baka ma-stroke.”

Sikat ang linyang yan sa ating mga Pilipino. Pero alam niyo ba na may basehan yan? Sabi ng propesor ko, kapag ang isang tao ay hindi gumagalaw at matagal na nasa iisang posisyon lang, maaring magkaroon ng “contractures” at “pressure ulcers”. Ano nga ba ang mga ito?

Ayon sa Wikipedia, ang contracture ay “a shortening of a muscle[1] or joint.[2]. It is usually in response to prolonged hypertonic spasticity in a concentrated muscle area, such as is seen in the tightest muscles of people with conditions like spastic cerebral palsy.

Samantalang ang Pressure Ulcers naman ay “are lesions caused by many factors such as: unrelievedpressure; friction; humidity; shearing forces; temperature; age; continence and medication; to any part of the body, especially portions overbony or cartilaginous areas such as sacrum, elbows, knees, and ankles.

Akala niyo naintindihan ko yun? Hindi ah. Ang tunay na dahilan kung bakit ako nagkakaganito dahil gusto ko mag-reklamo. Sobrang kulang ng Christmas break na ito. Pagdating ng pasukan, puro ganito na naman aaralin ko. Hindi pa ata mada-digest ng katawan ko yung mga kinain ko nung Noche Buena at kakainin ko sa Media Noche, eh may pasok na. Sana naman ginawa nilang mas mahaba ng kaunti. O siguro, ayos lang yung ganito tapos walang dagdag na mga takda o kung ano pa mang echos ng mga guro. Kaso hindi eh.  Maikli na nga ang bakasyon, madami pang pinapagawa.

HAHAHAHA. Pasensya na kung nag-iinarte na naman ako ngayon. Sa tuwing iniisip ko kasi ang iskwela, gusto ko ng kalimutan ang lahat.

(Ang dami kong reklamo eh nu? Kung tumigil na lang kaya ako diba? Hahaha.)
Ang buhay natin parang puno. Maraming sanga. Ibig sabihin maraming aspeto. May mga tao na masyadong nagpo-focus sa iisang aspeto ng buhay nila. Naisip ko lang naman.. Siguro dapat pahalagahan ang lahat ng aspeto sa buhay pero wag ka mag-focus sa iisa. Parang ganito lang yan. Sa isang puno, kapag sobrang madaming prutas ang namunga sa iisang sanga.. Posibleng maging masyadong mabigat yun at maging dahilan ng pagbagsak ng sanga na iyon. Syempre hindi ko alam kung posible ang mga sinasabi ko, sa isip ko lang naman yan.
Uso na naman ang simbang gabi. Mga utot. Yung iba pumupunta para pomorma. Yung iba pumupunta para maghanap ng cute. Yung iba nakikipagdate. Yung iba nakikipagdaldalan lang. Yung iba gusto lang lumabas sa gabi. Yung iba gusto lang kumain nung mga bibingka. Yung iba gusto lang matupad yung wish nila. Yung iba nakikiuso lang. Yung iba nagpapahangin lang. Yung iba natutulog lang.

Naalala ko dati, may mga kaibigan akong nagsisimbang gabi lagi. Magkakasama kami.
Tapos nung nagka-boypren sila, wala na. Wala na akong kasama. Awww.

(pero sa totoo lang, di ako mahilig mag-simbang gabi. Tamad kasi ako. )

Ang Wish ko sa Pasko

Ako ay isang batang maraming wish. Nung bata ako, mahilig ako sa mga laruan. Kaya tuwing pasko, may sinasabit kaming medyas sa may pintuan. At ako naman ay todo sulat ng wishlist ko. Sa di malamang kadahilanan, talagang naniwala ako kay Santa Claus.

Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko alam kung totoo ba sya o nanay ko lang pala. Nung bata kasi ako, merong pasko na dalawa lang kami ng nanay ko sa bahay. Pinagbawalan ko siya na umalis sa tabi ko. Yun kasi yung bisperas ng pasko na kung saan ibibigay na ni Santa yung hiling ko. Maya-maya, may kumalabog sa labas.. Tumakbo ako agad para makita kung ano yun, laking gulat ko! Isang regalo galing kay Santa! Polly Pocket mall version yung laman! Paano nanyari yun eh kasama ko nanay ko nung panahon na yun? Tapos sa loob pa talaga ng bahay namin nakalagay yung regalo? Kaya paniwalang-paniwala ako eh.
O baka tanga lang ako.

Dati ganun ang mga gusto ko. Patanda ng patanda, pamahal ng pamahal ang gusto.. Hanggang sa hindi na kinaya ni Santa.

Pero ngayon, yung hiling ko.. Mukhang hindi na talaga mabibigay ni Santa.. Alam mo kung ano yun?

Ikaw kasi yun.

Ang Amoeba at ang Magarang Sasakyan

Buti na lang, nakaalis na ako sa mundo ng mga manika. Hindi ko alam kung paano. Basta bigla na lang ako napunta sa isang masayang lugar. Dito lahat ay parang mga bata. Naglalaro. Masaya. Lahat dito tanggap kaya naman gustong-gusto ko na tumambay dito. Kung pwede nga lang, hindi na sana ako aalis. Kaso may pwersa na tipong humigop sa lahat ng narito. Lahat nawala. Lahat nag-hiwalay. Lahat nagkawatak-watak. Wala naman akong magagawa, isa lang akong ordinaryong tao. Hindi ko kayang labanan ang pwersa na iyon.. At sa muli, mag-isa na lang ako.

Naglakad-lakad ako sa kalyeng hindi ko alam kung anong pangalan. Lahat ng naroon, hindi ko alam kung tao  ba sila, manika o robot. May nakita akong sasakyan, parang jeep sa totoong buhay. Ang lakas ng musika na galing roon kaya agad-agad akong pumunta dun. Mukhang masaya eh.

Namangha ang mga mata ko nung nakita ko kung ano yun. Hindi ko maipaliwanag. Masyadong maraming kulay at maraming palamuti ang sasakyan na iyon. Parang disco ang mga ilaw, patay-sindi. Yumayanig ang lupang kinatatayuan nito, parang may isang kasiyahan sa loob. Gusto ko pumasok, pero nahihiya ako. Wala naman kasi akong kilala roon.

Biglang may kakaibang nilalang ang lumabas galing sa sasakyan na iyon. Hindi ko matanto kung tao, impakto, robot, o alien ba sya. Amoeba ang unang rumehistro sa utak ko. Ah, oo,  Amoeba nga. Mabait ang Amoeba na iyon, kinakausap niya ako lagi. Ang dami niyang sinasabing maganda, na pinaniwalaan ko naman kaagad. Akala ko kasi kaibigan ko siya. O higit pa. Tinawag niya ako at inanyayahan na pumasok sa loob nung kung anong sasakyan. Pagpasok ko sa loob, nagulat ako. Ang daming nilalang ang nandun. Iba-ibang uri. May syokoy, sirena, tsokolate, duwende, tagyawat, at  pati ilang hominidae o mas kilala sa tawag na “mga taong bakulaw”. May kasiyahan nga. Tinignan ko sila, lahat sila nakangiti at tumatawa. Nagkakantahan, nagsasayawan at nagkukulitan pa. Tinitigan ko ang kanilang mga mata. Parang sobrang dilim ng kalooban nila, lahat umiiyak, naghihinagpis at umaasa sa wala. Natakot ako, siguro may kinalaman ang Amoeba doon. Ibinulong ng utak ko, “Umalis ka na dyan. Delikado dyan.” Pero ang katawan ko, hindi gumalaw. Parang may sariling isip, o siguro puso ang nagde-desisyon sa mga panahon na ito. Nagwawala na si Utak. Gusto ng tumakbo palayo dahil alam naman nito kung anong patutunguhan. Tamad pa rin ang kabuuan. Paralisado.  Ayaw maniwala. Ayaw gumalaw. Ayaw lumayo.

Lumakad pa ako papasok sa loob, nakita ko ang maraming salamin. Pumunta ako doon upang tignan ang maganda at malawak na kapaligiran ng sasakyan. Laking gulat ko, iba ang nakita ko. Sa isang banda, nakita ko ang Amoeba, masayang masaya na tumatawa. At sa isang salamin..

Yung mata ko, naging itim.. Umiiyak, naghihinagpis at umaasa sa wala.
Bawat isa sa atin, dapat matuto na pasayahin ang sarili. Siguro, hindi naman talaga natin kailangan ng ibang tao para sumaya tayo. Mas pinipili lang natin na maging masaya kapag andyan sila.

Libog

Sabi nila, ang ibig sabihin ng salitang “libog” sa Iloilo ay “lito”. Kaya pwedeng-pwede mo na ito gamitin kahit saan! 

Halimbawa, sa classroom.

Estudyante: Ma’m ma’m, nalilibugan po ako sa lessons niyo!
Kapag wala ka sa sitwasyon, ang talino mo. Alam mo kung anong gagawin mo. Alam mo kung anong tama at mali. Alam mo ang epekto ng lahat ng gagawin mo. 

Pero anong nanyayari kapag asa sitwasyon ka na? Nagiging tanga ka. Nagiging matigas ang ulo mo. Hindi ka na marunong makinig. Akala mo tama yung mga desisyon mo pero ang totoo, mali. 

Siguro, pumapasok na kasi dito yung EMOSYON. Hindi na puro ISIP ang gumagana, pati PUSO nakikisama na.
Maraming tao ang nahihirapan tumigil. Sa kahit anong bagay, sa kahit anong aspeto ng buhay.
Tulad na lamang ng mga taong mayroong bisyo. Halimbawa, pag-inom ng alak at pag-yoyosi. Karamihan sa kanila, sinasabing titigil na. Pero hindi naman talaga ganun kabilis yun. Kailangan ng oras para tuluyang huminto sila sa kanilang mga bisyo.

Tulad ng isang taong nagmamahal. Kahit nahihirapan na o nasasaktan, tuloy pa rin. Kapag nakakapag-isip, sinasabi sa sarili na ititigil na, pero ang resulta, wala pa rin. Ganun pa rin. Masyadong maraming konsiderasyon na binibigay. Minsan pa nga ang mga taong ganito, kahit alam naman nilang walang pag-asa, humihingi pa ng kung anu-anong senyales. Tapos kapag nanyari yung hiningi nilang sign, pero hindi naman umayon sa gusto nila, pilit nagbubulag-bulagan. Pilit na isinasantabi at hindi pa rin titigil. Patuloy pa rin. Ang labo ano?

Ganun nga kasi talaga siguro. Kailangan mo ng oras.

Alam ng utak, matigas lang ang ulo

Alam mo ng mali.
Alam mo nang isang malaking kalokohan.
Alam mo nang magmumukha kang tanga.
Alam mo nang nakakagago.
Alam mo ng nakakaloko.
Pero tinutuloy mo pa rin. 
Kasi matigas ang iyong ulo.
[Bakit nga ba matigas ang ulo ng mga tao? Para protektahan ang utak na hindi naman sinusunod.]

Naranasan mo na ba?

Makatapak ng tae ng aso sa kalye nyo?

Maiputan ng ibong lumilipad sa ulo kakatapos mong maligo?

Makipagbatuhan ng pamato ng piko sa mga kalaro tapos sa huli iiyak din dahil binaril ng pellet gun?

Mag-split sa gitna ng kalsada?

Madulas sa entablado ng dalawang beses sa isang performance?

Pumila ng dalawang oras para makasakay sa rollercoaster ride na tumatagal lamang ng apatnapu’t limang segundo?

Kagatin ng ipis sa binti at magkaroon ng infection?

Na langgamin yung towel mo tapos huli na ang lahat ng malaman mong may langgam pala?

Magpakatanga ng sobrang tagal dahil sa iisang tao?

Ang sakit no?
Ayon sa Wikipedia, “ang kuto (Ingles: head lice o head louse) ay isang uri ng maliit at walang pakpak na kulisap na salot sa katawan ng tao.”

Para naman sa http://dxupfm.i.ph, “Ang kuto ay napakaliit na insekto at kulay brown. May mga matutulis na kamay ang kuto (parang ipis). Kumakapit ito sa ating buhok.”

Nakakainis naman talaga ang kuto. Ang kati-kati talaga sa ulo. Kamot ka ng kamot, suyod ka ng suyod, wala naman nanyayari. “Mabuhay ang mga kuto!” pa rin ang drama nila sa ulo natin. Hala! Sige. Naalala ko yung kapt bahay namin dati, ang buhok na dating itim nagiging puti na, punong-puno ng lisa. (Ang mga lisa ang mga baby eggs ng beloved kutobelles.)

Isa pa, mabilis makahawa ang kuto! Hala! Yung kalaro mong may kuto, maglaro lang kayo nyan saglit may kuto ka na rin. Kaya naman kadalasan, ang mga batang babae na laging naglalaro ng bahay-bahayan o luto-lutuan e palipat-lipat lang ang kanilang mga kuto.

Perwisyo talaga ang magkakuto kaya naman todo effort ang mga mudrabelles natin para puksain sila!
Syempre, ang pinakamabenta eh yung suyod! Yun yung suklay na may maliliit na ngipin. Naalala ko pa nun, kapag bago ang suyod medyo masakit pa sa anit kasi medyo matulis pa yung mga ngipin ng suklay. At talaga namang dapat dahan-dahan lang ang pagsuklay mo, lalo na kapag maraming “tangles” ang iyong buhok kasi mabubungi agad yung suyod mo. Sige ka.

Sabi rin nila magpagupit ka ng maikli o kaya naman magpakalbo ka na lang. Para wala ng makapitan ang mga kuto. Okay naman, pero pag strong ang mga kuto mo, aba! Gamitan mo na ng kwell shampoo! Oha, ayun, gamitin mo lagi para mamatay lahat ng kuto!

Kuto, kuto, kuto. Dumaan ako sa stage ng buhay ko na dinagsa ng kuto ang ulo ko. Lahat naman ng batang mahilig maglaro sa arawan at gumamit ng Vaseline shampoo ay nagkakuto. (Walang proof yung sa vaseline pero yun ang hinala ko.) Hipokrita ka kapag sinabi mong never ka pa nagkakuto. Normal lang magkakuto, wag ka magpaka-abnormal.

Matagal na akong walang kuto pero syempre, todo ingats pa rin dapat tayo sa paligid natin. Baka mamaya nagliliparan na sila. 

“Andyan na siya.. andyan na siya..”

Facebook Poke

Anong silbi nito? Simula kagabi, kanina pa kami napo-“poke-an” nung kaibigan ko. Wala naman nanyayari.

Siguro para mangulit?

Para manglandi?

Para mangbwisit?

Para maging close ang taong hindi mo close?

Parang mga batang mangit o swangit na masarap paluin.

Parang mura na candy na lagi mong binibili sa tindahan.

Wala lang. 

Oh Girls

Hindi porke babae ako, bulag-bulagan ako sa mga mali ng mga babae. Napapansin ko kasi na maraming babaeng nagagalit sa mga taong paasa. Sa mga taong nile-label na pa-fall o kung ano-anuman. Totoo naman talaga. May mga lalaki talagang ganun pero minsan, o kaya naman sabihin natin ay madalas. Madalas babae rin naman ang may mali.

Marami kasi sa mga babae ang mahilig magbigay kulay sa mga bagay na colorless. Kumbaga, lahat binibigyan ng meaning. Halimbawa na lang kapag sweet-sweetan ang lalaki, iisipin na kaagad ng mga babae, “Aba! Type ako nito.” Kumbaga mahilig mag-assume. Kahit wala naming ibang intensyon iyong lalaki kundi magpakabait.

Hindi ko nilalahat. Sinasabi ko lang ang ilang na-obserbahan ko.  Dahil..

minsan talaga mas mabuting hindi na mag-isip o hindi na gamitin ang utak para wag mag mukhang tanga. 

Ang Toy Story sa Totoong Buhay

Nung bata ako, mahilig ako maglaro. Malamang. Lahat naman ata. Ang batang hindi marunong maglaro, WEIRDO. 

Ang dami kong nalaro nung bata ako. Bahay-bahayan, Agawan Base, Patintero, Marcos-marcos, Piko, Teacher-teacheran, Doktor-doktoran, Doktor Kwak kwak, Ice ice water, Sili sili, Bangsak, Tumbang Preso, Caterpillar/itlog, Cashier-cashieran, Tagu-taguan, Multo-multuhan, Pitik bulag, Si Nena, Spaghetti, Pamela, Nanay Tatay, Mataya-taya, Luksong baka, Luksong tinik, Chinese garter, Ten-20, Habulan bakal, Habulan bato, Langit Lupa, Text, Jolen, Pick and split, Ketchup, Let’s go bang, Concentration, Who stole the cookie, Pass the message, Spirit of the ballpen, Spirit of the coin, Bending bodies, step no, I wanna be a tutubi, Hula-hoop, at madami pang iba.

Pero syempre dahil babae naman talaga ako, (Nagpapanggap na lalaki, nagpapanggap na bakla) espesyal pa rin sa akin ang mga Manika. Sila Barbie pati na rin yung mga Bratz, Betty Spaghetti at Polly Pocket. Halos lahat ata ng Mattel Products?

Ang saya-saya ko nun kapag yun ang laruan ko. Hanggang tenga ang ngiti ko pag ganun.
Pero syempre ngayon, nagbago na ang lahat. Lumaki na ako. Tumanda na ako. (Kahit unti lang) Nagbago na ako.

Kaso nga lang meron atang mga taong hindi pa rin nagsasawa sa pagkabata. Mga taong hindi makaalis sa nakaraan at hindi kayang lumaki o maging wasto ang utak. Siguro, ito ang dahilan kung bakit may mga taong mapaglaro. Sa sobrang playful, pati tao pinaglalaruan. Hindi nakakatuwa yun. Hindi nakakatawa yun. Ang mga ganitong tao, mahirap lapitan. Hindi kasi nila alam na ang mga tao ay may pakiramdam.

Kaya nga tinawag na “TAO” dahil hindi naman siya bagay.

Hindi siya laruan ng isang bata na kapag nagsawa na eh itatapon na lang ng basta-basta. Hindi siya isang damit na kapag sinuot, papalitan agad. Hindi siya  chewing gum na kapag wala ng lasa, idudura na ng mabilisan. Hindi siya pagkain na mainit na kapag nakapaso, iluluwa kaagad. Hindi siya unlitxt na pwede lang for 1 day, 2 days, 3 days, 5 days, o one week. Hindi siya isang laro sa isang computer game na pwedeng i-control at i-customize. Hindi siya isang regalo na ipinamimigay lang kung kanino mo ma-tripan. Hindi siya underwear o panyo na merong tatak na Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday at Sunday na pwedeng gamitin araw-araw ng salit-salitan. 

Ang “TAO” ay tao at hindi isang gamit para gamit-gamitin lang.

Ang “TAO” ay tao at hindi isang laruan para laru-laruin lang.

Salamat sa mga Kwentong Wala Lang

Ang sarap magkwento. Ang sarap maramdaman na may mga taong nakikinig at handang makinig sa mga kwento mo. Pero bakit ka ba nagkwekwento?

Ilan lang to sa mga dahilan.


  • Galit ka. BV ka. Parang stress ball, pampatanggal stress. Pag sobrang naiirita ka na sa mundo, magkwento ka lang. 
  • Malungkot ka. Kasi nakipagbreak sayo syoting mo. Mababa grade mo. Hindi ka crush ng crush mo. Mga ganun, mga bagay na hindi mo gusto manyari pero nanyari sayo. Ikwento mo, gagaan ang loob mo.
  • Masaya ka. Punong puno ka lang talaga ng happiness at talaga namang hanggang tenga ang ngiti mo. Kwento at tawa yan.
  • “Wala lang.” Para hindi boring. Para lang may mapag-usapan. Para may masabi lang.


Pero sa bawat “wala lang” unti-unti mong nagiging close yung mga kaibigan mo ng hindi mo namamalayan.
KAYA NAMAN maraming salamat sa mga “WALA LANG” na pag-uusap.

Anong punto nito? Anong punto ng mga sinasabi ko?

“Wala lang.”

Pamporma Tips for Guys

BABALA: Ang lahat ng ito ay walang basehan o siguro meron talaga pero hindi ko pa alam. Pwedeng mapahiya, pero malay mo success!
Useful tip lang para sa mga lalaki. Kung gusto niyong lumigaya ang inyong buhay..
Dapat alamin niyo kung kailan ang ovulation period ng chicks na po-pormahan niyo.
Ang mga babae kasi ay parang aso sa pang-amoy kapag ovulation period nila. (Kaya pala tawag din sa mga ibang taong babae ay bitch ano? Echos lang.) Pero totoo yun. Malakas ang pang-amoy nila, at para mabighani mo ang isang binibini kailangan mong magpabango. At kung pipili ka ng pabango, dapat maayos ang pagka-blend nito sa pawis mo. Dahil para sa mga babae, ito ang pinaka nakaka-“arouse” na amoy.
PABANGO + UNTING PAWIS ng lalaki.
(Kaya siguro ganun na lang ang paghahabol ng mga babae sa lalaki dun sa commercial ng Axe. “Even Godesses will fall.”)
Ang weird ano? Hindi ko rin alam kung bakit nagkaganun, pero mukhang totoo naman.
Ang tagal ko ng gustong i-hinto lahat ng kagagahan ko pati na rin ang kagaguhan natin. Ang iniisip ko lang naman, ayokong sabihan mo ako ng "paasa" dahil hinayaan kong isipin mo na gusto kita. Pero aaminin ko sayo ngayon, hindi na kita gusto. Ayoko lang sabihin sayo kasi mukhan enjoy na enjoy ka sa alam mong "may gusto ako sayo".

Saturday, July 23, 2011

Umiibig = Tanga?

Isang komplikadong bagay o pangyayari na lahat ng tao ay posibleng maranasan. 
Kumbaga sa cellphone, dual sim. Pwedeng masaya, pwedeng malungkot.
Kumbaga sa subject, Math/Physics/Chem. Mahirap intindihin.
Kumbaga sa kapansanan, pagkabulag. Puro pakiramdam ang iniintindi.
 Pwede rin pala ang pagkabingi. Hindi marunong makinig.
Kumbaga sa kape, all-in-one. Pwedeng malungkot, masaya o steady lang.
Kumbaga sa panahon, pabago-bago. Walang permanente. Hindi mo alam kung  hanggan kailan.
Kumbaga sa tao, bata. Inosente.
Kumbaga sa pelikula, horror. Nakakatakot.
Kumbaga sa lugar, carnival. Masaya.
Kumbaga sa syudad, Maynila. Magulo.
Kumbaga sa tubig, tubig canal. Malabo.
Lahat ata ng mga simpleng bagay, makukumpira mo sa pag-ibig. Pero bakit ganun?
Ang dami pa ring mga tao na kahit paulit-ulit ito maranasan, TANGA pa rin?
“Ang buhay, parang isang pelikula.”

Yan ang sabi ng ibang tao. Totoo nga ata sila. Pero hindi lahat ng pagkakataon, tayo ang bida. Kung tatanungin mo ako kung kamusta na ang pelikula ko, eto ang sagot ko.
Nag-aantay pa ako sa “take” ko. May mga pagkakataon na akala ko eksena ko na, yun pala mali. Siguro ngayon nag-mememorya pa lang ako ng linya na hindi naman nakasulat. Kahit aralin ko, “on the spot” pa rin ang magiging pag-arte ko. Hindi ko alam kung anong kalalabasan. Kung maraming matutuwa, maraming maiinis, maraming magugulat. Ewan ko lang. Pero sa ngayon, dito muna ako sa gilid. Manunuod na lang muna ako sa kanila.

Sa eksenang to, hindi ako ang bida.. kundi sila.

Kilig Vibes.

Kilig Vibes.

Naranasan mo na bang kiligin? Ewan ko lang. Pero lahat naman ata ng tao kinikilig. Kanya-kanyang rason, kanya-kanyang dahilan. Kadalasan nangyayari ito kapag nakikita mo ang taong gusto mo. Taong mahalaga sayo. Taong crush mo. Taong mahal mo.

Pwede namang maki-“kilig” ka lang.
Kapag halimbawa nanunuod ka ng isang korni na pelikula, o kaya naman kapag may ginawang “sweet” sa kaibigan mo.

Nakakatuwa yung mga taong kinikilig. Kasi para silang mga batang binilhan ng candy at magandang laruan. Kapag kinikilig ang tao, limot lahat ang problema kahit panandalian lang. Nakangiti, tumatawa, akala mo baliw na kinakausap ang sarili. Pag hinanap mo ang aura ng taong kinikilig, makikita mong kulay pink ito at sobrang saya ng dating. Makikita mo yung mukha, nagkakaroon ng instant blush-on at biglang gumaganda ang pananaw sa buhay.

Kung lahat ng tao kikiligin, edi masaya. Magiging kulay pink ang mundo.
Pero syempre, lahat ng sinasabi ko imposible.

Ayoko sa lahat, may mga bagay o tao ako na gustong mawala na parang bula pero hindi ko magawa.

-Tulad ng pag-flush ng isang pupu sa kubetang barado.

Bakit may mga bagay na gusto nating kalimutan pero hindi natin magawa? At bakit yung mga bagay na kailangan nating maalala ang nakakalimutan natin?

Naalala ko nung bata ako, mahilig ako sa hotdog. At hindi lang basta hotdog. Ang matindi dun, gusto ko ng pritong hotdog na nilagyan ng asukal. Parang BananaQ. Mahilig rin ako na gawing sawsawan ang ketchup kapag kumakain ako ginisang corned beef. Ang weirdo ko talaga nu? Ganun eh.
Isa lang ang masasabi ko. Kanya-kanyang trip yan. Eto ang trip ko, yan ang trip mo. Magkaiba tayo. Hindi lahat ng tao sa mundo magkapareho. Iba-iba ang gusto natin. Pangarap, pangalan pati na rin paniniwala natin. Kaya tama na ang reaksyon. Punong-puno na ng reaksyon ang mundo, mali ang pagkakaintindi sa bawat kilos, galaw, at pananalita.

Gets mo na?

Hulaan mo. Ano to? Mahirap mahulog, baka maging cheesy. Mahirap mahulog, mahirap makaahon. Mahirap mahulog parang bangin. Sabihin natin, pag-nahulog ka dito, para ka na ring kinahon sa metal box na pinuno ng kadena sabay tapon sa dagat. Kapag merong nanyari na hindi mo gusto, suntok sa lungs, o suntok sa ribs ang mararamdaman mo. Masakit. Mahirap itago. Kailangan iiyak. Kailangan ng musika na may kalungkutan din. O kaya minsan, pati buhos ng ulan. Yung iba masaya, yung iba sakto lang, yung iba hinahanap, yung iba nagmamadali, yung iba malungkot, yung iba takot, yung iba iniiwasan. Iba-iba. Sari-sari. Halo-halo. Walang nakakainitndi sa atin. Kung meron man, unti lang. Bihira lang, Miminsan lang. Pero isa lang ang sigurado. Panahon lang ang makakapagsabi.

Malamang hindi mo ako naiintindihan sa mga sinasabi ko dito kung hindi mo pa nahuhulaan ang tinutukoy ko. Parang blackhole eh. Hinihigop lahat. Hanggang sa wala ng matira sayo. Wala nang natira para sa sarili mo. Pwede rin natin sabihin na hindi nito hinigop ang lahat. Ganun naman eh. Kusa mong ibibigay. Huli na kapag nalaman mong sayang lang lahat. Ikaw na nga ang nagbigay, ikaw pa ang tanga.

Ano? Nahulaan mo na ba? Dapat ang sagot mo, OO. Kasi lahat ng tao nararanasan to eh. Bata, matanda, babae, lalaki, bakla, tomboy, butiki man o baboy. Ewan ko. Ang labo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ito ang naisip kong isulat. Hindi ko pa naman to nararanasan, o baka akala ko lang. Mukha nga. Akala ko lang. Pwede rin na baka ito ang naisip ko dahil sa mga taong nakapaligid sa akin. Madami sila. Halos lahat, ito yung issue. Nakakagulat na ito ang kayang mag-pasaya sa atin. Mag-paikot ng mundo. Mag-lagay ng mga ngiti sa bibig natin. Mag-bigay kislap sa mata natin. Pero hindi natin alam, ito rin ang makakasira sa mundo natin. Makakapag-paiyak sa atin. Minsan pa nga, pag nasobrahan na, meron pang nagpapakamatay. Ang saklap nun.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ko at kung anu-ano na naman ang pinagsusulat ko. Medyo nakakalito. Nakakagulo ng utak. Siguro nga ganito talaga to. Magulo. Kailan nga ba naging maayos? Kung lahat eh maayos, wala ng magulo. Ang labo. Tulad ng sinabi ko kanina, baka nasulat ko to dahil sa mga taong nakapaligid sa akin. Haluan natin ng salitang bakla para mas gumulo pa.

Si churva, churva si churva pero hindi naman niya churva, dahil ang churva talaga ni churva ay si churva na hindi namin maintindihan. Malabo eh. Lahat kasi ay churva. Isa pang churva ay chuchurva na sa churva para mag-churva eh panu naman ang churva. Si churva naman ay may churva kay churva kaso may chinuchurva naman si churva kaya si churva, churva na lang. Si churva naman churva rin kay churva pero ang alam ni churva si churva ang churva kaya hindi siya chumuchurva dito. Si churva naman na nang-chuchurva kay churva ay ma-churva. Ang labo rin. Hindi ko maintindihan kagaya ni churva. Si churva ay hindi nakikichurva sa mga churva dahil sa churva ng churva ni churva. Si churva naman ay churva kaso ayaw niya machurva o baka hindi naman churva kaya churva na rin sya. Basta kung lahat ay churva edi lahat churva. (Ang lahat ng kachurvahan ay isang inspirasyon mula sa librong “mga kwentong parlor ni wanda ilusyunada)

Kita mo? Ang gulo nu? Ganyan yun. Sana nakuha mo na ang sagot sa pinahuhulaan ko. Ibalita mo sa akin kung alam mo na.

Salamat sa pagbasa. Pasensya kung medyo magulo. Hindi ko rin maintindihan eh. Pero aminin natin, totoo lahat ng sinabi ko diba? Kulang pa nga yan eh. Mas madami ka pang karanasan kesa sa akin kaya alam kong alam mo na ang lahat ng ito. Ginulo ko lang talaga ang utak mo. :D LABYU OL.

-CEARA
PS. Nahalungkat ko lang sa FB notes ko. Dati ko pa to nasulat. Wala lang.
Bibigyan kita ng tatlong rason kung bakit hindi kita kinakausap, nilalapitan o pinapansin.
1. Wala akong pakialam sayo.
2. Ayaw ko sayo.
3. Gusto kita.

Ano ang SIPAGITITIS at AMPPDAPKGNAU?

Nakakammiss mag-partey hanggang umagahin. Yung tipong kelangan ko ng pumitas ng dahon at itago sa bulsa habang nagdadasal na huwag mapagalitan ng magulang. Siguro nagtataka ka kung bakit. Okay. Dahil kaibigan kita at binabasa mo to. Tuturo ko sayo yung sekreto ko kaya hindi ako pinapagalitan kahit na literal na umaga ako umuwi. Kung hindi ka naniniwala, e di wag. Nasa sa iyo yan. Kung ginawa mo pero di ka naniniwala, hindi rin magiging mabisa yan. okay. 

Step 1 : Magpaalam na may pupuntahan. Sabihin mo lahat ng detalye. Kung saan kayo pupunta. Kung sino kasama mo. At kung ano ang gagawin mo dun. Kung may gagawin kang kakaiba, tulad ng pagpunta sa you know. E bahala ka na sa buhay mo. okay back. Syempre kelangan mo ng tiwala ng mga magulang mo. Pag di ka pinayagan, behbehbehbehbehbehlat (labas dila parang ganito :P). Malas mo. Kung pinayagan ka, magpatuloy sa step 2. 

Step 2 : Kapag tinawagan ka ng magulang mo at kailangan mo ng umuwi at ayaw mo pa umuwi, sabihin mo “Wait lang. Hindi pa nagsisimula. Sayang naman ang pagpunta ko.” Tas kapag tinakot ka na pagsasarhan ka ng pinto, palalayasin ka na, o itatapon lahat ng damit mo sa kalsada, Wag ka matakot. Gasgas na yun. 

Step 3 : Tapos na ang happy-happy. Syempre pauwi ka na. Wag ka na mag-arte arte dyan. Bilisan mo na. Bili ka ng pasalubong. Kadalasan mga pagkain, para mag-midnight snack o pang-umagahan kayo. O di ba, bongga! May UBE pa kayo. As in ULTIMATE BONDING EXPERIENCE! 

Step 4 : Bago pumasok sa gate, tingin sa paligid. Humanap ka ng dahon. Kahit anong dahon. Kahit anong size. Kahit anong kulay. Kahit anong gusto mo. Pero ako kasi, kadalasan, pinipili ko color green. Bukod dun, medium size. 

Step 5 : Kapag meron ka ng dahon. Magsign of the cross ka at magdasal na sana wag ka pagalitan. Itago sa bulsa ang dahon. Usually sa likod na bulsa dapat. Pag natago mo na, saka kumatok. 

Step 6 : Lambingin ang nanay o tatay. Ikwento ang buong gimik experience. At makikita mo, hindi ka pagagalitan. 

Kinabukasan… Naglalaba si Nanay. Magugulat dahil may dahong nakatago sa bulsa ng anak. At iisipin niyang nahihibang ka na. 

TAPOS! hahaha. Ganun lang kadali. Try niyo minsan. 

Kanina pala, nakatext ko si Katherine Abulencia. Meron daw siyang SIPAGititis/Sipagistic. Sa sobrang bagot sa bahay, ayun. Naglinis. Yun na pala ang tawag sa sakit ng mga batang masipag na naglilinis. Kung lahat ng anak eh may ganung sakit, laging nakangiti ang ating mga nanay. 

-OUT. Sorry kung nasayang ko ang panahon niyo sa pagbabasa. Anyway, seryoso ako. Try niyo yung.. let’s call it.. “Ang mabisang paraan para di ako pagalitan kapag gabi na ako umuwi. ” Masyado ata mahaba. Sige acronyms. AMPPDAPKGNAU. o yun na lang. Balitaan niyo ako kapag na-try niyo na ha.

Mga Kwentong Utot, Pa-utot, Atbp.

Ano nga ba ang utot?


Ang kahulugan ng UTOT ay.. 

presence of excessive amounts of gas in the stomach or intestines. Most of the gas in the stomach consists of atmospheric nitrogen and oxygen that have been swallowed. The nitrogen is largely unobservable and travels on through the intestines. Additional gases, principally carbon dioxide, methane, and hydrogen, are formed within the intestines. The carbon dioxide, produced by fermentation, is largely absorbed. The other gases, produced by incomplete digestion of foods rich in starch or cellulose, such as beans or cabbage, are eventually expelled from the rectum as flatus. The disagreeable odor of flatus is caused by several sulfur compounds, particularly by mercaptans. Large amounts of gas in the stomach or intestines may cause distention and pain.”

Ayon  naman sa Tambayan ni Byterang UTOT ay isang universal language dito sa Pilipinas dahil kahit saan lupalop ka pa nakatira Batanes hanggang Jolo ay tiyak na mage-gets mo na ito ay ang mabahong hangin na lumalabas sa iyong puwit.

Ayon sa mga Ilokano, ang ibig sabihin ng  UTOT ay daga. Napaka-layo sa alam nating depinisyon! Wooohooo.

Ang bongga pala ng utot nu? Ang daming ibig sabihin! Nakakabilib!

Oo nga, nakakabilib! Pero kapag may taong umuutot, hindi na ako bumibilib. Minsan kasi hindi ko alam kung anong mararamdaman ko eh. Matatawa, mabibwisit, maiiyak o mahihimatay. Siguro depende rin iyon sa taong umutot at sa level ng utot (syempre ang sounds, odor at content ang batayan niyon.)

Kung pag-uusapan natin ang tao, masasabi kong merong TATLOng klase ng tao pagdating sa usapang UTOT.
Ang una ay ang mga taong Secretive, utot na pala ng utot hindi man lang nagsasabi. Basta mo na lamang maamoy. Silent killer ika nga ng iba. Ang hihilig nila sa “secrut” na ang ibig sabihin ay sikretong utot.
Meron din naman mga tao na very vocal sa kanilang pag-utot. “Uy uutot ako ha!” Medyo nakakatuwa yung mga taong ganito dahil at least, nakapag-ready ka na ng mabuti sa kanilang matinding pasabog!
Ang nakakainis naman na klase ng tao pagdating sa usapang utot, ay ang mga nagpapasa ng utot! Utang na loob, hindi naman ikaw ang umutot pero sinasabi ng taong iyon na ikaw ang umutot! Ang mga taong ganito ay pinalalabas na hindi sila ang umutot para hindi sila ang mapagtawanana kaya’t ang ginagawa na lang nila ay ipasa sa iba ang sala na nagawa.

Kung ang level naman ng utot ang mapag-uusapan, maraming klase at kombinasyon yan!

Level  1 Silent + Walang amoy+ Purely air = Ang mga ganitong utot ay parang wala lang. Hindi naramdaman. Kaso nga lang, bibihira lang ang mga ganitong utot.

Level 2 Loud + Walang amoy + Purely air = Masasabi kong ito ang nakakatawang utot. Literal na tatawa ka hanggang sa ikaw naman ang umutot, hindi ka maiinis, hindi ka mabibwisit. Tatawa lang.

Level 3 Silent+ Mabaho + Purely air = May ganito pala nu?

Level 4 Loud + Mabaho + Purely air = Ito ang nakakahiyang utot. Maingay na, mabaho pa! Pasalamat ka na lang at walang kasamang iba yan. Feeling ko, sa ganitong level ng utot nagkakaroon ng “diffusion”? From Higher concentration ng hangin (kalalabas na utot sa puwet) papunta sa Lower concentration ng hangin (atmosphere natin). Pero syempre ang lahat ng iyon ay hindi totoo, naisip ko lang.

Level 5 Silent + Mabaho + May kasamang kakaibang substance = Nakakatakot na utot, eto yung may kasamang mamasa-masang component. Kapag umabot ka sa ganitong level ng utot, humunda ka na. Humanda ka na tumakbo sa CR at wet tissue kapag sa mga malls.

Level 6 Loud + Mabaho + May kasamang kakaibang substance = Ito yung klase ng utot kapag nasa CR ka na. Just let it all out. YEAH! ROCK ON!! \m/

Kung matibay ang sikmura mo, nakuha mong makaabot dito. Binabati kita ng isang matinding CONGRATULATIONS! (may kasamang sayaw yan ha!)
At dahil dyan tuturuan kita kung paano magsalita ng UTOT!

Ang utot ay kadalasang ginagamit kapag nakikipag-asaran ka sa ibang tao.
Parang ganito oh..

Bata1: Utot mo!

Bata2: Mabango!

O kaya..

Bata1: Utot mo!

Bata2: Utot mo rin!

O kaya..

Bata1: Utot mo blue!

Bata2: Utot mo pink!

Ako: May kulay na pala ang utot?

Para maging mabisa ang pagsabi mo ng utot, dapat gawin mong “U” ang letrang ”O”

Magiging UTUT! Tapos kailangan, sasabihin mo iyon na parang ini-utut lang ng ilong mo.
Ang pinaka huling step ay kailangan medyo pataas yung tono o pahaba.. magiging..
“Utuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuut!”
Parang ganun.

Kwentong utot..

Classmate 1 : Alam mo yung start nung kantang Parting time?

Ako : huh? Hindi eh.

Classmate na malakas ang pandinig : Ano? FARTING TIME?

Ako : O sabay sabay tayo!

Salamat sa pagbasa sa isang pa-utot ng aking kaisipan! Hanggang sa muli!

Pag Hinahanap, Mas nagiging mailap

Realization for Today:

Minsan kailangan mong magkaroon ng sipon para makahinga ka ng maayos kapag nakasakay ka sa LRT.

Life, Perspective, Eklabu

Kinain na naman ng iskwela ang buong araw ko. Malamang. Barat na barat na ko umuwi, pero buti na lang wala masyadong ginawa sa pang-huling subject ko.

PHYSICS.

Sa totoo lang, nalito ako kanina kung ano bang klase ang pinasukan ko. Astronomy na may pagka-theology o nasa retreat ba ako?

Pinakita kasi yung iba’t ibang planeta. Ang ganda. Ang kulay. Parang magic.
Ang galing ng tao pero mas magaling ang Diyos  dahil talaga namang hanep ang mga obra niya. Makapigil hininga.

Napagtanto ko, “oo nga no? Maganda ang mundo.” Maganda pa pala ang planeta natin kumpera sa ibang planeta.

Pero bakit ganun? Sa kabila ng kagandahan, marami pa ring taong pinili na magpakamatay. Marami pa rin ang taong umiiyak. Marami pa rin ang ayaw ng buhay nila.

Siguro nga maganda ang mundo, pero hindi palaging maganda ang mga nararanasan natin dito sa mundo.
Siguro talagang may mga bagay na hindi natin ginusto na mangyari. May mga bagay na kailangan lang talaga natin pagdaanan para matuto tayo. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan ng mga ito, pero nangyayari pa rin. Hindi mo inaasahan. Hindi mo akalain. Hindi mo man lang inisip. Hindi mo man lang napaghandaan.

Mas maganda sana kung ang mundo natin may mga signs ng direksyon, para naman alam natin kung saan tayo kakanan o kakaliwa. Sana may nakasulat sa bawat puno kung ano ang dapat sa hindi. Sana may mga nakataga sa bato na nagsasabi kung ano ang tama sa mali. Sana may mga nakasulat sa ulap kung kailan gagamitin ang utak o ang puso..

Bakit kaya kapag nanunuod tayo ng mga palabas sa telebisyon alam natin ang tama at mali? Alam natin ang katangahan sa hindi? Bakit sa totoong buhay hindi ganun?

Magulo ang Mundo

Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.
Sabi nila, walang tadhana. Tayo ang pipili kung saan tayo pupunta. Nasa atin kung anong gusto nating gawin. Nasa atin ang pagdedesisyon.  Nasa kamay natin kung paano matutupad yung mga pangarap natin. Walang tadhana. Wala.

Nagtataka lang ako. Bakit kaya ganun.. May mga bagay na kahit anong gawin mo, di mo pa rin makuha-kuha yung gusto mo. May mga bagay na malapit mo ng maabot at inakalang maabot mo na, tas bigla kang babagsak sa lupa na kahit anong gawin mo para makatayo, mahuhulog at mahuhulog ka pa rin. 

May mga bagay na kahit ipaglaban mo pa sa buong mundo, sa huli.. ikaw pa rin ang talo.
Siguro nga. May mga bagay lang talaga na hindi pwedeng ipagpilitan. Mga bagay na pag pinagpilitan mo, ikaw na mismo ang masasaktan.

Logic

Sabi nila, “Ang magnanakaw, galit sa kapwa magnanakaw.”

“Ang kapwa tsismosa, galit sa kapwa tsismosa.”

Ibig sabihin ba nun, ang malandi, galit sa kapwa malandi?

Parang hindi naman.

Friends For Sale! Mura na, Sulit pa, Muntanga!

Paalala: Ang lahat ng ito ay kathang isip lamang.



www.friendsforsale.muranasulitpa.muntanga.com.ph

WELCOME CUSTOMER!
Naghahanap ka ba ng kaibigan? Mabuti na lang at napadpad ka sa aming site dahil nagbebenta kami ng iba’t ibang uri ng kaibigan! Kung gusto mo, meron kaming mga offer na very suitable sa inyong mga budget. I-email niyo lang sa amin ang kaibigan na napili niyo kasama ang inyong contact details. Free Shipping within Metro Manila. Kaya BILI NA! Hindi kayo mabibigo, dahil mura na, sulit pa!

SUPER DUPER ULTIMATE TRUE FRIEND – Perfect! Para kayong soul mates! Never kang maiinis sa kanya dahil all-in-one na sya. Lahat ng mabuting katangian nasa kanya. Lahat ng description sa bawat products below ay nasa kanya na!
For only : $100,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000… (Hindi magkasya sa screen sa dami ng zero.)

THE BEE HAPPY CHEER LEADER FRIEND – Kumbaga sa mundo ng Plants vs. Zombies siya yung sunflower. Laging nagpapasaya at nagpapatawa sayo. Kapag malungkot ka at may problema, sasalubungin ka niya ng ngiti at mahahawa ka sa kanya. Kung baga sa kulay, siya yung color YELLOW!! Masaya kapag kasama mo siya dahil sa mga jokes niya na hindi nakakasakit sa kung kanino man.

THE PILLOW SLASH DEEP WELL FRIEND – Nasa pangalan na nga. Hindi na kailangan i-explain pa. Parang unan, kapag may problema ka, iiyak mo lang sa kanya. Makikinig siya sayo ng walang sawa. Maiintindihan ka niya ng super duper. Tulad ng isang malalim na balon, madami kang makukuhang words of wisdom galing sa kanya at bukod doon, nagbibigay siya ng mga makabuluhang advice.

FEELING DOWN? YOU NEED ME FRIEND – Kapag wala kang confidence, siya ang magbibigay sayo nun. Magbibigay ng mga sincere compliments and tutulungan kang itaas ang iyong self esteem. But not to the point na lolobo ang ulo mo ayaw niya kasing pumutok iyon.

MIRROR FRIEND – Napaka-honest. Lahat sasabihin. But not in a way na masasaktan ka. Walang sugar coating. Hindi pirated. Bagay ba sayo ang bagong hairstyle mo? Feel mo ba mabaho ang hininga mo? Bilhin mo na siya.

SUPER FRIEND – Naiwan mo ba ang baon mo? No need to worry dahil andyan na siya para bigyan ka ng half ng baon niya. Laging sumasagip sayo. Ipagtatanggol ka niya sa mga taong walang kwenta sa paligid mo at lagi mo siyang maasahan. Anytime. Kapag naligaw ka sa landas, asahan mong tutulungan ka niya.
Price per friend : $100,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000.00

Masyado bang mahal ang mga FRIENDSHIPS for sale sa itaas? Wag kayong mag-alala kasi meron kaming sale this month! But wait there’s more! Ang lahat ng FRIENDSHIPS below ay sale for only 1.00php at bukod doon, buy one take one pa! Kaya bili na!

SULOT KULANGOT FRIEND – Panalo ka dito! Kung ayaw mo na sa boyfriend o girlfriend mo, pwede mo ibigay sa kanya. Tatanggapin niya iyon ng walang hiya-hiya. Kaso nga lang pag minsan, kahit hindi mo sinasabi, susulutin niya talaga kung sinong bfgf mo. O diba! Sosyal! Saan ka pa?! Kung medyo mahiyain ka around the opposite sex, fear no more! Dahil kapag binili mo siya, pwede mo siya dalhin kung saan-saan and watch mo lang siya on how to flirt! Oha! Libreng tutorial yan mga dudes and bebots!

OROCAN SLASH GARAPON SLASH TABO FRIEND - Bonggang-bongga! Ang daming uses nito! Pwede mo siyang isama kahit saan. Almost perfect siya dahil napakabait niya kapag kasama mo siya. Yun nga lang, joke lang pala ang lahat ng iyon at hindi totoo ang pinapakita niya sayo. Pwede mo siyang gawing labahan ng damit, pang-tabo habang naliligo, gawing pinggan at kung anu-ano pa! Kahit bumagsak, hindi mababasag dahil.. it’s made of 100% PLASTIC!

USER FRIENDLY ALA RUBI SLASH BOLA-BOLA FLAVOR FRIEND – ABA! Ala artista! Napakagaling umarte! Napakagaling mambola. Daig pa ang mga nag-workshop sa Star Magic at contestants ng Starstruck! Close din siya sa parents mo at ang mahal nating mga magulang ay nadadala sa kanyang pag arte! Pagkatapos umarte, hihingi naman ito ng pabor. Napakadami, mas mahaba pa ang hihinging pabor kesa sa listahan ng utang sa lahat ng tindahan sa buong Philippines! Hiram dito, favor doon. Utang ngayon, bayad never. Hingi nito, kuha nun. Kapag kasama mo siya, magugulat ka dahil parang na-make over ang buong bahay niyo, wala ng gamit dahil nahiram niya na lahat! Pati ang pera, pagkain at buhay mo. Lagi siyang nandyan sa tabi mo, pero syempre! May dahilan. Para manghiram ng gamit, umutang, humingi, at higit sa lahat, magpa-libre!

PANTUSOK NG LOBO FRIEND – Hindi naman malaki ang ulo mo kagaya ng lobo. Pero itong benebenta namin na friend, tutusukin ang ulo mo. Lahat ng panglalait matataggap mo at ang lagi niya lang sasabihin sayo ay.. “JOKE!” Oha! Palabiro naman siya kaso nga lang, laging ikaw ang nadadale. Yung self confidence mo, in a second, kayang-kaya niya ibaon sa lupa. Bonggang bongga.

BENDITA JINGGETER FRIEND – Nanunuod ka ba ng Agua Bendita at gustong-gusto mo magkaroon ng kakambal? Ito ang bagay sayo! Lahat ng meron ka, gusto niya meron din siya at higit pa. Hinding-hindi magpapatalo at gusto laging panalo! Galit na galit din siya kapag mas mataas ang grades mo sa school!

I-COOL I-FRESH FRIEND – Saktong-sakto ito para ngayong summer! Dahil sa sobrang init, andito siya para palamigin ka. Super cool, super hangin, daig pa ang isang buhawi. Kapag kasama mo siya, manginginig ang kalamnan mo dahil sa lamig ng mga sinasabi niya. Mapapakapit ka talaga sa mga bagay sa paligid mo dahil baka tangayin ka ng hangin sa bawat sentence na lumalabas sa bibig niya. Merong dalawang mode, buhat-bangko at good morning myself! OVER OVER!

-end-

Mamili ka kung saan ka dyan. Maging totoo ka sa sarili mo kung alin ka sa mga kaibigan na yan. Tandaan, ang pagkakaibigan hindi kagaya nito. Hindi mabibili at hindi disposable na kapag nagsawa ka, itatapon mo na lang kung saan-saan.

May sasabihin pa ako sayo, at sana kilala mo kung sino ka.
“Hindi ako isang bagay na pwedeng gamit-gamitin lang. Sabi nga nila, walang manggagamit kung walang nagpapagamit.”

Happy Valentine's Day

Valentine’s. Hati ang araw na to, kasi ang mga “TAKEN” at “MARRIED” lang naman ang nagse-celebrate nito. Dahil para sa mga taong “SINGLE”, isa itong SINGLE AWARENESS DAY.

Sigurado ako, babaha na naman ng mga bulaklak kung saan-saan. Magpye-fiesta ang mga langgam dahil sa dami ng mga tsokolate. Magkikita-kita na naman ang iba’t-ibang stuff toys and furry friends. May mga balloons na kung ano-anong shape na nagkalat.

Iba-iba ang trip ng mga tao. Yung iba manunuod ng sine. Kakain sa resto. Sasali sa Lovapalooza ng Close Up. Magho-hotel. Manunuod ng concert. Ay ewan. Madami naman talaga kasing pwedeng gawin pag Valentine’s.

Masaya. Oo nga kasi napaka-festive ng environment. Lahat nagbibigayan ng gifts. Parang pasko lang. Kadalasan makikita mo, over pa sa over yung mga tao. Halos lahat naka-pula. Masyado nilang feel ang LOVE MONTH. Pero yung iba, nanunuod lang. Wala kasing.. YOU KNOW..

Yung ibang tao nagtataka kung bakit sila SINGLE. Depende sa rason.
Siguro kung masyado na kayong desperado na malaman ang dahilan kung bakit single pa rin kayo, i-promise niyo sa akin na hindi kayo magagalit sa mga sasabihin ko.
GIRLS.

Unang-una, inaantay mo si MR. RIGHT? HELURRR! Meron bang ganun? AS IN yung perfect? WALA na dude. Wag ka masyadong choosy. Oo nga madaming isda sa dagat pero hindi lang naman ikaw ang mangingisda. Madami din kayo. Itanong mo rin sa sarili mo kung anong ginagawa mo. Baka naman nag-aantay ka na lang? Walang mangyayari sayo kung hindi ikaw ang magsisimula.

Bulagin sila sa kagandahan. Syempre magpa-ganda ka ng TODO. As in TULO LAWAY. Napapansin ko kasi ngayon, ang mga lalaki, karamihan sa kanila, mga mababaw. Puro LOOKS ang tinitignan. WELL, hindi natin dapat i-deny kung ano ang katotohanan.

Socialize. Hindi naman dadating si Mr. Right sa tapat ng bahay niyo at kakatok sa pintuan niyo para lang sabihin na.. “Hello. Ako si Mr. Right, ang lalaking hinahanap mo.. BLAHBLAHBLAH…(insert home shopping network voice) But wait, there’s more! Blahblahblah..” HAHAHA. Kung ganun ang paniniwala mo, mali ka. Dahil hindi naman instant package si Mr. Right para ipadala ng LBC o ng Fed Ex. Kailangan mong makipag-socialze sa mga tao. Meet new friends through common friends and friends of common friends. (Okay, sana naintindihan mo yun, medyo nalito din ako. LOKO.)

PRAY. Hahaha. Wag mong idasal kung anong gusto mo. Idasal mo kung anong nararapat para sayo. Mabait at mapag-bigay si Lord God, pagbibigyan ka niya sa wishes mo.

Huling-huli, WAG KA MAGMADALI. True love waits. AYSUS. Kanino ko kaya yun nakuha? [candymag issue.. sabi ni Alden yan. :)))))] Kahit single ka, di mo kailangan makipag-FLING sa mga kung kanikaninong lalaki. Pero syempre may exception. Siguro exempted dito ang mga taong may age na 25 pataas.
Wala na ako maisip. HAHAHA.

Pero syempre kung may para sa GIRLS, meron din para sa BOYS.
Eto naman yung dahilan kung bakit single pa kayo hanggang ngayon. WALANG MAGAGALIT. Ang magalit, PIKON.

Siguro baka baduy at korni ang style mo. Kumbaga gasgas na. Kadalasan pag ganito ang style mo, deadma lang sa girls. Kaya ayan tuloy, unsuccessful ka sa panliligaw mo. Baguhin mo at magpatulong ka sa friends mo para naman mapansin ka rin.

Dugyot. Hahahha. Salitang ilokano to dude. Bago kumalat ang word na to, alam ko na. Syempre ilokano ako eh. Anyway, Dugyot means DIRTY. Madumi. Kumbaga sa bakla, KADIRDIR. Pwede pa, palitan mo naman yang suot mong pants. Tanggap pa ng mga babae kung dobleng suotan lang, kaso pagdating sa pangatlong beses, pakilabhan muna bago isuot. Yung kuko mo baka gusto mo tignan, baka pwede ng taniman ng herbal plants. Please use deo para di jabarista and please lang.. brush your teeth.

Mayabang at Feeler. Ako kung tutuusin, medyo okay lang ako sa mayabang na GWAPO. Tanggap ko kung mayabang ka pero gwapo naman talaga. Pero kung Mayabang lang? Dude. Please. Magbago ka na ha? 2010 na. Ayaw ng mga girls sa ganito kasi baka tangayin sila ng ipo-ipo mo. I mean grabe sa lakas eh. Minsan naman feeling mo ikaw lagi ang tinitignan ng girls? Wake up! Nagpapatawa ka ba? Baka naman duling lang yung babae tas feel na feel mo naman. Tapos mapagpanggap pa. AYSUS! Big allowance daw, yun pala Big Utang.

Indianero. HAY NAKU. Ito talaga. Ang dami mong excuses tsong. Siguro kung pinalista sayo lahat, mas mahaba pa yan sa listahan ng taong may pinakamadaming utang. May group project daw kaya di makakapunta, yun pala ang project is to get chicks sa bar. Gagawa daw ng assignment pero yun pala naglalaro ng DOTA. Sasabihin be right back tas hindi na babalik.
Wala na talaga ako maisip.

GIRLS and BOYS. Ito SERYOSO to.

WAG MAGING TORPE. Ang hirap maging torpe dude. Paano kung pareho kayong may gusto sa isa’t-isa pero hindi niyo masabi-sabi nararamdaman niyo? Paano na yun? Sayang naman diba. Tamang lakas ng loob lang. Kelangan talaga. Kasi pag hindi, wala. WALANG MANYAYARI. Kahit sa tantsa mo wala siyang gusto sayo, itabi mo muna yan. Sabihin mo pa rin bago ka magsisi sa huli.
HAHAHAHAHAHA. Ang lakas rin ng loob ko para magpayo na huwag maging torpe. E ako nga SOBRAng torpe pa eh.

—Naka-inspire at nagbigay ng idea sa akin yung librong stupid love, isang website, pati na rin yung sinabi sa akin ni V na sinabi sa kanya ni M.

Friday, July 22, 2011

Mundo ng mga Manika

Alam kong mahirap pero kailangan. Pwedeng mamili pero wala ng ibang pagpipilian. Ang hirap palang pumasok sa isang pintuan, na paglabas mo wala ka ng kakilala. Nung una, libang na libang ako. Aliw na aliw. Lahat kasi bago. Bagong buhay. Bagong pangalan. Bagong reputasyon. Parang pinanganak ka, at bininyagan ulit.

Pagpasok ko doon, ang dami kong nakitang mga mamahaling manika. Yung iba sumasayaw, yung iba nagbabasa, yung iba naglalaro, yung iba kumakain. Ang galing. Bilib na bilib ako. Siguro, langit na ito kung maituturing para sa isang mapaglarong bata kagaya ko.Napakakulay ng paligid. Ang daming bahaghari. Yun siguro ang dahilan kung bakit makulay ang mundong yun.

Nilapitan ko ang mga manika. Ang ganda. Mamahalin nga talaga. Lahat sila nakangiti.Kitang kita ko yung mga mapulang labi, magandang ngipin na mapuputi. Bukod doon, nakadilat ang mga mata. Perpektong perpekto. Walang mali. Lahat naman ng sapatos at damit, maganda rin. Ang linis-linis. Yung buhok nila, ang lambot. Maayos na maayos yung pagkakakabit nung mga makukulay na panali ng buhok.

Segundo. Minuto. Oras. Araw. Buwan. Ang lumipas. Nagbago ang lahat. Unti-unting lumamig ang paligid. Naging mahangin. Sobrang mahangin. Minsan, kailangan ko pang humawak sa mga puno para wag lang ako tangayin ng mga naglalakasang buhawi.  Unti-unti ding dumidilim ang paligid. Nawawala na yung mga dating bahaghari ng nagpapakulay ng magandang lugar na yun. Habang tumatagal, natatakot na ako sa lugar na yun. Pero kahit ganun, tulad na sinasabi ko kanina. Pwedeng mamili pero walang pagpipilian kaya kailangan kong manatili doon kahit na ganun ang mga nanyayari.

Yung mga manika, nakakatakot na rin. Maganda pa rin sila tulad nung dati pero sa paningin ko, madumi na sila. Nakabukas ang mga mata at lahat nakikita. Napakalinaw ng mga mata nila dahil kahit napakaliit na insekto, makikita nila. Yung mga tawa at ngiti nila, palakas ng palakas. Nakakabingi. Pero bakit ganun? Hindi ako nasisiyahan. Lalo lang akong natatakot sa mga iyon. Gusto kong pumunta sa napakalayong lugar para iwanan ang mundong yun pero wala akong matakbuhan.

Unti-unting gumagalaw ang mga manika. Lahat sila papunta sa dako pataas. Lahat sila gumagawa ng paraan. Yung iba, sumasakay sa eroplano. Aakyat ng hagdanan. Nagpapatangay sa hangin. Kanya-kanyang diskarte kung paano makakapunta sa dako pataas. Nagtataka ako, wala ng gustong maiwan dito sa baba. Siksikan na doon, wala ng daanan. Hindi mahulugan ng karayom. Parang sardinas. Pinagpipilitan pa rin nila ang sarili nila sa itaas. Nakakatawa. Lahat sila nagpapakahirap pumunta doon, pero may iilan na umpisa pa lang, nandun na. Mga diyos-diyosan ng mga manika ang mga naunang pumunta dun. Bukod doon, lahat ng manika, pumupunta muna sa isang mababaw ilog. Doon sila naghuhugas ng mga kamay, saka pupunta sa itaas.

Ang higit na kinagulat ko ay yung mga manikang nagpapalobo ng ulo para makaakyat sa dakong itaas. Minsan wala akong madaanan sa sobrang sikip, dahil sa laki ng naglolobohan na mga ulo. Minsan naisip kong kumuha na lamang ng karayom at putukin ang mga iyon. Para mawala na sila at lumayo.

Naiisip ko rin, kung ano ang iniisip ng mga manikang mamahalin. Ramdam ko. Nakikita ko. Lahat ng utak nila ay naka-kahon sa isang napakaliit na lalagyan. Nakabalot pa ng kumot para siguradong walang gumambala at hindi mabago. Sinubukan kong sirain ang isang karton para naman maarawan ang utak nila. Nagawa ko nga. Unti-unting lumaki ang utak. Natuwa ako kasi nakatulong ako, mas maraming malalagay sa utak kapag mas malaki ang mga iyon. Kaso nga lang, naiwan ko sa isang tabi. Nakita ko na lang nakakahon na ulit. At hawak na ng ibang manika yung utak niya. Sinama dun sa karton ng iba pang utak.

Naguguluhan na ako. Natatakot na ako. Baka pag nagtagal pa ako sa lugar na iyon, maging manikang laruan na rin ako kagaya nila. Unti-unting makahon ang utak. Unti-unting mawalang ng pakiramdam. Unti-unting gumaya at pumunta sa dakong pataas. Magiging manikang de susi din ba ako?

Ayoko. Ang tanging gusto ko lang ay maging isang tao. May pakiramdam. May pakialam. Maging bukas sa lahat.