Ang sarap magkwento. Ang sarap maramdaman na may mga taong nakikinig at handang makinig sa mga kwento mo. Pero bakit ka ba nagkwekwento?
Ilan lang to sa mga dahilan.
- Galit ka. BV ka. Parang stress ball, pampatanggal stress. Pag sobrang naiirita ka na sa mundo, magkwento ka lang.
- Malungkot ka. Kasi nakipagbreak sayo syoting mo. Mababa grade mo. Hindi ka crush ng crush mo. Mga ganun, mga bagay na hindi mo gusto manyari pero nanyari sayo. Ikwento mo, gagaan ang loob mo.
- Masaya ka. Punong puno ka lang talaga ng happiness at talaga namang hanggang tenga ang ngiti mo. Kwento at tawa yan.
- “Wala lang.” Para hindi boring. Para lang may mapag-usapan. Para may masabi lang.
Pero sa bawat “wala lang” unti-unti mong nagiging close yung mga kaibigan mo ng hindi mo namamalayan.
KAYA NAMAN maraming salamat sa mga “WALA LANG” na pag-uusap.
Anong punto nito? Anong punto ng mga sinasabi ko?
“Wala lang.”
No comments:
Post a Comment