Babala: Ang ilang salitang nagamit ay nagpapakita ng kawalan ng pakialam sa maiisip ng mambabasa. Maaring mapagkamalang isang rant post. Pero oo. Parang ganun na rin ito.
Nuebe pesos. Yan ang natirang pera ko pauwi. Sagad na naman. Oo, gipit ako palagi. Masyadong mahal ang punyetang pamasahe papunta at pauwi. At masyado ring madami ang mga xerox shits para sa iskwela.
Pauwi na ako ng makaramdam ako ng gutom. Gustong kumain pero walang pera. Bumili ng isang pirasong isaw bituka sa Mang Isaw sa Recto Station. Pagkatanga nga naman, kapag tumira. Maanghang ata ang nailagay kong sauce. Uhaw. Uhaw. Uhaw. Gusto ko ng malamig na gulaman.
Sana may pera pa ako. Yun ang naisip ko habang binubuksan ang pulubi kong pitaka. Sira na nga, butas pa. Putik yan, hindi ko pa napapalitan. Di bale, papabili ako ng pekeng Harajuku Lovers sa Divisoria kapag nagpunta kami.
Apat na piso ang tumambad sa mukha ko. Putek yan. Wala na akong pera para sa gulaman. Biglang nagpikita ang kumikislap na limang piso. PAK. Piso na lang. Piso na lang. Todo halungkat sa pitaka.
Punyeta. Wala na. Sagad na. Nuebe lang pera ko. Kulang pera ko. Naisip ko palibre na lang ako ng piso sa nagbebenta. Kaso wag na nga, makapal na masyado ang mukha ko kapag ginawa ko yun.
Pakederm. Wag na nga. Uuwi na lang ako sa bahay at iinom ng tubig.
Habang nakaupo sa LRT, naisip kong isa ito sa pinakamatagal na byahe. Tingin ng telepono. May text. May GM. May jeje. May galit na GM. Tipong NAKA-ALL CAPS at KULANG NA LANG EH PURO !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ganyan ang makita. Nagagalit kakahanap sa amin. Sa akin.
Eh punyeta, pauwi pa lang ako. Todo hanap eh hindi rin naman ako makakapunta. Bahala ka sa buhay mo. Pakyu. Nairita ako. Galit palagi. Galit palagi. Galit palagi. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Oo naiintindihan kita. Pero hindi lang kasi yan ang ginagawa ng tao. Marami pang iba. Mas importante. At wala akong pakialam sa mga may ibang ginagawa na nakakapunta. Karamihan lang din naman, puro landian lang ang habol. Punyeta magsama na lahat ng malandi.
Gusto ko ng baboy. Tatanungin kita. Bakit ang anit ay maputi pero ang kilikili ay maitim? Bakit may mga taong ayaw sa okra dahil madulas pero gustong-gusto ng taaaaaaaaaaammmmmmmm…. Alam mo na.
No comments:
Post a Comment