Ang daming bagay na andyan lang. Pero hindi naman natin nakikita. Tama nga yung napag-aralan ko sa English. “We don’t see everything infront of our eyes.” READING. reading. reading. Pero minsan, maski nakikita natin, hindi naman natin pinapansin. Siguro kasi sa tingin natin wala yung kwenta. O baka wala naman talagang kwenta. O baka naman, sa iba tayo nakatingin. Madaming dahilan.
May pagkain sa na nakahain, pipili ng iba. Hindi kasi masarap.
May inumin sa lamesa, ayaw. Hindi kasi malamig.
May cellphone naman, naghahanap pa ng bago.
May chocolates sa ref, hindi kakainin. Gusto kasi imported.
Lagi na lang. Tulad ng sabi ko madaming dahilan. Baka kasi pangit. Baka kasi hindi maganda sa mata. Lagi na lang.
Nakakatawa talaga tayong mga tao. Ganun talaga. Hindi naman tayo nagbabago. Hindi naman tayo nakokontento. Lagi na lang tayong may gusto. Hindi nauubos. Kulang ang supply, madami ang demand. UTOT. Minsan, napagtyatyagaan. Pero hindi naman ganun katagal. Kadalasan, mabilis lang.
Pero siguro, lahat ng meron tayo, kapag nawala, dun lang natin maiisip na importante pala yun. Ang inaakala natin na walang kwenta, meron pala.
No comments:
Post a Comment