Nung bata ako, mahilig ako maglaro. Malamang. Lahat naman ata. Ang batang hindi marunong maglaro, WEIRDO.
Ang dami kong nalaro nung bata ako. Bahay-bahayan, Agawan Base, Patintero, Marcos-marcos, Piko, Teacher-teacheran, Doktor-doktoran, Doktor Kwak kwak, Ice ice water, Sili sili, Bangsak, Tumbang Preso, Caterpillar/itlog, Cashier-cashieran, Tagu-taguan, Multo-multuhan, Pitik bulag, Si Nena, Spaghetti, Pamela, Nanay Tatay, Mataya-taya, Luksong baka, Luksong tinik, Chinese garter, Ten-20, Habulan bakal, Habulan bato, Langit Lupa, Text, Jolen, Pick and split, Ketchup, Let’s go bang, Concentration, Who stole the cookie, Pass the message, Spirit of the ballpen, Spirit of the coin, Bending bodies, step no, I wanna be a tutubi, Hula-hoop, at madami pang iba.
Pero syempre dahil babae naman talaga ako, (Nagpapanggap na lalaki, nagpapanggap na bakla) espesyal pa rin sa akin ang mga Manika. Sila Barbie pati na rin yung mga Bratz, Betty Spaghetti at Polly Pocket. Halos lahat ata ng Mattel Products?
Ang saya-saya ko nun kapag yun ang laruan ko. Hanggang tenga ang ngiti ko pag ganun.
Pero syempre ngayon, nagbago na ang lahat. Lumaki na ako. Tumanda na ako. (Kahit unti lang) Nagbago na ako.
Kaso nga lang meron atang mga taong hindi pa rin nagsasawa sa pagkabata. Mga taong hindi makaalis sa nakaraan at hindi kayang lumaki o maging wasto ang utak. Siguro, ito ang dahilan kung bakit may mga taong mapaglaro. Sa sobrang playful, pati tao pinaglalaruan. Hindi nakakatuwa yun. Hindi nakakatawa yun. Ang mga ganitong tao, mahirap lapitan. Hindi kasi nila alam na ang mga tao ay may pakiramdam.
Kaya nga tinawag na “TAO” dahil hindi naman siya bagay.
Hindi siya laruan ng isang bata na kapag nagsawa na eh itatapon na lang ng basta-basta. Hindi siya isang damit na kapag sinuot, papalitan agad. Hindi siya chewing gum na kapag wala ng lasa, idudura na ng mabilisan. Hindi siya pagkain na mainit na kapag nakapaso, iluluwa kaagad. Hindi siya unlitxt na pwede lang for 1 day, 2 days, 3 days, 5 days, o one week. Hindi siya isang laro sa isang computer game na pwedeng i-control at i-customize. Hindi siya isang regalo na ipinamimigay lang kung kanino mo ma-tripan. Hindi siya underwear o panyo na merong tatak na Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday at Sunday na pwedeng gamitin araw-araw ng salit-salitan.
Ang “TAO” ay tao at hindi isang gamit para gamit-gamitin lang.
Ang “TAO” ay tao at hindi isang laruan para laru-laruin lang.
No comments:
Post a Comment