Ayon sa Wikipedia, “ang kuto (Ingles: head lice o head louse) ay isang uri ng maliit at walang pakpak na kulisap na salot sa katawan ng tao.”
Para naman sa http://dxupfm.i.ph, “Ang kuto ay napakaliit na insekto at kulay brown. May mga matutulis na kamay ang kuto (parang ipis). Kumakapit ito sa ating buhok.”
Nakakainis naman talaga ang kuto. Ang kati-kati talaga sa ulo. Kamot ka ng kamot, suyod ka ng suyod, wala naman nanyayari. “Mabuhay ang mga kuto!” pa rin ang drama nila sa ulo natin. Hala! Sige. Naalala ko yung kapt bahay namin dati, ang buhok na dating itim nagiging puti na, punong-puno ng lisa. (Ang mga lisa ang mga baby eggs ng beloved kutobelles.)
Isa pa, mabilis makahawa ang kuto! Hala! Yung kalaro mong may kuto, maglaro lang kayo nyan saglit may kuto ka na rin. Kaya naman kadalasan, ang mga batang babae na laging naglalaro ng bahay-bahayan o luto-lutuan e palipat-lipat lang ang kanilang mga kuto.
Perwisyo talaga ang magkakuto kaya naman todo effort ang mga mudrabelles natin para puksain sila!
Syempre, ang pinakamabenta eh yung suyod! Yun yung suklay na may maliliit na ngipin. Naalala ko pa nun, kapag bago ang suyod medyo masakit pa sa anit kasi medyo matulis pa yung mga ngipin ng suklay. At talaga namang dapat dahan-dahan lang ang pagsuklay mo, lalo na kapag maraming “tangles” ang iyong buhok kasi mabubungi agad yung suyod mo. Sige ka.
Sabi rin nila magpagupit ka ng maikli o kaya naman magpakalbo ka na lang. Para wala ng makapitan ang mga kuto. Okay naman, pero pag strong ang mga kuto mo, aba! Gamitan mo na ng kwell shampoo! Oha, ayun, gamitin mo lagi para mamatay lahat ng kuto!
Kuto, kuto, kuto. Dumaan ako sa stage ng buhay ko na dinagsa ng kuto ang ulo ko. Lahat naman ng batang mahilig maglaro sa arawan at gumamit ng Vaseline shampoo ay nagkakuto. (Walang proof yung sa vaseline pero yun ang hinala ko.) Hipokrita ka kapag sinabi mong never ka pa nagkakuto. Normal lang magkakuto, wag ka magpaka-abnormal.
Matagal na akong walang kuto pero syempre, todo ingats pa rin dapat tayo sa paligid natin. Baka mamaya nagliliparan na sila.
“Andyan na siya.. andyan na siya..”
No comments:
Post a Comment