Hindi ko alam kung pang-ilang beses ako magiging ignorante. Siguro masyado lang ako nakikisunod sa uso. Pangit naman kasi kung hindi ka “in” di ba? Tatawagin kang “Yaya, you’re such a loser!!”
Una nung grade 6. May maririnig akong kaklase ko..
“ui, add mo ko ha!”
“ui! pahingi naman ng testi!”
Hindi ko alam kung saan yun. Kung ano yun. Yun pala FRIENDSTER. Dahil lahat sila merong ganun, eto ako at tatanga-tangang gumawa ng account. Natatandaan ko, hindi pa ako marunong mag-lagay ng picture.
“ui paano ba mag-lagay ng picture?”
“kuha ka sa google tas save as picture mo. tapos punta ka sa upload, click mo yung browse tas hanapin mo yung si-nave mo.” sagot naman nung kaklase ko.
Ayun. Nawili ako. Hanggang sa naging moderno ang panahon. Nagkaroon ng comments at testimonial na sa huli, pinag-sama na. Nagkaroon na ng who’s viewed me. Friendster blog. Friendster app. At kung ano-ano pang walang kwenta pero sa tingin pa rin natin, may kwenta.
Pangalawa. Tatanga-tanga ulit akong gumawa ng MULTIPLY. Cool kasi madaming nagbebenta ng kung ano-ano. Parang Divisoria, kaso net version nga lang. Naalala ko. Yun yung mga panahon na adik ako sa mga banda. Pati sa pamilya ng mga band members. Pati sa kaibigan nila. Pati sa nanay at tatay nila. Pinsan nila, kapatid nila, girlfriends nila, alalay nila este PA para mas sosyal, road manager at manager, pati sa plate number ng kotse nila, cell phone number nila, internet accounts nila, at madami pang iba. Para akong asong ulol na nabulag, sunod ng sunod. Buntot ng buntot. Naaliw ako sa multiply nun kasi madaming pictures na mailalagay. Walang limit limit. Post all you want. Pero masyadong komplikado.
Pangatlo. Twitter. Dito naaliw ako. Bukod sa ibong logo na blue na napa-cute, madaming chika. Madaming hollywood stars. Mukha na naman akong tanga na follow ng follow. Miley Cyrus, Demi Lovato, maski si Heidi Montag at Lauren Conrad. Mapa-pinoy, sila Alden Acosta (callalily) Yael Yuzon (spongecola) at Champ Lui Pio(hale) Mapa-korean, si Ji-hoo ng BOF at si Kim Bum. Lahat yan. Hindi ko alam kung bakit. E hindi naman ako sigurado kung sila yun. Baka mga posero lang ,pero eto. Sunod pa rin ako. At bukod dun, meron pang Tweet Dictionary.
Pang-apat. Facebook. Eto matagal na akong meron pero di ko ginagamit kasi nga.. ignorante pa ako. Hindi ko alam kung paano gagamitin. Nung nag-college ako, malamang ngayon-ngayon lang, dito ako nagsimula ma-adik. Dahil siguro sa walang katapusang apps. Astig e. Pero minsan, naisip ko. Masyadong maliit ang mundo ng facebook. Lahat ng galaw mo kita. Sa bagay, mamimili ka naman kung ipa-publish o hindi. Minsan kasi, gusto ko pansinin nila yung post ko. Minsan naman, ayokong tignan nila. Minsan pa nga, gusto ko sa isang tao lang ma-publish. Puro sa kanya ko lang ipa-publish yung post ko. Halatang papansin.
Pang-lima. Tumblr. Hindi ko pa alam kung anong meron dito. Kung ano to. Basta ang alam ko lang, tumblr. Ngayon, nakiki-uso at nakiki-usyoso ako kung anong meron dito. Sana matuto din ako mag-tumblr.
Ano naman kaya susunod pagkatapos nito? Paulit-ulit.
“ui bago!” “grabe kaka-adik!” “laos na yun. pangit. baduy. korni.”
Uulitin ko. Paulit-ulit. Hindi naman tayo nag-sasawa. Siguro nga, sadyang magaling yung mga taong gumagawa g mga ganitog website. Alam nila yung kiliti ng tao. Alam nila kung anong hinahanap. Alam nila kung paano tayo papaikutin sa mga daliri nila. Hindi ko alam kung sino ang malabo. Kung yung mga website na ginagwa nila, o kung tayo din. Ngayon pag nakikita natin ang FRIENDSTER, sasabihin natin..
“gaya-gaya sa facebook.”
“parang bakla na yung friendster”
“korni naman friendster.”
Ilan lang yan. Madami pa. Pero di ba natin naiisip na dati adik din tayo dun.
Ngayon sinusuka na natin yung mga bagay na gustong-gusto natin. Para rin tong ganito.
Nagkacrush ka sa isang tao. Todo puri ka.
“Ang pogi naman niya!”
“Ang hot naman niya!”
“Bait kaya niya.. Cute pa”
“Kakaadik naman ang smile niya.”
At Madami pa.
Pagkatapos ng ilang araw, buwan, taon o dekada..
“YUCK! Hindi ko alam kung bakit ko yun naging crush eh ang pangit pangit naman.”
Dun pa lang natin mapapansin na mabaho pala ang hininga niya. May putok pala sya. May sira pala siya sa ulo. At kung ano-ano pa.
Bulag lang talaga tayo sa ilang mga bagay sa umpisa pero sa dulo, dun lang natin makikita. Sana makita na natin agad bago mahuli ang lahat.
Ayoko na magsalita. Este mag-type.
Salamat sa pagbasa. Sana umpisa pa lang nakita mo na, na walang kwenta tong sinulat ko para di ka na umabot dito.
No comments:
Post a Comment