Sa mga nakaraan na araw, napansin ko to. Lahat naman ng tao sa mundo apektado nito. Nag-blog na ako dati tungkol dito pero hindi ko alam kung bakit ko iba-blog ulit. Sasabihin nanaman ng ibang tao “Ayan si Ceara ang EMO talaga.”
Kung tatanungin mo ako? Hindi naman ako EMO. Hindi lang ako takot sa mga bagay na ganito. Seryoso. Totoo. Halos lahat kasi mas gusto nila ng joketime kesa sa seryoso. Hindi ko sinasabi na ayoko ng masaya o joketime, gusto ko lang sabihin na dapat balanse ang dalawa. Hindi naman talaga ito yung isusulat ko. Nag-side car lang ako.
Sabi ng isa kong kaibigan.. “Ceara, alam mo napaka-nega mo pagdating sa love.”
Aaminin ko. Wala akong alam dyan. Wala pa akong karanasan sa mga ganyan. Pero bakit ganun ako? Siguro kasi madami akong nakikita na nasasaktan sa tinatawag na PAG-IBIG.
Magulo nga kasi ito.
Ito ang nagpapaikot ng mundo pero ito rin ang nakakapagpahinto ng lahat. Ito ang nakapagpapasaya sa mga tao pero mas madami ang pinapaiyak nito. Ito ang dahilan kung bakit gusto pa nating mabuhay dito sa mundo, pero ito din ang dahilan kung bakit gusto ng ibang tao na mawala na dito. Ito ang dahilan kung bakit maraming nabubuhayan ng loob, pero ito din ang dahilan kung bakit may mga taong PARANG pinapatay at pinapahirapan bawat segundo.
Sabi nila, “All is fair in love.” UTOT. Sino naman kaya ang lokong nag-pauso nun? May gusto ka, iba naman ang gusto. Gusto ka, hindi mo naman gusto. Napakadaya. Masyadong mapanghusga ang pag-ibig. Kadalasan, yung mga MAGAGANDA at GWAPO lang. Kapag pangit ka, for sure.. ka-level mo din ng looks ang makakatuluyan mo. Ganun naman eh diba? Hindi pwedeng magulo yun. Parang Caste system sa India, Status Quo sa highschool musical, at Maharlika, Timawa at Alipin ng Pilipinas nuong unang panahon.
Merong mga taong parang tanga na umaasa sa wala. Sa totoo lang, naawa ako sa kanila. Kasi nabulag na sila. Akala nila meron pang pahihinatnan pero hanggang dun na lang yun. Hindi na uusad. Kumbaga mas matindi pa sa traffic ng edsa. Mga ganung tao ang hirap i-untog sa pader. Mahirap magising sa katotohanan. Pag sinabi mo sa kanila ang totoo, pababanguhin lang nila yung taong inaasahan nila. Wag mo na subukan, baka ikaw din ang mag-sawa.
May mga tao naman na napaka-manhid. Hindi makaramdam. Akala mo bato. Akala mo hindi tao kasi walang pakialam. Yung iba, hindi ko alam kung nagmamanhid-manhidan o manhid lang talaga. Kahit anong gawin mo, wala talaga. Siguro kahit kumain ka ng apoy o lumunok ng bubog, tumulay sa alambreng may mga langgam, wa-epek yan.
Madami naming mga taong paasa. Ito mga magagaling na aktor. Dramatista. Sweet kuno. Napaka-galing. Lahat mapapaniwala nila. Akala mo totoo na, peke pala. Papaasahin ka lang tas saka ka iuumpog sa pader. Mga walang awa. Ewan ko bat sila ganito at hindi ko din naman sila maintindihan . Kaya kayo, ingat na lang po.
Meron pa. Mga martir. Hanga din ako sa ganito. Parang baliw. Kahit araw-araw PARANG tinu-torture na sila di pa rin sumusuko. Siguro kung makikita ko yung mga puso nila, naka-magic tape na lang para mabuo ulit o kaya naka mighty bond para naman mas mahirap mabasag o madurog. Akala mo araw-araw pinapako sila sa krus, kaso sa dibdib lang naka-pako.
Eto, last na. May mga taong parang hangin, paramdam lang ng paramdam. Di naman nakikita. Yung tipong walang diretso na sinasabi. Siguro kasi takot sila. Ibig sabihin duwag. Puro paramdam lang, akala mo multo lang sa paligid. Siguro nag-fall na rin to sa category ng mga taong paasa.
Hindi ako eksperto. Sinasabi ko lang kung anong nakikita ko. Sabihin mong mali ako. Pero dude, hula ko. Walo sa sampung umiibig ang sawi. Naalala ko tuloy yung libro ni Ricky Lee, pinamagatang Para Kay B. Sinasabi na merong quota ang LOVE. Kasama ka kaya dun?
Madami na ang napasaya nito. Pero madami rin talagang nabaliw. Pasensya na kung napaka-pessimistic ko sa mga ganitong bagay. Kung masaya ka sa buhay pag-ibig mo ngayon, madaming tao ang hindi kaya wag ka na lang makialam sa opinyon ko.
Salamat sa pagbabasa. Siguro dinurog ko lahat ng pag-asa mo.
No comments:
Post a Comment