Saturday, July 23, 2011

Life, Perspective, Eklabu

Kinain na naman ng iskwela ang buong araw ko. Malamang. Barat na barat na ko umuwi, pero buti na lang wala masyadong ginawa sa pang-huling subject ko.

PHYSICS.

Sa totoo lang, nalito ako kanina kung ano bang klase ang pinasukan ko. Astronomy na may pagka-theology o nasa retreat ba ako?

Pinakita kasi yung iba’t ibang planeta. Ang ganda. Ang kulay. Parang magic.
Ang galing ng tao pero mas magaling ang Diyos  dahil talaga namang hanep ang mga obra niya. Makapigil hininga.

Napagtanto ko, “oo nga no? Maganda ang mundo.” Maganda pa pala ang planeta natin kumpera sa ibang planeta.

Pero bakit ganun? Sa kabila ng kagandahan, marami pa ring taong pinili na magpakamatay. Marami pa rin ang taong umiiyak. Marami pa rin ang ayaw ng buhay nila.

Siguro nga maganda ang mundo, pero hindi palaging maganda ang mga nararanasan natin dito sa mundo.
Siguro talagang may mga bagay na hindi natin ginusto na mangyari. May mga bagay na kailangan lang talaga natin pagdaanan para matuto tayo. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan ng mga ito, pero nangyayari pa rin. Hindi mo inaasahan. Hindi mo akalain. Hindi mo man lang inisip. Hindi mo man lang napaghandaan.

Mas maganda sana kung ang mundo natin may mga signs ng direksyon, para naman alam natin kung saan tayo kakanan o kakaliwa. Sana may nakasulat sa bawat puno kung ano ang dapat sa hindi. Sana may mga nakataga sa bato na nagsasabi kung ano ang tama sa mali. Sana may mga nakasulat sa ulap kung kailan gagamitin ang utak o ang puso..

No comments: