Nakakaaliw yung mga mukha ng ibang babae. Minsan kapag nakita mo, ang masasabi mo na lang..
“Ay mukha pala yan?”
Para kasing gawa sa plastik ang mga mukha nila. Napaka-perpekto. Walang oil. Walang pimples. Walang blemishes. (Lahat ng nasa commercial ng mga facial achuchuchu)
Sobrang kapal rin ng make-up. Siguro kapag hinati mo yun, parang cake na yung make-up na nakadikit sa mukha nila. May layers. Iba-iba pang kulay.
Pagdating sa mata, ibang kulay din. Hindi mo akalain na tao pala yang kausap mo, sa sobrang intense ng kulay ng mata niya, akala mo anime siya na lumabas sa tv. Amazing! Mga friends pala yan ni Naruto.
Syempre hindi rin papatalo ang pilik mata nila na may extensions. Ang hahaba. Anytime, pwedeng magpa-cute gamit ang mga ito. Sa sobrang haba ng extensions, pwede ka nang magsampay ng medyas. Pero syempre echos lang!
Ganun din sa buhok nila. Sobrang straight! (Parang sa commercial ulit ng shampoo) pero ang difference, yung sa tv kasi may “volume” sa kanila wala. Malambot lang tsaka unat. Pero wag palilinlang, meron din kasing mga matigas pero unat. ( I like the way you think! Ikaw ha. Green?)
Literal lahat ng sinasabi ko. Mukhang plastik ang mukha, hindi ko pinapatamaan ang ugali. (Syempre ibang usapin na iyon.) Meron talagang mga ganito, ang gaganda nila, pero maganda nga ba?
No comments:
Post a Comment