Wednesday, August 3, 2011

Apat na Mukha ng Echoserang Bata

Apat na iba’t-ibang mukha ng Echoserang Bata ngayong araw na ito. 

1. Unang Mukha: Wala akong pananaw.
Exams namin. Wala akong libro. Wala akong class notes. Nagta-tumblr ako. Wala pa akong naaral. Wala akong kwenta. 

2. Pangalawang Mukha: Fuck.
Sa totoo lang, hindi naman talaga na-emphasize yung mukha ko. Kaya ganyan kasi nahihirapan akong hanapin yung yahoo groups namin kung saan nakalagay yung mga class notes. Pag pinagpatuloy ko ang “Unang Mukha”, posible na bumagsak ako. Patay ako sa nanay ko kapag ganun.

3. Pangatlong Mukha: Bungisngis.
At dahil umaga ngayon, alangan na simulan ko ang araw ko ng naka-simangot? Kailangan ko itigil ang “Pangalawang Mukha” para naman gumaan ang araw ko. GV lang dapat. Kaya ko to. WOHOO.

4. Pang-apat na Mukha: CEARACUTE17
Yan ang YM id ko. Hindi pa ba halata? Kaya yan ang napili kong pangalan ng pang-apat ng mukha dahil masyado akong pa-cute sa larawan na huli. Ganyan ang nanyayari sa akin kapag ginamit ko ang “Pangatlong Mukha” tapos may dumaan na gwapo. :)

No comments: