Saturday, August 6, 2011

Schizo.

Di ko alam kung anong sasabihin ko. Di ko alam kung anong ilalagay ko. Di ko alam kung ano na ba talaga nanyayari sakin ngayon. Iniisip ng mga kaibigan ko, baliw na ako. Oo siguro nga baliw na ako pero hindi ko lang alam. Pero ang isang baliw, posible ba talagang malaman niya na isa na siyang baliw? Malamang sa malamang hindi. Ang dami kong gustong gawin sa buhay na hindi ko naman pwedeng gawin. Iba-iba ang dahilan. Siguro kasi, iba ang idinidikta ng sociedad. Habang tumataas ang tingin ko sa ibang tao, bumababa ang tingin ko sa sarili ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero siguro dahil na rin sa pagiging natural na pagka-ambisyosa ko. Lahat bumabagsak. Lahat bumababa. Lahat tumataliwas. Lahat nawawala. Lahat na lang. Lahat na lang.

Oo. Baliw na nga ako.

No comments: