Saturday, August 6, 2011

Pain. Love. Ouch. ARAY! PUTA.

Minsan akong nasaktan. Sa sobrang sakit, ang hirap kalimutan. Akala ko wala na eh. Yung tipong akala mo tapos na at hindi mo na babalikbalikan kahit kailan? Pero hindi eh. Pag tinignan mo, maalala mo pa rin yung masakit na nakaraan. 

Ganyan ang nanyari sa paa ko ngayon. 
Natapakan ako. Hindi ko sigurado kung natapakan ba talaga ako, o baka sumudsud lang yung hinliliit ng paa ko sa isang sapatos. Mukhang umangat at humiwalay yung kuko ko, may dugo-dugo pa sa paligid. Akala ko nga matatanggal na yung buong kuko ko. Sinubukan ko rin na punasan yung dugo sa paligid, pero hindi pala siya tumutulo. Pinisil ko rin ng konti, baka sakaling tumulo ito pero hindi. Andun lang siya sa loob.
Nagkaroon ng parada ng mga Binibining Pilipinas. Ang ha-hot nila. Ang se-sexy. Mga naka-tupis, pakaway-kaway habang nakasay sa mga mamahaling sasakyan. Ang ganda nila. Bukod pa doon, ang daming gimik ng Araneta, may ati-atihan pang nalalaman. Ako naman, aliw na aliw sa mga nakikita ko. Ang saya eh. Muntik ko ng malimutan ang nangyari sa kuko ko..

Kaso nga lang, pagtapos ng parada.. Nakita ko na naman yung kuko ko. Yung hinliliit kong mukhang sumisirit ng dugo. Tapos ayun, naging masakit na ulit. 

No comments: