Wednesday, August 3, 2011

PROMO!

Close kayo. Oo naman, barkada mo eh. Ganun talaga. Pero sa loob ng isang barkada, hindi maiiwasan na mabuo ang samahan ng isa pang barkada, Kumbaga sa isang malaking bilog, meron pang isang maliit na bilog sa loob. Parang ganun. Syempre, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng “Package Deal”.

Kailangan ko pa bang ipaliwanag? O sige, magbibigay na lamang ako ng sitwasyon.

Halimbawa, sa barkada ng 5 tao may 2 na kasama sa package deal. May lakad kayo. Planado. Masaya. Exciting. Lahat kayo naghahanda. Lahat kayo naghihintay. Ready na? Okay ready na. Pero LAGOT! Isa sa 2 hindi makakasama. May project. Hindi pinayagan. May ibang lakad. Tinatamad. May sakit. May sira. Natatae. Nagagalit. O kung ano pa mang dahilan.

Maya-maya.. Yung isa pang barkada sa 2, hindi na rin DAW pwede. Biglang may project na rin. Hindi na rin pinayagan. May ibang lakad na rin. Tinatamad na rin. May sakit na rin. May sira na rin. Natatae na rin. O kung ano pa mang dahilan.

Yan ang package deal. Parang Bananas and Pajamas. At kayong buong barkada na nasa labas ng maliit na bilog, parang si Doding daga.

No comments: