Wednesday, August 3, 2011

ICECREAM sa Mukha, Buhok, Kamay, at Bibig.

Alam mo ba kung ano yung pinaka masaklap na posibleng manyari kapag kumakain ng icecream? Yun yung malaglag ang buong icecream. Tapos ang matitira lang sa iyo eh yung apa na walang laman.
Nagpunta kami ng Mcdo ng aking mga kaibigan para bumili ng icecream. Yung nasa apa lang. Aba! Ang sarap naman talaga! Saktong-sakto sa panahon, mainit kasi kahit umuulan. Malagkit sa balat kaya masarap kumain ng icecream.

Todo dila. Todo kagat ako sa aking pinakamamahal na icecream.

Hindi ko alam na ginagamitan pala ng Physics ang pagkain ng icecream. Dapat pala iniikot-ikot mo ito habang dinidilaan o kinakagat para naman may balance. Hindi ko rin naman nailagay sa isip ko ang katagang “handle with care” nung mga panahon na iyon dahil hayop na hayop na nga ako kumain.

Bigla-bigla na lang nalaglag yung icecream ko! Nakakainis. Buti na lang, mabilis rin ako gumalaw. Nasalo ko yung icecream ko gamit ang aking mga kamay! Tapos binalik ko sa apa. WAHAHAHAHAH!

Tawa kami ng tawa ng mga kaibigan ko kasi yung mukha ko punong-puno na ng icecream. Ako naman si tanga, hindi rin makagalaw para punasan yung mukha ko kasi tawa rin ako ng tawa. Yung buhok ng kaklase ko nasawsaw na dun sa icecream ng isa ko pang kaibigan. WAHAHAHA!

Basta, sobrang benta talaga ng araw na ito. Yun yung mga tipong kailangan andun ka para magets mo yung moment. Yung feeling. O kaya naman yung joke para matawa ka. 

No comments: